0% found this document useful (0 votes)
15 views13 pages

GEC-13-Module-finals-pdf (1)

This lecture focuses on the definition, types, and elements of drama, emphasizing that drama encompasses both tragic and comedic narratives. It outlines the characteristics of tragedy and comedy, detailing their requirements and emotional impacts. Additionally, it discusses the essential elements of drama, such as plot, characters, setting, dialogue, movement, music, and theme, while providing strategies for reading drama effectively.

Uploaded by

belmontemarwin70
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
15 views13 pages

GEC-13-Module-finals-pdf (1)

This lecture focuses on the definition, types, and elements of drama, emphasizing that drama encompasses both tragic and comedic narratives. It outlines the characteristics of tragedy and comedy, detailing their requirements and emotional impacts. Additionally, it discusses the essential elements of drama, such as plot, characters, setting, dialogue, movement, music, and theme, while providing strategies for reading drama effectively.

Uploaded by

belmontemarwin70
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 13

GEC 13

LITERATURE OF THE PHILIPPINES

Lecture 7
Drama and Its Elements

Overview

Ayaw ko ng drama dahil puro iyakan!


Today, when the term drama is being mentioned, it is usually associated to
any form of entertainment that is full of sadness. People only say it is drama when
the story is tragic or depressing. Drama as genre of literature also pertains to light
and happy stories. To broaden the idea about drama, nature of drama as well as
basic information about it are explained in this lecture.

Objectives
By the end of the lecture, students should have:

1. Understood the definition of Drama


2. Determined the different types and elements of Drama
3. Learned how to properly read drama.

Scope of Lecture 7

1. Definition of Drama
2. Types of Drama
3. Elements of Drama
Plot
Characters
Setting
Dialogue
Movement
Music
Theme

DEFINITION OF DRAMA

The word drama comes from the Greek word dran which means to do.
According to Holman (1992), Aristotle called drama “imitated human action”
Then, Saymo, Igoy, & Esperon (2004) defined drama as the art of imitating
human action or a story presented on stage by actors impersonating characters
in a given situation. Drama is a work of art made up of words, which is meant to
be performed on stage. (Baritugo, Caranguian, Punsalan&Solmerano, 2007)
Meanwhile, Lacia and Gonong (2003) explained that drama is written primarily to
be acted and seen on stage. They also said that the printed form is only a rough
approximation of what the writer intended to be apprehended by the reader.
Moreover, they elaborated that the reader is left to visualize the setting, recreate
the speech of the characters, and assign them movement and gestures.
Bascara (2003) explained that drama has two aspects, drama as script and
drama as play. She elaborated that the script is the dialogue and stage directions
for actors and stage technicians. Then, she said that the play is the script coming
to life and its director’s interpretation of the script.
Maria Gloria R. Beco-Nada,MA 1
Southern Luzon State University
College of Arts and Sciences
Languages, Literature and Humanities Department
GEC 13
LITERATURE OF THE PHILIPPINES

According to Minot (1998) as cited by Lacia and Gonong (2003), the drama
as a literary genre has been described by many playwrights as :
1. A dramatic art.
It has emotional impact or force.
2. A visual art
Actions and movements of characters on stage are as important as
the lines themselves.
3. An auditory art.
Dialogue is intended to be spoken out loud.
4. A physically produced art.
Sets have to be constructed on stage. Thus, unlike other genres,
personal contact is established.
5. A continuous art.
Drama audience, unlike readers of fiction or poetry, cannot turn back
a page or review; thus, must receive the play whatever pace the
playwright sets.
6. A spectator art.
Audience reaction is important.

TYPES OF DRAMA

1. Tragedy - a serious drama which the protagonist, traditionally of noble position,


suffers a series of unhappy events that lead to a catastrophe such as death or
spiritual breakdown. (Ang, 2012)

This involves the hero struggling mightily against dynamic forces; he meets death
or ruin without success and satisfaction obtained by the protagonist in a comedy.
(Kahayon & Zulueta, 2009)

Tragedy is a play with a great noble hero who possesses some major flaws of
character. The plot often turns on an act committed by the hero against the gods
or the moral order, for which he is duly punished. (Lacia and Gonong, 2003)

Requirements of Tragedy
Baritugo, Caranguian, Punsalan&Solmerano (2007)

⚫ The play must concern a serious subject.


⚫ The leading character must be a great figure or one a representative of a
class. He must represent more than an individual.
⚫ The incidents must be absolutely honest and without the element of
coincidence or chance. What should happen must happen.
⚫ The basic emotions are those of pity and fear - pity for the protagonist in his
suffering, and fear that the same fate might come to us.
⚫ In the final analysis, the protagonist must meet defeat, but before that defeat
must come enlightenment or the catharsis of Aristotle

2. Comedy- a type of drama intended to interest and amuse the audience rather
than to make them deeply concerned about the events that happen. The
characters experience difficulties, but the always overcome their ill fortune and
find happiness in the end. (Ang, 2012)

Maria Gloria R. Beco-Nada,MA 2


Southern Luzon State University
College of Arts and Sciences
Languages, Literature and Humanities Department
GEC 13
LITERATURE OF THE PHILIPPINES

The word comedy comes from the Greek term “Komos” meaning festivity or
revelry. This form usually is light and written with the purpose of amusing, and
usually has a happy ending. (Kahayon & Zulueta, 2009)

Comedy is to aouse laughter. Its ending or outcome is usually happy. Comedy


achieves its effect by means of poking fun or exposing human folies, by sanitizing
social customs, or simply by playing with words (verbal dexterity and wit). (Lacia
and Gonong, 2003)

Requirements of Comedy
Baritugo, Caranguian, Punsalan&Solmerano (2007)

⚫ It treats its subject in a lighter vein even though the subject may be a serious
one
⚫ It provokes what can be defined as “thoughtful laughter”
⚫ It is both possible and probable
⚫ It grows out of character rather than situation
⚫ It is honest in its portrayal of life.

ELEMENTS OF DRAMA
The following are the different element of drama as enumerated by Ang
(2012)

Plot
It lays out the series of events that form entirely of the play. It serves
as a structural framework which brings the events to a cohesive form and
sense. (Sialongo et al., 2007)

Characters
Characters reveal motivation, flower in action; act or are acted upon
and exhibit growth, change and deterioration. (Bascara, 2003)

Setting
It identifies the time and place in which the events occur. It consists of
historical periods, the moment, day and season when incidents take
place. It also includes the scenery in the performance which is usually
found in the preliminary descriptions. (Sialongo, et al. 2007)

Dialogue
Conversation of two or more people as reproduced in writing.
(Holman, 1992)

Movement
In the Greek tragedies, the chorus danced in a ritualistic fashion from
one side of the stage to the other. Their movement was keyed to the
structure of their speeches. In reading a play, the stage directions give
information as to where the characters are, when they move, and
perhaps even the significance of their movement. The stage directions
enhance the actor’s interpretations of the character’s actions. (Ang, 2012)

Music
It is an occasional dramatic element in a play. This may either be
sung live by the characters or provided as background during the
performance. (Ang, 2012)

Maria Gloria R. Beco-Nada,MA 3


Southern Luzon State University
College of Arts and Sciences
Languages, Literature and Humanities Department
GEC 13
LITERATURE OF THE PHILIPPINES

Theme
It is the meaning surfaces and is communicated with clarity and
intensity; should not be obvious or simply a moral. (Bascara, 2003)

In the book, Literature published by Prentice Hall, the following strategies will
help you read drama actively:

Visualize Use the directions and information supplied by the


playwright to picture the stage and the characters in action.
Create the scene in you mind. Hear the characters’ voices.
See their gestures. Doing so will give you meaning to their
words.
Question .Question the meaning of each character’s words and
actions. What motives and traits do the words and actions
reveal? What situation does each character face?
Predict Once you recognize the conflict and understand the
character’s motives, predict what you think will happen. How
will the conflict be resolved? What will become of each
character?
Clarify If a character’s words or actions are not clear to you, stop
and try to make sense of them. You may need to look for
clues in earlier words or actions. As you read, look also for
answers to your questions, and check your predictions.
Summarize .Pause occasionally to review what has happened. What do
you know about the story being told through the characters’
actions and words?
Pull it together Pull together all the elements of the play. What does the play
mean? Is there a message, or is the play purely
entertainment? What does the play say to you about life?

Maria Gloria R. Beco-Nada,MA 4


Southern Luzon State University
College of Arts and Sciences
Languages, Literature and Humanities Department
GEC 13
LITERATURE OF THE PHILIPPINES

Sa Pula, Sa Puti
Francisco “Soc” Rodrigo

Kulas: A…hem! E, kumusta ka ngayong umaga, Celing.


Celing: Mabuti naman, Kulas. Salamat at naalala mo akong kamustahin.
Kulas: Si Celing naman, bakit naman ganyan ang sagot mo sa akin?
Celing: Sapagkat pagkidlat ng mata mo sa umaga, wala ka ng iniisip kamustahin at himasin
kundi ang iyong tinali. Tila mahal mo ang tinali mo kaysa sa akin.
Kulas: Ano ka ba naman, Celing, wala ng mas mahal pa sa akin sa buhay na ito kundi ang
asawa.
(Ilalagay ang kamay sa balikat ni Celing).
Celing: Siya nga ba? Ngunit kung nakikita kong hinihimas mo ang iyong tinali, ibig ko ng
kung minsang mainggit at magselos.
Kulas: Ngunit Celing, alam mo namang kaya ko lamang inaalagaang mabuti ang mga tinaling
ito ay para sa atin din. Sila ang magdadala sa atin ng grasya.
Celing: Grasya ba o disgrasya, gaya ng karaniwang nangyayari?
Kulas: Huwag mo sanang ungkatin ang nakaraan. Oo, ako nga'y napagtalo noong mga
nakaraang araw, sapagkat noon ay hindi pa ako bihasa sa pagpili at paghimas ng manok.
Ngunit ngayon ay marami na akong natutuhan, mga bagong sistema.
Celing: At noong nakaraang Linggo, noong matalo ang iyong talisain, hindi mo pa ba alam
ang mga bagong sistema.
Kulas: Iyon ay disgrasya lamang, Celing, makinig ka. Alam mo, kagabi ay nanaginip ako.
Napanaginipan kong ako'y hinahabol ng isang kalabaw na puti. Kalabaw na puti, Celing!
Celing: E ano kung puti?
Kulas: Ang pilak ay puti, samakatwid ang ibig sabihin ay pilak. At ako'y
hinahabol…Hinahabol ako ng pilak…ng kuwarta!
Celing: Ngunit ngayon ay wala nang kuwartang pilak.
Kulas: Mayroon pa, nakabaon lang. kaya walang duda, Celing. Bigyan mo lamang ako ng
limang piso ngayon ay walang salang magkakuwarta tayo.
Celing: Ngunit, Kulas, hindi ka pa ba nadadala sa mga panaginip mong iyan? Noong isang
buwan, nanaginip ka ng ahas na numero 8. Ang pintakasi noon ay nation sa a-8 ng Pebrero
at sabi mo'y kuwarta na ngunit natalo ka ng anim na piso.
Kulas: Oo nga, ngunit ang batayan ko ngayon ay hindi lamang panaginip. Pinag-aralan kong
mabuti ang kaliskis at ang tainga ng manok na ito. Ito'y walang pagkatalo, Celing.
Ipinapangako ko sa iyo, walang sala tayo ay mananalo.
Celing: Kulas, natatandaan mo bang ganyan-ganyan din ang sabi mo sa akin noong isang
Linggo tungkol sa manok mong talisain? At ano ang nangyari? Nagkaulam tayo ng pakang
na manok.
Kulas: Sinabi ko nang iyon ay disgrasya!
(Maririnig uli ang sigawan sa sabungan. Maiinip si Kulas).
Sige na, Celing. Ito na lamang. Pag natalo pa ang manok na ito, hindi na ako magsasabong.
Celing: Totoong-totoo?
Kulas: Totoo. Sige na, madali ka at nagsusultada na. sige na, may katrato ako sa susunod
na sultada. Pag hindi ako dumating ay kahiya-hiya.
(Titingnan ni Celing ang pagkakabalisa ni Kulas at maisip na walang saysay ang
pakikipagtalo pa, iiling-iling na dudukot ng salapi sa kanyang bulsa).
Celing: O, Buweno, kung sa bagay, ay tatago lamang ako ng pera. O, heto. Huwag mo sana
akong sisihan kung mauubos ang kaunting pinagbilhan ng ating palay.
Kulas:
(Kukunin ang salapi)
Huwag kang mag-alala, Celing, ito'y kuwarta na. seguradong-segurado! O, Buweno, diyan ka
muna.
(Magmamadaling lalabas si Kulas, ngunit masasalubong si Sioning sa may pintuan.)
Sioning: Kumusta ka, Kulas?
Kulas:
(Nagmamadali)
Kumusta…e…eh…Sioning didispensahin mo ako. Ako lang ay nagmamadali.
Eh…este…nandiyan si Celing! Heto si Sioning. Buwena-diyan ka na.
(Lalabas si Kulas).
Sioning: Celing, ano ba ang nangyayari sa iyong asawa? Tila pupunta sa sunog.
Celing: Ay, Sioning, masahol pa sa sunog ang pupuntahan. Pupunta na naman sa sabungan.
Sioning: Celing, talaga bang…

Maria Gloria R. Beco-Nada,MA 5


Southern Luzon State University
College of Arts and Sciences
Languages, Literature and Humanities Department
GEC 13
LITERATURE OF THE PHILIPPINES

Celing: Sandali lang ha, Sioning.


(Sisigaw sa gawing kusina).
Teban! Teban! Teban!
Teban:
(Masunurin ngunit may kahinaan ang ulo).
Ano po iyon Aling Celing?
Celing:
(Kukuha ng limang piso sa bulsa at ibibigay kay Tebang).
O heto, Teban, limang piso…Nagpunta na naman ang amo mo sa sabungan. Madali, ipusta
mo ito. Madali ka at baka mahuli!
Teban:
(Nagmamadaling itinulak ni Celing sa labas).
Sioning: Ipusta ang limang piso! Ano ba ito, Celing, ikaw man ba'y naging sabungera na rin?
Celing: Si Sioning naman. Hindi ako sabungera! Ngunit sa tuwing magsasabong si Kulas ay
pumupusta rin ako.
Sioning: A…Hindi ka sabungera, ngunit pumupusta ka lamang sa sabong? Hoy, Celing, ano
ba ang pinagsasabi mo?
Celing: O, Buweno, Sioning, maupo ka't ipaliliwanag ko sa iyo. Ngunit huwag mo namang
ipaalam kaninuman.
Sioning: Oo, huwag kang mag-alala sa akin.
Celing: Alam mo, Sioning, ako'y pumupusta sa sabong upang huwag kaming matalo.
Sioning: Ah, pumupusta ka sa sabong upang huwag kayong matalo. Celing pinaglalaruan
mo yata ako.
Celing: Hindi. Alam mo'y marami kaming nawawalang kuwarta sa kasasabong ni Kulas.
Nag-aalaala akong darating ang araw na magdidildil na lamang kami ng asin. Pinilit kong
siya'y pigilin. Ngunit madalas kaming magkagalit. Upang huwag kaming magkagalit at huwag
maubos ang aming kuwarta, ay umisip ako ng paraan. May isang buwan na ngayon, na
tuwing pupusta si Kulas sa kaniyang manok ay pinupusta ko si Teban sa sabungan upang
pumusta sa manok na kalaban.
Sioning:
(May kahinaan din ang ulo).
Sa anong dahilan?
Celing: Puwes, kung matalo ang manok ni Kulas ay nanalo ako. At kung ako nama'y matalo
at nanalo si Kulas, kaya't anuman ang mangyari ay hindi nababawasan ang aming
kuwarta.Sioning. A siya nga. Siya nga pala naman.
(Mag-uumpisang Maririnig ang sigawan buhat sa sabungan).
Celing: Hayan, nagsusultada na marahil. Naku, sumasakit ang ulo ko sa sigawang iyan.
Sioning: Ikaw kasi, eh. Sukat ka bang pumili ng bahay sa tapat ng sabungan.
Celing: Ano bang ako ang pumili ng bahay na ito. Ang gusto kong bahay ay sa tabi ng
simbahan, ngunit ang gusto ni Kulas ay sa tabi ng sabungan.
Sioning:
(Lalong lalakas ang sigawan).
Ah, siya nga pala, Celing naparito ako upang ibalita sa iyo na dumating na ang rasyon ng
sabon sa tindahan ni Aling Kikay. Baka tayo maubusan.
Celing: Hindi, siyempre ipagtitira tayo ni Aling Kikay. Sayang lamang ang pagkukumare
namin.
(Dudungaw)
O heto na nga si Teban. Tumatakbo.
(Papasok si Teban na may hawak na dalawang lilimahin).
Teban:
(Tuwang-tuwa)
Nanalo tayo, Aling Celing, nanalo tayo!
(Ibibigay ang salapi kay Aling Celing. Agad-agad namang itatago ito.)
Celing: Mabuti Teban, o magpunta ka na sa kusina. Baka dumating na si Kulas ay mahalaga
ang ating ginagawa.
(Magmamadaling lalabas si Teban).
Sioning: O, Buweno, lumakad na tayo, Celing.
(Kukunin ni Celing ang tapis niyang nakasampay sa isang silya. Aalis na sila. Papasok si
Kulas na tila walang kasigla-sigla).
Celing: Ano ba, Kulas, tila hindi ka inabutan ng kalabaw na puti.
Kulas:
(Mainit ang ulo)
Huwag mo ngang banggitin iyan. Talagang ako'y malas. Celing, uyo'y disgrasya kamang.
Ang aking manok ay nananalo hanggang sa huling sandali. Talagang wala akong suwerte!

Maria Gloria R. Beco-Nada,MA 6


Southern Luzon State University
College of Arts and Sciences
Languages, Literature and Humanities Department
GEC 13
LITERATURE OF THE PHILIPPINES

Celing: Iyan ang hirap sa sugal, Kulas, walang pinaghahawakan kundi suwerte!
Kulas: Talagang buwisit ang sabong! Isinusumpa ko na ang sabong! Ni ayaw ko nang Makita
ang anino ng sabungang iyan.
Celing: Nawa'y magkatotoo na sana iyan, Kulas.
Kulas: Oo, Celing, ipinapangako ko sa iyo, hindi na ako magsasabong kailanman.
Celing: Buweno, magpalamig ka muna ng ulo. Pupunta lang kami kay Kumareng Kikay
upang bumili ng sabon.
(Lalabas sina Celing at Sioning. Sisindihan ang natitirang kalahati ng sigarilyo, hihithit at
pagkatapos ay ihahagis sa sahig at papadyakan. Pupunta sa isang silya at uupong may
kalumbayan.)
Castor: Hoy, Kulas kumusta na?
Kulas: Ay, Castor…at lagi na lamang akong natatalo. Talagang ako'y malas! Akalain mo
bang kanina'y natalo pa ako? Tingnan mo lang,
Castor. Noong magsagupaan ang mga manok ay lumundag agad ang manok ko at pinalo
nang pailalim ang kalaban. Nagbuwelta pareho, at naggirian na parang buksingero. Biglang
sabay na lumundag at nagsugapaan (nagsagupaan?) sa hangin. Palo diyan, palo dini ang
ginawa ng aking manok. Madalas tamaan ang kalaban, ngunit namortalan. Sige ang batalya
nila sa hangin, at tumaas ang balahibo. Unang lumagapak ang kalaban., patihaya. Lundag
ang aking manok. Walang sugat at patayo, ngunit alam mo kung saan lumagpak?
Castor: O saan?
Kulas: Sa tari ng kalaban. Talagang ayaw ko na ng sabong.
Castor: Bakit naman? Wala pa namang maraming natatalo sa iyo.
Kulas: Ano bang walang marami? Halos, tutong na laang ang natitira sa aming natitipon.
Castor: Ngunit hindi tamang katwiran ang huwag ka nang magsabong.
Kulas: Ano bang hindi tama?
Castor: Sapagkat pag hindi ka na nagsabong ay Talagang patuluyan nang perdida ang
kuwartang natalo sa iyo. Samantalang kung ikaw ay magsasabong pa maaaring makabawi!
Kulas: Hindi Castor, lalo lang akong mababaon. Tama si Celing. Ang sugal ay
suwerte-suwerte lamang, at masama ang aking suwerte.
Castor: Ano bang suwerte-suwerte? Iyan ay hindi totoo. Tingnan mo ako, Kulas, ako'u hindi
natatalo sa sabong.
Kulas: Mano nga lang magtigil ka Castor. Kung hindi sana nakikita na ang lahat ng manok
mo ay laging nakabitin kung iuwi.
Castor: Ito si Kulas, nabastos ka na nga pala sa huwego. Oo, natatalo nga ang aking manok
ngunit nananalo ako sa pustahan!
Kulas: Ngunit paano iyan?
Castor: Taong ito…pumupusta ako, hindi sa aking manok, kundi sa kalaban.
Kulas: Eh, kung magkataong ang manok mo ang manalo?
Castor: Hindi maaaring manalo ang aking manok. Ginagawan ko ng paraan.
Kulas: Hoy, Castor, maano nga lang huwag mo akong biruin. Masama ang ulo ko ngayon.
Castor: Ano bang biro ang sinasabi mo? Ito'y totoo. At kung di lamang kita kaibigan, ay hindi
ko sasabihin sa iyo.
Kulas: Ngunit, Castor, paano mangyayari iyan?
Castor: Talaga bang gusto mo malaman?
Kulas: Aba, oo. Sige na.
Castor: O, Buweno, kunin mo ang isa sa iyong mga tinali at ipapaliwanag ko sa iyo.
Kulas: Kahit ba alin sa aking tinali?
Castor: Oo, kahit alin, sige, kunin mo.
(Lalabas si Kulas patungo sa kusina. Babalik na may dalang tinali.)
Kulas:
(Ibibigay ang tinali kay Castor).
O heto, Castor.
Castor: Ngayon, kumuha ng isang karayom.
Kulas: Karayom?
Castor: Oo, karayom. Iyong ipinanahi!
Kulas: Ah…
(Pupunta sa kahong kunalalagyan ng panahi ni Celing at kukuha ng isang karayom.)
O heto ang karayom.
Castor:
(Hawak ang tinali sa kaliwa at ang karayom sa kanan.)
O halika rito at magmasid ka. Ang lahat ng manok ay may litid sa paa na kapag iyong dinuro
ay hihina ang paa. Tingnan mo…
(Anyong duduruin ni Castro ang hita ng tinali.)
Hayan!

Maria Gloria R. Beco-Nada,MA 7


Southern Luzon State University
College of Arts and Sciences
Languages, Literature and Humanities Department
GEC 13
LITERATURE OF THE PHILIPPINES

(Ibababa ang tinali.)


Tingnan mo. Matuwid pang lumakad ang tinaling iyan. Walang sinumang makahahalata sa
ating ginawa, ngunit mahina na ang paang ating dinuro, at ang manok na iyan ay hindi
makapapalo.
Kulas: Samakatuwid ay hindi na nga maaaring manalo ang manok na iyan…Siguradong
matatalo.
Castor: Natural, ngayon, ang dapat na lamang gawin ay magpunta sa sabungan…ilaban ang
manok na iyan…at pumunta nang palihim sa kalaban.
Kulas: Siya nga pala. Magaling na paraan!
Castor: Nakita mo na? Ang hirap sa iyo ay hindi mo ginagamit ang ulo mo.
Kulas:
(Balisa)
Ngunit, Castor, hindi ba iya'y pandaraya?
Castor: Oo, pandaraya…ngunit po Diyos! Sino bang tao ang nagkakuwarta sa sugal na hindi
gum,agamit ng daya? At bukod diyan, ay marami nang kuwartang natalo sa iyo. Ito'y
gagawin mo lamang upang makabawi. Ano ang sama niyan?
Kulas: Siya nga, Castor, kung sa bagay, malaki na ang natatalo sa akin.
Castor: At akala mo kay, sa mga pagkatalo mong iyan ay hindi ka dinaya.
Kulas: Kung sa bagay…
Castor: Nakita mo na. Hindi ka mandaraya, Kulas. Gaganti ka lamang.
Kulas: Siya nga, may katwiran ka.
Castor: O…eh…ano pa ang inaantay mo? Tayo na.
Kulas: Este…Castor…eh…hintayin lamang natin si Celing, ang aking asawa.
Castor: Bakit, ano pa ang kailangan?
Kulas: Alam mo na ang aking asawa ang may hawak ng supot sa bahay na ito.
Castor: Naku, itong si Kulas! Talunan na sa sabungan ay dehado pa sa bahay…Buweno,
hintayin mo siya, ngunit laki-lakihan mo ang iyong hihingin, ha? At nang makaitpak tayo ng
malaki-laki.
Kulas: Oo…Este…Castor…
Castor: O, ano na naman?
Kulas: Eh…malapit na segurong dumating si Celing…alam mo'y ayaw kong Makita ka niya
rito. Huwag ka sanang magagalit kung maaari lang ay umalis ka na.
Castor:
(Tatawa)
Oo…aalis na ako. Mabuti nga at nang makahanap na ako ng kareto ng manok mo. Sumunod
ka agad, ha? Pagdating mo roon malalaban agad iyan.
Kulas: Buweno, diyan ka na. Laki-lakihan mo lang ang tipak ha?
(Lalabas si Castor. Ngingiti si Kulas, hihimas-himasin ang kanyang tinali, at hahangaan ang
nadurong hita ng tinali. Papasok sina Celing at Sioning.)
Celing: Ano ba yan, Kulas? At akala ko ba'y Isinusumpa mo na ang sabungan?
Kulas:
(Lulundag na palapit.)
Celing, ngayon na lamang. Walang salang tayo ay makababawi.
Celing: Naku, itong si Kulas, parang presyo ng asukal. Oras-oras ay nagbabago.
Kulas: Celing Talagang ngayon na lamang! Pag natalo pa ako ay patayin mo na ang lahat ng
aking tinali. Ipinangangako ko sa iyo.
Celing: Ngunit baka pangako na naman ng napapako.
Kulas: Hindi, Celing! Hayan si Sioning, siya ang testigo.
Sioning:
(Kikindatan si Celing)
Siya nga naman. Celing, bigyan mo na, ako ang testigo.
Celing: O buweno, ngunit tandaan mo, ito na lamang ha?
Kulas: Oo, Celing, itaga mo sa bato!
Celing: Magkano ba ang kailangan mo?
Kulas: Eh…dalawampung piso lamang.
Celing: Dalawampung piso?
Sioning: Susmaryosep!
Kulas: Oo, Celing. Dalawampung piso, upang tayo ay makabawi.
(Mag-aatubili si Celing).
Sioning: Sige na, Celing. Tutal ito naman ay kahuli-hulihan.
Celing: O buweno, heto.
(Bibigyan ng dalawampung piso si Kulas. Kukunin ang salapi sa baul)
Kulas:
(Kukunin ang salapi)

Maria Gloria R. Beco-Nada,MA 8


Southern Luzon State University
College of Arts and Sciences
Languages, Literature and Humanities Department
GEC 13
LITERATURE OF THE PHILIPPINES

Ay, salamat sa iyo, Celing. Ito'y kuwarta na. Hindi ka magsisisi. O buweno, diyan na muna
kayo, hane?
(Magmamadaling lalabas si Kulas na dala ang kanyang tinali).
Celing:
(Susundan ng tingin si Kulas hanggang nasa malayo na)
Teban! Teban!
Sioning: Teban, madali ka!
(Papasok si Teban buhat sa kusina)
Teban: Opo, opo, Aling Celing.
Celing: O heta ang pera. Nasa sabungan na naman ang iyong amo.
Sioning: Madali ka. Teban, ipusta mo iyan sa manok ng kalaban.
Teban:
(Magugulat sa dami ng salapi).
Dalawampung piso ito a…
Celing: Oo, dalawampung piso. Sige, madali ka na.
Teban:
(Hindi maintindihan)
ito ba'y itotodo ko?
Sioning: Oo, todo.
Teban: Opo, naku! Malaking halaga ito…
(lalabas si Teban).
Celing: Ikaw naman, Sioning, bakit inayunan mo pa si Kulas?
Sioning: Hindi bale. Tutal, wala naman kayo sa pagkatalo.
Celing: Kung sa bagay. Ngunit hindi lamang ang kuwarta ang aking ipinagdaramdam.
Sioning: Eh ano pa?
Celing: Ang iba pang masasamang bunga ng bisyo…Sioning, alam mo namang ang bisyo ay
nagbubuntot. Karaniwang kasama ng bisyo a ng pandaraya, pagnanakaw…at kung anu-ano
pa.
Sioning: Ngunit nangako naman si Kulas na ito na ang huli.
Celing: Oo nga, ngunit isulat mo sa tubig ang pangakong iyan.
(Lalong lalakas ang sigawan)
Sioning: Ang hirap sa iyo, Celing, e…hindi mo tigasan ang loob mo. Tingnan mo ako. Noong
ang aking asawa ay hindi makatkat sa monte, pinuntahan ko siya isang araw sa kanilang
klub at sa harap ng lahat minura ko siya mula ulo hanggang talampakan. E, di mula noo'y
hindi na siya nakalitaw sa klub.
Celing: Ngunit natatandaan mo ba Sioning na ikaw nama'y hindi nakalabas ng bahay nang
may limang araw, hindi ba dahil sa nangingitim ang buong mukha mo?
Sioning: Oo nga, ngunit iyon ay sandali lamang. Pagkaraan niyon ay esta bien, tsokolate na
naman kami.
Celing: Hindi ko yata magagawa iyon. Magaan pa sa akin ang magtiis lamang.
(Agad huhupa ang sigawan).
Sioning: Ayan, tila tapos na ang sultada. Sino kaya ang nanalo?
Celing: Malalaman natin pagdating ni Teban. Siya'y umuwi agad, upang huwag silang
mag-abot ni Kulas.
Sioning: Celing, mag-iingat ka naman sa pagtitiwala ng pera kay Teban.
Celing: Huwag mong alalahanin si Teban. Siya'y mapagkakatiwalaan.
Sioning: Siya nga, ngunit tandaan mong ang kuwarta ay Mainit kapag nasa palad na ng tao.
Celing: Huwag kang mag-alala…
(Papasok si Teban)
Teban:
(Walang sigla)
Aling Celing, natalo po tao.
Celing: A, natalo. O hindi bale. Tutal nanalo naman si Kulas. Buweno, Teban, magpunta ka
na sa kusina at baka dumating ang iyong amo.
(Lalabas si Teban)
Sioning: Talagang magaan ang paraan mong iyan, Celing.
Celing:
(Nalulungkot)
Siya nga.
Sioning: O, Celing bakit ka malungkot?
Celing: Dahil sa nanalo si Kulas.
Sioning: O, e ano ngayon. Kay nanalo si Kulas, kay manalo ka, hindi naman mababawasan
ang iyong kuwarta. At ikaw pa rin lamang ang maghahawak ng supot.
Celing: Oo nga, ngunit ang alaala ko'y…Ngayong manalo si Kulas, lalo siyang maninikit sa

Maria Gloria R. Beco-Nada,MA 9


Southern Luzon State University
College of Arts and Sciences
Languages, Literature and Humanities Department
GEC 13
LITERATURE OF THE PHILIPPINES

sabungan.
(Papasok si Kulas na nalulumbay).
Kulas: Ay, Celing, Talagang napakasama ng aking suwerte! Hindi na ako magsasabong
kailanman.
Sioning: Ha?
Celing: Ano kamo?
Kulas: Talagang buwisit ang sabong! Isinusumpa ko na!
Celing: Ngunit, Kulas hindi ba't nanalo ka?
Kulas: Hindi, natalo na naman ako! At natodas ang dalawampung piso!
Celing:
(May hinala)
Kulas, huwag mo sana akong ululin. Alam kong nanalo ka.
Kulas: Sino ba ang may sabi sa iyong ako'y nanalo? Bakit ba ako nakinig sa buwisit na si
Castor.
Celing: Kulas, hindi mo ako makukuha sa drama. Isauli mo rito ang dalawampung piso.
Kulas: Diyos na maawain, saan ako kukuha?
Celing:
(Lalo pang maghihinala)
Teka, baka kaya ikaw Kulas, ay mayroon nang kulasisi…at ipinatuka ang dalawampung piso.
Kulas: Celing, ano bang kaululan ito? Isinusumpa kong natalo ang dalawampung piso. Sino
baga ang nagkwento sa iyo na ako'y nanalo.
Celing: Si Teban. Nanggaling siya sa sabungan.
Sioning:
(Magliliwanag ang mukha)
A teka, Celing, baka si Teban ang kumupit ng kuwarta.
Celing: Siya nga pala.
Sioning: Sinabi ko na sa iyo, huwag kang masyadong magtitiwala.
(Pupunta si Celing sa pintuan ng kusina).
Celing: Teban! Teban!
(Lalabas si Teban)
Teban: Ano po iyon?
Celing: Teban, hindi ko akalain na ikaw ay magnanakaw.
Teban: Magnanakaw? Ako? Bakit po?
Celing: At bakit pala? Isauli mo rito ang pera.
Teban: Alin pong pera?
Celing: Ang dalawampung pisong dala mo sa sabungan kanina.
Teban: Aba e, natalo po, e.
Celing: Sinungaling! Ano bang natalo! Kung natalo ka, nanalo sana si Kulas. Ngunit natalo sa
Kulas, samakatuwid nanalo ka.
Teban:
(Hindi maintindihan)
Ha? Ano po? Kung ako'y natalo…ay…
Kulas: 'Tay kayo. Tila gumugulo ang salitaan. Teban, ikaw ba'y pumusta sa sabong kanina?
Teban: Opo.
Kulas: Saan ka nagnakaw ng kuwarta?
Teban: Kay Aling Celing po.
Kulas: Ha? Nagnakaw ka kay Aling Celing?
Teban: E…hindi po. Pinapusta po ako ni Aling Celing.
Kulas: A, ganoon! Hoy, Celing pinipigilan mo ako sa pagsabong, ha? Ikaw pala'y
sabungerang pailalim.
Sioning: Hindi, Kulas, pumupusta lamang si Celing sa kalaban ng manok mo.
Kulas:
(kay Celing)
A…at ako pala'y kinakalaban mo pa, ha?
Celing: Huwag kang magalit, Kulas. Ako'y pumupusta sa manok na kalaban para kahit ikaw
ay manalo o matalo ay hindi tayo
awawalan.
Kulas: Samakatuwid, kahit pala manalo ang aking manok ay bale wala rin.
Sioning: Siya nga at kahit naman matalo ay bale mayroon din.
Kulas: E, sayang lamang ang kahihimas at kabubuga ko ng usok sa manok. Ako pala'y
parang ulol na…
Celing: Teka muna. Ang liwanagin muna natin ay ang dalawampung piso. Teban, saan mo
dinala ang pera?
Kulas: Celing, ako man ay natalo sa pinupustahan sapagkat sa manok ng kalaban din ako

Maria Gloria R. Beco-Nada,MA 10


Southern Luzon State University
College of Arts and Sciences
Languages, Literature and Humanities Department
GEC 13
LITERATURE OF THE PHILIPPINES

pumusta.
Sioning: Naku, at lalong nag-block out.
Celing:
(Kay Kulas)
Pumusta ka sa kalaban ng manok mo?
Kulas: Oo, alam mo'y pinilayan ko ang aking tinali upang seguradong matalo at pumusta ako
sa manok ng kalaban. Ngunit, kabibitiw pa lamang ay tumakbo na ang diyaskeng manok ng
kalaban at nanalo ang aking manok.
Celing: A…gusto mong maniyope? Ikaw ngayon ang matitiyope
(Tatawa)
Kulas: Aba, at nagtawa pa.
Sioning: Siyanga. Bakit ka nagtatawa, Celing?
Celing:
(Tumatawa pa)
Sapagkat ako'y tuwang-tuwa, Sioning, dito ka maghapunan mamayang gabi. At anyayahon
mo sina Kumareng Kikay at ang iba pang kaibigan. Ako'y maghahanda.
Kulas: Ha! Maghahanda?
Celing: Oo, Teban, ihanda mo ang mga palayok, ha? At hiramin mo ang kaserola ni Ate
Nena.
Teban: Opo, opo.
(Lalabas sa pintuan ng kusina)
Kulas: Ngunit paano tayo maghahanda? Ngayon lang ay natalunan tayo ng mahigpit
apatnapung piso.
Celing: Hindi bale. Ibig kong ipagdiwang ang iyong huling paalam sa sabungan.
Kulas: Huling paalam?
Celing: Oo, sapagkat ikaw ay nangako at nanumpa at bukod diyan hindi na tayo kailangang
bumili pa ng ulam.
Kulas: Bakit?
Celing: Mayroon pang anim na tinali sa kulungan. Aadobohin ko ang tatlo at ang tatlo ay
sasabawan.
(Tatawa sina Sioning at Celing. Hindi tatawa si Kulas ngunit pagkailang saglit ay tatawa rin
siya. Mag-uumpisa na naman ang sigawan sa sabungan ngunit makikita sa kilos ni Kulas na
kailanman ay hindi na siya magsasabong.)

References:
Ang, J. G. (2012). Literature 101 Philippine Literatures: A Course Reader. Intramuros, Manila:
Mindshapers Co.,Inc.
Baritugo, M. et al. (2007). Philippine Literature: An Introduction to Poetry, Fiction & Drama. Manila,
Philippines.
Bascara, L. (2003). World Literature. Manila: REX Book Store, Inc.
Holman, C. H. (1992) A Handbook to Literature 6 th ed. Indiana:The Odyssey Press, Inc.
Kahayon, A. and C. A. Zulueta. (2000). Philippine Literature Through the Years. Mandaluyong
City: National Bookstore.
Lacia, F. and G. O. Gonong. (2003). The Literatures of the World.. Manila: REX Book Store, Inc.
________________ (1989). Literature. New Jersey: Prentice Hall, Inc.
Saymo, A., J. I. Igoy & R. M. Esperon (2004). World Literature. Bulacan: Trinitas Publishing, Inc.

Sialongo, E. et al. (2007). Literatures of the World. Manila: REX Book Store, Inc.

Maria Gloria R. Beco-Nada,MA 11


Southern Luzon State University
College of Arts and Sciences
Languages, Literature and Humanities Department
GEC 13
LITERATURE OF THE PHILIPPINES

Name___________________________________ Date______________

Course/year/section________________________

ACTIVITY 14

Instructions: As a literary type, what makes DRAMA different from poems, short stories, and
novels?

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

Criteria Excellent Good Fair Poor Score


25-20 19-15 14-10 9-1
Clarity of the The discussion is Some of the Few of the Most of the
Discussion clear and discussion is clear discussion is clear explanation is not
concise. but not concise but not concise clear and not
concise.
Explanation The explanation The is explanation The explanation is The explanation is
is comprehensive somehow somehow unacceptable.
and complete. comprehensive comprehensive and
but complete. incomplete.
Total

Maria Gloria R. Beco-Nada,MA 12


Southern Luzon State University
College of Arts and Sciences
Languages, Literature and Humanities Department
GEC 13
LITERATURE OF THE PHILIPPINES

Name___________________________________ Date______________

Course/year/section________________________

ACTIVITY 15

Instructions: Discuss how is Sa Pula, sa Puti a great example of comedy.

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

Maria Gloria R. Beco-Nada,MA 13


Southern Luzon State University
College of Arts and Sciences
Languages, Literature and Humanities Department

You might also like

pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy