WEEK 8 ESP Day 1-5 QUARTER 1

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 43

EDUKASYON SA

PAGPAPAKATAO
WEEK 8 DAY 1
Sinu-sino ang iba pang kasapi
ng mag-anak?
Sino sa inyo ang kasama ang lola
sa kanilang bahay? (Hayaang
ibahagi ng mga bata ang
kanilang karanasan)
Iparinig ang kwento:
Ang Lola ni Rico
Masipag ang lola ni Rico. Kahit
matanda na at malabo ang mata,
nananahi pa rin ang lola. Sinusulsihan
ng Lola ang mga sirang damit at medias
nina Rico. Si Rico ang tagasuot ng
sinulid sa karayom ng Lola.
Anong ugali ang ipinakita ni
Rico?
Mahal kaya niya ang
kanyang Lola?
May malasakit kaya siya sa
kanyang Lola?
 
Lutasin:
Matanda na ang Lola ni Bea kaya
paulit-ulit na lang ang sinasabi nito.
Paano kaya siya dapat itatrato ng
pamilya?
A. Sigawan kung kakausapin siya.
B. Huwag na lang kausapin ang lola.
C. Magpakita ng giliw sa pakikipag-usap
sa kanya para malibang.
Paano ninyo maipakikita ang
malasakit sa inyong Lola? Lolo?
Tandaan:
Lolo at Lola’y mahalin
Lagi silang alalahanin
Iwasang saktan kanilang damdamin
Sapagkat sila’y may pusong
maramdamin.
Lagyan ng / ang nagpapakita ng pagmamalasakit
sa lola/lolo. X kung hindi.
__1. Halikan at yakapin ang lolo at lola.
__2. Huwag isabay sa pagkain ang lola dahil
mabagal nang kumain.
__3. Sigawan kung may nasisirang kagamitan.
__4. Kwentuhan ng mga masasayang kaganapan
sa
paaralan.
__5. Tulungan sa pagtayo at paglakad kung nang
hihina.
Takda:
Lutasin:
Kasama ni Liza ang kanyang Lola. Ibig ni Liza na
manood sila ng sine. Gusto naman ng Lola niya
na umuwi na ng bahay para makapagpahinga.
Ano ang dapat gawin ni Liza?
A. Pauwiing mag-isa ang lola.
B. Sisihin ang lola dahil sumama-sama pa siya.
C. Pagbigyan ang matanda at manood na lang sa
ibang pagkakataon.
EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
EDUKASYON
WEEK 8 DAY 1 SA
PAGPAPAKATAO
WEEK 8 DAY 2
EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
Gamit ang Tama o Mali plaskard hayaang ipakita ang
mga bata ang kanilang damdamin sa mga sumusunod na

WEEK
sitwasyon..
1. Pinagbabalat 8 DAY
ng prutas 1
ang lolong maysakit.
2. Hindi pinapansin ang lolang nanghihingi ng pagkain.
3. Inaalalayan sa paglakad ang matanda.
4. Sinisigawan kung mahina ang pandinig.
5. Malambing na kinakausap.
EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
Tula: Mahal ko si Ama
Mahal ko si Ina
WEEKGayundin
8 DAY si Ate1
At saka si Kuya
Sa aming pamilya
Kami’y maligaya
Dahil sama-sama
Sa tuwi-tuwina.
EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
Iparinig ang kwento:
Galing sa paaralan si Lena at Toni. Pagdating sa bahay

WEEK bahay. Agad8 DAY 1


naabutan ng magkapatid na abala ang nanay sa mga
gawaing tinulungan ng magkapatid ang ina
para ito ay makapagpahinga. Maya-maya, dumating ang
tatay. Nagmano ang magkapatid at sinalubong ang ama.
Agad iniabot ni Toni ang tsinelas ng ama. Pinaupo
naman ito ni Lena at ipinagtimpla ng kape. Tuwang-tuwa
ang nanay at tatay sa kanilang mga anak.
EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
Sinu-sino ang mga bata sa kwento?
Saan galing ang magkapatid?
WEEK 8 DAY 1
Paano nila ipinakita ang malasakit
sa mga magulang nila?
Kaya ninyo ba silang gayahin?
EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
Lutasin:
Naglalaba ang nanay. Pawis na
WEEK 8 DAY 1
pawis ito pero hindi makatayo dahil
sa dami ng mga damit na
nilalabhan. Paano mo maipapakita
ang malasakit mo sa kanya?
EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
Paano ninyo maipakikita ang malasakit
sa inyong nanay at tatay?
WEEK
Tandaan: 8 DAY 1
Tumulong, magmalasakit
Sa mga magulang
Kung tunay na sila’y
Ating minamahal.
EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
Lagyan ng / ang nagpapakita ng pagmamalasakit
sa tatay/nanay. X kung hindi.
WEEK
__1. 8 DAY
Sundin ang anumang 1
utos ng magulang.
__2. Dumabog kung hindi naibili ng laruan.
__3. Mag-aral na mabuti para matuwa angb
magulang.
__4. Tulungan sa mga gawaing bahay.
__5. Labanan ang magulang kung napapagalitan.
EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
Takda:
WEEK
Sumulat ng83DAY 1 kung
paraan
paano mo ipinakikita na
mahal at may malasakit ka sa
iyong tatay at nanay.
EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
WEEK 8 DAY 3
Paano mo naipapakita ang
pagmamalasakit sa iyong
nanay? tatay?
Ano ang ginagawa ninyo kung
walang pasok?
Marami ba kayong kalaro?
Iparinig ang kwento:
Kadadating pa lamang ng Tatay ni Alvin galing sa Saudi. May
mga pasalubong itong mga laruan sa kanya. Isang robot na
maganda at malaki.Agad ipinagmalaki niya ito sa mga kalaro
niya.
Si Ben na kalaro niya ay nakatingin lang. Wala kasi siyang
mga laruan na katulad ng kay Alvin.Ng Makita ni Alvin ang
kalaro, inaya niya ito. Ipinahiram din niya ang bago niyang
laruan. Natuwa ang tatay ni Ben sa ipinakitang ugali ng anak.
Sinu-sino ang mga bata sa kwento?
Saan galing ang tatay ni Alvin?
Ano ang pasalubong niya?
Bakit nakatahimik lang ang kalaro niya?
Paano napasaya ni Alvin si Ben?
Anong ugali ang ipinakita niya?
Lutasin:
Nakita mo na umiiyak ang
kaklase mo dahil wala siyang
baon pagkain. Ano ang gagawin
mo?
Paano ninyo maipakikita ang
malasakit sa inyong kalaro?
Tandaan:
Dapat tayong magpakita ng
malasakit sa ating mga kalaro.
Lagyan ng / ang nagpapakita ng pagmamalasakit
sa kalaro /kamag-aaral. X kung hindi.
___1. Tulungan kung nangangailangan.
___2. Isali sa mga laro at kasayahan.
___3. Iwasan kung mahirap lang.
___4. Pagtaguan ng pagkain.
___5. Tuksuhin kung natatalo sa laro.
Takda:
Lutasin:
Nakita mo na inaaway ng mga
bata ang kaklase mo.
Ano ang gagawin mo?
EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
WEEK 8 DAY 4
Paano mo naipapakita
ang pagmamalasakit sa
iyong kalaro? kamag-
aaral?
Ilang kayong
magkakapatid sa inyong
pamilya?
Sino ang pinakabunso sa
inyo?
Awit: Ang Mag-anak
Iparinig ang kwento:
Nag-aaral ng kanilang leksiyon sina Michael,
Mae at Edward. Sa kusina, abala naman sa
pagluluto ang ina.
Narinig nila ang pag-iyak ng kanilang bunsong
kapatidna si Eugene sa kanyang kuna. Waring
nagugutom na ito. “Kami na po, Mama.
Ipagtitimpla naming ng gatas si Eugene at
aalagaan namin siya,” ang wika ni Mae.
Sumang-ayon si Michael at Edward.
Sinu-sino ang mga bata na nag-
aaral ng kanilang leksiyon sa
kwento?
Nasaan ang ina ng mga bata?
Bakit umiyak ang batang si
Eugene?
Nakatulong ba sila sa kanilang
nanay?
Lutasin:
Nanonood ka ng paborito
mong palabas sa TV.
Tulog sa duyan ang kapatid
mo. Paano mo
matutulungan ang iyong
ina na abala sa paglalaba?
Paano ninyo maipakikita ang
malasakit sa inyong
nakababatang kapatid?
Tandaan:
Dapat tayong magpakita ng
malasakit sa ating mga
nakababatang kapatid.
Lagyan ng / ang nagpapakita ng
kanais-nais na gawi at X ang hindi.
___1. Pagtimpla ng gatas ang
nagugutom na kapatid..
___2. Pakikipaglaro sa kapatid.
___3. Hayaang umiyak ang kapatid.
___4. Bantayan ang kapatid para
hindi mahulog.
___5. iasa lang ang bata sa yaya.
Takda:
Lutasin:
Namalengke ang nanay. Wala pa siya
nang magising si Bunso. iyak ito nang
iyak at hinahanap ang nanay. Ano ang
gagawin mo?
A. Papaluin mo siya.
B. Makikisabay ka sa pag-iyak niya.
C. Lilibangin o lalaruin mo siya para
tumigil sa kakaiyak.
EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
WEEK 8 DAY 5
Paano mo naipapakita ang
pagmamalasakit sa iyong
nakababatang kapatid?
Magpakita ng larawan ng matandang maysakit na
nakahiga sa kama.
Itanong: Ano sa palagay ninyo ang dinaramdam
ng taong ito?
Hayaang magbigay ng kanilang kuro-kuro ang mga
bata
Iparinig ang kwento:
Araw ng Sabado. Walang pasok sa paaralan
ang magkapatid na Miguel at Miradel.
natutulog ang lolo nilang maysakit, kaya
iniwsan nila ang paggawa ng ingay o
paglalaro na maaring makagising sa kanilang
lolo. mahal na mahal nina Miguel at Mirdel
ang kanilang lolo. Ayaw nilang magambala
ang pagtulog nito.
Bakit walang pasok sina Miguel
at Miradel?
Sino ang maysakit?
Ano ang iniwasan nilang gawin at
bakit?
Paano nila ipinakita ang
pagmamahal at paggalang sa lolo
nila?
Lutasin:
May lagnat ang ate mo
kaya hindi niya magawa
ang gawaing bahay na
ipinagagawa sa kanya.
Ano ang gagawin mo?
Paano ninyo maipakikita ang
malasakit sa inyong
kasambahay na maysakit ?
Tandaan:
Iiwasan ko ang paglikha ng ingay
kapag may natutulog o maysakit
sa bahay.
Iguhit ang O kung tama at O kung mali
ang asal na inilalahad kapag mayroong
maysakit na kasambahay.
1. Lumakad nang marahan.
2. Magsalita nang mahina.
3. Maghabulan sa bahay.
4. Ilapag nang marahan ang mga gamit.
5. Lakasan ang radio o telebisyon.

You might also like

pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy