Content-Length: 83903 | pFad | http://tl.wikipedia.org/wiki/Adam_Malik

Adam Malik - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Adam Malik

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Adam Malik
Kapanganakan22 Hulyo 1917
    • Pematangsiantar
  • (North Sumatra, Indonesia)
Kamatayan5 Setyembre 1984
MamamayanIndonesia
Trabahodiplomata, mamamahayag, politiko, kolektor ng sining
OpisinaPangalawang Pangulo ng Indonesya ()
Pirma

Si Adam Malik (22 Hulyo 1917 – 5 Setyembre 1984) ay isang tagapamahayag at politikong Indones.[1] Siya ang pangatlong pangalawang pangulo ng Indonesia.

Adam Malik , 1978

Ipinanganak si Malik sa Pemantar Siantar, Sumatra, Indonesia. Sa kanyang kabataan siya nagsimulang maging masigla sa mga kilusan para sa kalayaan ng Indonesia mula sa pangungolonya ng mga Olandes. Ilang ulit siyang naibilanggo ng mga pinunong Olandes. Bilang mamamahayag, isa siya sa mga naglunsad ng ahensiya ng balitang Antara noong 1937, na naging pambansang ahensiya ng mga tagapamahayag sa Indonesia pagdaka. Noong 1949, naglingkod siya para sa pamahalaang Indones. Noong 1966, naitalaga siya bilang Ministro ng Ugnayang Panlabas ng Indonesia. Noong 1971, nahalal siya upang maging ika-26 na pangulo ng Panglahatang Pagpupulong o Asembleya Heneral ng Mga Nagkakaisang Bansa.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "Adam Malik". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977., Dictionary Index para sa titik na M, pahina 570.

TalambuhayPolitikoIndonesia Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Politiko at Indonesia ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.









ApplySandwichStrip

pFad - (p)hone/(F)rame/(a)nonymizer/(d)eclutterfier!      Saves Data!


--- a PPN by Garber Painting Akron. With Image Size Reduction included!

Fetched URL: http://tl.wikipedia.org/wiki/Adam_Malik

Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy