Aprika
Africa
Aprika
Lawak | 30,221,532 km² (11,668,598.7 sq mi) |
---|---|
Populasyon | 922,011,000[1] (2005, 2nd) |
Density | 30.51/km² (about 80/sq mi) |
| |
Mga Umaasang Bansa | |
Demonym | Aprikano |
Wika | Higit sa 1,000 katutubong wikang Aprikano kabilang ang ilang mga wika na sinasalita ng milyon-milyong katulad ng Igbo, Swahili, Hausa, Amharic, at Yoruba; Dagdag pa nito ang Arabe, Ingles, Pranses, Portuges, Afrikaans, Kastila, mga wikang Indiyano, at iba pa |
Sona ng oras | UTC-1 (Cape Verde) to UTC+4 (Mauritius) |
Ang Aprika[2] (Ingles: Africa), ang pangalawang pinakamalaking kontinente sa daigdig at pangalawa sa pinakamataong populasyon pagkatapos ng Asya. May sukat na mga 30,244,050 km² (11,677,240 mi²) kasama ang mga karatig na mga pulo. Sa pangkalahatan, tinatawag na mga Aprikano (lalaki) at Aprikana (babae) ang mga naninirahan sa kontinente ng Aprika.[2]
Ang kontinenteng Aprika ay ang ikalawang pinakamalaki at may pinakamataas na populasyon sa mundo. Sa sukat na 30.2 milyon kilometro kwadrado (11.7 milyon kwadrado milimetro), kasama na ang mga katabing isla nito, binubuo nito ang 6 na porsyento ng kabuaan na kalupaan ng mundo at 20.4 porsyento ng kabuuang sukat ng patag na kalupaan. Ang populasyon nito na umabot sa 1.1 bilyon noong 2013 ay 15 porsyento ng kabuuang populasyon ng mundo. Ang kontinenteng ito ay pinalilibutan ng Dagat Mediteranyo sa hilaga, Kanal Suez at Dagat Pula sa may Peninsula ng Sinai sa hilagang-silangan, Karagatang Indiyano sa timog-silangan, at ang Karagatang Atlantiko naman sa kanluran. Kabilang ang Madagascar at ilang mga kapuluan sa kontinente ng Aprika. Mayroong 54 na kinikilalang mga estado o bansa sa Aprika, siyam na teritoryo at dalawang de facto o mga estadong may limitado o walang rekognisyon sa kontinenteng ito.
Ang populasyon ng Aprika ay ang pinakabata sa lahat ng kontinente sa mundo. Ang kanilang median age noong 2012 ay 19.7, habang ang pangkabuuang gitnang edad (median age) noon sa mundo ay 30.4. Algeria ang pinakamalaking bansa pagdating sa sukat ng lupa habang Nigeria naman ang bansang may pinakamalaking populasyon. Ang Aprika, partikular na ang sentral ng Silangang Aprika, ay kinikilala bilang lugar na pinagmulan ng mga tao at ng Hominidae clade (malalaking bakulaw), kung saan ay natagpuan ang mga pinakaunang hominids at kanilang mga ninuno at mga sumunod na henerasyon na naitalang namuhay pitong milyong taon na ang nakararaan kabilang ang Sahelanthropus tchadensis, Australopithecus africanus, A. afarensis, Homo erectus, H. habilis at H. ergaster – kasama ang pinakaunang Homo sapiens o modernong tao na natagpuan sa Ethiopia na tinatayang namuhay mga 200,000 taon na ang nakararaan. Ang Aprika ay dinadaanan ng ekwador at mayroon itong iba’t ibang klima. Ito lamang ang kontinente na abot sa hilaga hanggang timog ng sonang katamtaman.
Ang Aprika ay tahanan ng iba’t ibang etnisidad, kultura, at wika. Noong ika-19 na siglo, ang mga bansa sa Europa ay sinakop ang malaking bahagi ng Aprika. Karamihan sa mga modernong estado sa Aprika ngayon ay nagmula sa proseso ng dekolonisasyon noong ika-20 siglo.
Mga teritoryo ng mga Bansa sa Aprika at rehiyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa talaan na ito at rehiyon kung saan sila ay nakakategorya na base sa mga panukala ng Mga Bansang Nagkakaisa.[3]
Pangalang ng rehiyon at teritoryo, kasama ang watawat |
Lawak (km²) |
Populasyon (2009 Taya) |
Densidad ng Populasyon (bawat km²) |
Kabisera |
---|---|---|---|---|
Silangang Aprika (Eastern Africa): | ||||
Burundi | 27,830 | 8,988,091 | Bujumbura | |
Komoro | 2,170 | 752,438 | 283.1 | Moroni |
Djibouti | 23,000 | 516,055 | 20.6 | Djibouti |
Eritrea | 121,320 | 5,647,168 | 36.8 | Asmara |
Etiyopiya | 1,127,127 | 85,237,338 | 60.0 | Addis Ababa |
28.1 | Antananarivo | |||
Malawi | 118,480 | 14,268,711 | 90.3 | Lilongwe |
Mauritius | 2,040 | 1,284,264[3] | 629.5 | Port Louis |
Mayotte (France) | 374 | 223,765[3] | 489.7 | Mamoudzou |
Mosambik | 801,590 | 21,669,278[3] | 27.0 | Maputo |
Réunion (France) | 2,512 | 743,981(2002) | 296.2 | Saint-Denis |
Rwanda | 26,338 | 10,473,282[3] | 397.6 | Kigali |
Seyseles | 455 | 87,476[3] | 192.2 | Victoria |
Somalia | 637,657 | 9,832,017[3] | 15.4 | Mogadishu |
Tansania | 945,087 | 41,048,532[3] | 43.3 | Dodoma |
Uganda | 236,040 | 32,369,558[3] | 137.1 | Kampala |
Sambia | 752,614 | 11,862,740[3] | 15.7 | Lusaka |
Simbabwe | 390,580 | 11,392,629[3] | 29.1 | Harare |
Gitnang Aprika: | 6,613,253 | 121,585,754 | 18.4 | |
Angola | 1,246,700 | 12,799,293[3] | 10.3 | Luanda |
Kamerun | 475,440 | 18,879,301[3] | 39.7 | Yaoundé |
Republikang Gitnang-Aprikano | 622,984 | 4,511,488[3] | 7.2 | Bangui |
Tsad | 1,284,000 | 10,329,208[3] | 8.0 | N'Djamena |
Konggo | 342,000 | 4,012,809[3] | 11.7 | Brazzaville |
Demokratikong Republika ng Konggo | 2,345,410 | 68,692,542[3] | 29.2 | Kinshasa |
Ekwatoryal Guinea | 28,051 | 633,441[3] | 22.6 | Malabo |
Gabon | 267,667 | 1,514,993[3] | 5.6 | Libreville |
Sao Tome at Prinsipe | 1,001 | 212,679[3] | 212.4 | São Tomé |
Hilagang Aprika: | 8,533,021 | 211,087,622 | 24.7 | |
Alherya | 2,381,740 | 34,178,188[3] | 14.3 | Algiers |
Ehipto[4] | 1,001,450 | 83,082,869[3] total, Asia 1.4m | 82.9 | Cairo |
Libya | 1,759,540 | 6,310,434[3] | 3.6 | Tripoli |
Moroko | 446,550 | 34,859,364[3] | 78.0 | Rabat |
Sudan | 2,505,810 | 41,087,825[3] | 16.4 | Khartoum |
Tunisia | 163,610 | 10,486,339[3] | 64.1 | Tunis |
Kanlurang Sahara[5] | 266,000 | 405,210[3] | 1.5 | El Aaiún |
Mga teritoryong umaasa sa Europa na matatagpuan sa Hilagang Aprika: | ||||
Kapuloan Espana (Espanya)[6] | 7,492 | 1,694,477(2001) | 226.2 | Las Palmas de Gran Canaria, Santa Cruz de Tenerife |
Ceuta (Espanya)[7] | 20 | 71,505(2001) | 3,575.2 | — |
Madeira (Portugal)[8] | 797 | 245,000(2001) | 307.4 | Funchal |
Melilla (Spain)[9] | 12 | 66,411(2001) | 5,534.2 | |
Timog Aprika (Southern Africa): | 2,693,418 | 56,406,762 | 20.9 | |
Botswana | 600,370 | 1,990,876[3] | 3.3 | Gaborone |
Lesotho | 30,355 | 2,130,819[3] | 70.2 | Maseru |
Namibia | 825,418 | 2,108,665[3] | 2.6 | Windhoek |
Timog Africa | 1,219,912 | 49,052,489[3] | 40.2 | Bloemfontein, Cape Town, Pretoria[10] |
Suwasilandiya | 17,363 | 1,123,913[3] | 64.7 | Mbabane |
Kanlurang Aprika: | 6,144,013 | 296,186,492 | 48.2 | |
Benin | 112,620 | 8,791,832[3] | 78.0 | Porto-Novo |
Burkina Faso | 274,200 | 15,746,232[3] | 57.4 | Ouagadougou |
Kabo Berde | 4,033 | 429,474[3] | 107.3 | Praia |
Baybaying Garing | 322,460 | 20,617,068[3] | 63.9 | Abidjan, Yamoussoukro[11] |
Gambiya | 11,300 | 1,782,893[3] | 157.7 | Banjul |
Gana | 239,460 | 23,832,495[3] | 99.5 | Accra |
Guinea | 245,857 | 10,057,975[3] | 40.9 | Conakry |
Guinea-Bissau | 36,120 | 1,533,964[3] | 42.5 | Bissau |
Liberia | 111,370 | 3,441,790[3] | 30.9 | Monrovia |
Mali | 1,240,000 | 12,666,987[3] | 10.2 | Bamako |
Mauritania | 1,030,700 | 3,129,486[3] | 3.0 | Nouakchott |
Niher | 1,267,000 | 15,306,252[3] | 12.1 | Niamey |
Niherya | 923,768 | 149,229,090[3] | 161.5 | Abuja |
Saint Helena (UK) | 410 | 7,637[3] | 14.4 | Jamestown |
Senegal | 196,190 | 13,711,597[3] | 69.9 | Dakar |
Sierra Leone | 71,740 | 6,440,053[3] | 89.9 | Freetown |
Togo | 56,785 | 6,019,877[3] | 106.0 | Lomé |
KABUUAN (Total) | 30,368,609 | 1,001,320,281 | 33.0 |
Palatandaan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "World Population Prospects: The 2006 Revision" Naka-arkibo 2011-05-11 sa Wayback Machine. United Nations (Department of Economic and Social Affairs, population division)
- ↑ 2.0 2.1 English, Leo James (1977). "Aprika, Aprikano, Aprikana". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
- ↑ 3.00 3.01 3.02 3.03 3.04 3.05 3.06 3.07 3.08 3.09 3.10 3.11 3.12 3.13 3.14 3.15 3.16 3.17 3.18 3.19 3.20 3.21 3.22 3.23 3.24 3.25 3.26 3.27 3.28 3.29 3.30 3.31 3.32 3.33 3.34 3.35 3.36 3.37 3.38 3.39 3.40 3.41 3.42 3.43 3.44 3.45 3.46 3.47 3.48 USCensusBureau:Countries and Areas Ranked by Population: 2009
- ↑ Malawang itinuturing ang Egypt bilang isang bansang transkontinental sa Hilagang Aprika (UN region) at Kanlurang Asya; para sa Aprika lamang ang mga bilang para sa populasyon at lawak, kanluran ng Suez Canal.
- ↑ Pinagtatalunan ang Western Sahara ng Sahrawi Arab Democratic Republic, na nangangasiwa sa maliit na bahagi ng teritoryo, at ng Morocco, na sumasakop sa ibang bahagi.
- ↑ Ang Spanish Canary Islands, kung saan kapwa kabisera ang Las Palmas de Gran Canaria at Santa Cruz de Tenerife, ay karaniwang itinuturing na bahagi ng Hilagang Aprika dahil sa malapit ito sa Morocco at Western Sahara; para sa 2001 at bilang ng populasyon at lawak.
- ↑ Ang Ceuta, na exclave ng Spain, ay binalilibutan ng Morocco sa Hilagang Aprika; para sa 2001 ang bilang ng populasyon at lawak.
- ↑ Ang Portuguese Madeira Islands ay karaniwang itinuturing na bahagi ng Hilagang Aprika dahil sa lapit nito sa Morocco; para sa 2001 ang bilang ng populasyon at lawak.
- ↑ The Spanish exclave of Melilla is surrounded on land by Morocco in Northern Africa; population and area figures are for 2001.
- ↑ Bloemfontein ang kabiserang panghukuman (judicial capital) ng South Africa, habang ang Cape Town ang sentrong pambatas (legislative seat), at Pretoria ang sentrong pampangasiwaan (administrative seat) ng bansa.
- ↑ Yamoussoukro ang opisyal na kabisera ng Côte d'Ivoire, habang ang Abidjan ang de facto na sentro.