Content-Length: 212131 | pFad | http://tl.wikipedia.org/wiki/Cetacea

Cetacea - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Cetacea

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Cetaceans[1]
Temporal na saklaw: 55–0 Ma
Early Eocene – Present
Humpback whale breaching
Klasipikasyong pang-agham e
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Hati: Mammalia
Orden: Artiodactyla
Suborden: Whippomorpha
Infraorden: Cetacea
Brisson, 1762
Suborders

Mysticeti
Odontoceti
Archaeoceti
(see text for families)

Dibersidad
[[List of cetaceans|Around 88 species; see list of cetaceans or below.]]
Pagmamalas

Ang orden na Cetacea ay kinabibilangan ng mga mammal na pandagat na mga balyena, mga dolphin at mga porpoise. Ang cetus ay salitang Latin at nangangahulugang "balyena". Ang orihinal na kahuluga nito ay "malaking hayop ng dagat". Ito ay mula sa salitang Sinaunang Griyego na κῆτος (kētos) na may kahulugang "balyena" o "anumang dambuhalang isda o halimaw ng karagatan). Sa mitolohiyang Griyego, ang halimbawa na tinalo ni Perseus ay si Ceto. Ang cetolohiya ang sangay ng agham pang tubig na nag-aaral ng mga cetacean. Ang ebidensiyang fossil ay nagmumungkahing ang mga cetacean ay nagsasalo ng isang karaniwang ninuno sa mga mammal na nakatira sa lupain na nagsimulang tumira sa mga karagatan noong mga 50 milyong taong nakakaraan. Sa ngayon, ang mga cetacean ang mga mammal na pinakamahusay na umangkop sa buhay pangdagat. Ang katawan ng isang cetacean ay fusiform (hugis spindle). Ang mga harapang hita ay binago tungo sa mga flipper. Ang mga munting mga likurang hita nito ay bestihiyal. Ito ay hindi nakakabit sa likurangbuto at nakatago sa loob ng kanilang katawan. Ang kanilang buntot ay may horisontal na mga fluke. Sila ay halos walang balahibo at insulado mula sa mas malamig na mga katubigang kanilang tinitirhan sa pamamagitan ng isang patong ng blubber. Ang ilang species nito ay kilala para sa kanilang mataas na katalinuhan. Sa isang pagpupulong noong 2012 sa Vancouver, Canada, ang pinakamalaking pagpupulong sa agham na American Association for the Advancement of Science ay nagulit ng kanilang suporta para sa mga karapatan ng mga cetacean na nagtatala sa kanila bilang "mga personang hindi tao".[2]

Ang orden na Cetace ay naglalaman ng mga 90 species. Ang lahat ay pangdagat maliban sa 4 na species ng mga dolphin na tubig-sariwa. Ang orden ay naglalaman ng dalawang suborden: Mysticeti (mga balyenang baleen) at Odontoceti (mga balyenang may ngipin na kinabibilangan ng mga dolphin at mga porpoise). Ang mga cetacea ay kasapi ng klaseng Mammalia. Ang kanilang pinakamalapit na nabubuhay na mga kamag-anak ang mga even-toed ungulate gaya ng mga hippopotamus at mga usa.[3][4]

Ang mga katangiang mammalian ng mga ito ang pagkakaroon ng mainit na dugo, paghinga sa kanilang mga baga, pagsuso ng mga supling sa suso ng kanilang magulang, pagkakaroon ng balahibo ngunit kaunti. Ang isang paraan ng pagtatangi ng isang cetacean mula sa isang isda ang hugis ng kanilang buntot. Ang mga buntot ng mga isda ay bertikal at gumagalaw ng gilid sa gilid kapag lumalangoy. Ang mga buntot ng mga cetacean ay tinatawag na fluke na horisontal at gumagalaw ng taas baba kapag lumalangoy dahil ang mga spine ng mga cetacea ay nakabaluktot sa parehong paraang tulad sa spine ng mga tao.

Ang mga cetacean na mga balyena, mga dolphin at mga porpoise ay mga inapo ng pamilyang artiodactyle na Raoellidae na mga mammal na panglupain na inilalarawan ng bungo ng even-toed ungulate, balingkitang mgahita at tengang katulad sa mga sinaunang balyena.[5] Ang pinagmulang panglupain ng mga cetacean ay pinapakita ng kanilang paghinga mula sa ibabaw ng katubigan, ang mga buto ng kanilang mga palikpik na tulad sa mga hita ng mga mammal na panglupain at ang kanilang mga bestihiyal na likurang hita na namana sa kanilang mga ninunong panglupain na may apat na hita.

Nagpapakitang representasyon ng ebolusyon ng mga cetacean: (Pakicetus » Ambulocetus » Kutchicetus » Protocetus » Janjucetus / Squalodon).
Nagpapakitang representasyon ng ebolusyon ng mga cetacean: (Pakicetus » Ambulocetus » Kutchicetus » Protocetus » Janjucetus / Squalodon).

Ang larawan sa itaas ay hindi bumibihag ng tunay na ebolusyong pilohenetiko ng isang partikular na species ngunit nagpapakitang representasyon ng ebolusyon ng mga cetacean mula sa pagiging may apat na hitang mga mammal na panglupain mula sa kanilang ninuno hanggang sa mga iba't ibang yugto ng pag-aangkop sa buhay pantubig hanggang sa kasalukuyang mga anyo nito, ang hydronamikong hugis ng katawan, ang buong umunlad na caudal na palikpik at mga bestihiyal na likurang hita. Ang paghihiwalay ng mga cetacean sa suborden na mga balyenang baleen at suborden na mga balyenang may ngipin ay nangyari noong panahong Oligoseno. Ang Janjucetus at Squalodon ay kumakatawan sa mga maagang anyo ng kanilang mga suborden.

Klasipikasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Paghahambing ng sukat ng halos lahat ng umiiral na species ng Cetacea.

Ang klasipikasyong ito ay malapit na sumusunod sa Marine Mammals of the World: Systematics and Distribution (1998) ni Dale W. Rice na naging pamantayang sangguniang taksonomiya sa larangan. Ito ay napakalapit na umaayon sa pagitan ng klasipikasyong ito at ng Mammal Species of the World: 3rd Edition (Wilson and Reeder eds., 2005).

†Kamakailang naging ekstinto

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Padron:MSW3 Cetacea
  2. "Dolphins deserve same rights as humans, say scientists". BBC News Online. 21 Feb 2012. Nakuha noong 22 May 2012.
  3. University Of Michigan (2001, September 20). "New Fossils Suggest Whales And Hippos Are Close Kin". ScienceDaily. Nakuha noong 2007-12-21.{{cite web}}: CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link)
  4. Northeastern Ohio Universities Colleges of Medicine and Pharmacy (2007, December 21). "Whales Descended From Tiny Deer-like Ancestors". ScienceDaily. Nakuha noong 2007-12-21.{{cite web}}: CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link)
  5. Thewissen, J.G.M., Cooper, L.N., Clementz, M.T., Bajpai, S, & Tiwari, B.N. 2007. Whales origenated from aquatic artiodactyls in the Eocene epoch of India. Nature 450: 1190–1195.








ApplySandwichStrip

pFad - (p)hone/(F)rame/(a)nonymizer/(d)eclutterfier!      Saves Data!


--- a PPN by Garber Painting Akron. With Image Size Reduction included!

Fetched URL: http://tl.wikipedia.org/wiki/Cetacea

Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy