Content-Length: 102076 | pFad | http://tl.wikipedia.org/wiki/Cory_Monteith

Cory Monteith - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Cory Monteith

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Cory Monteith
Si Cory Monteith sa GLAAD Awards noong 17 Abril 2010
Kapanganakan
Cory Allan Monteith

(1982-05-11) 11 Mayo 1982 (edad 42)
TrabahoAktor/Musician
Aktibong taon2004–present

Si Cory Allan Monteith (11 Mayo 1982—13 Hulyo 2013) ay isang aktor at musikero sa Canada na kilala bilang si Fin Hudson sa palabas na Glee ng Fox.

Si Cory Allan Monteith ay ipinanganak sa Calgary, Alberta at ipinalaki sa Victoria, British Columbia.Mayroon siyang isang mas nakatatandang kapatid na lalaki.Naghiwalay ang kanyang magulang noong siya pitong taong gulang.Dahil sa hiwalayan, nanirahan siya sa bahay ng kanyang ina sa Victoria, British Columbia habang ang kanyang ama naman ay naninirahan sa Oromocto, New Brunswick.Bago siya naging aktor, nagtrabaho muna siya sa Nanaimo, British Columbia bilang isang tagatanggap sa Wal-Mart, tagapaghugas ng sasakyan, tsuper ng taksi, tsuper ng bus ng paaralan at roofer.Tumigil siya sa pag-aaral noong siya nasa ika-9 na taon niya sa eskuwelahan.Nobya niya si Lea Michelle

Karera bilang aktor

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sinimulan ni Monteith ang pag-aarte sa Vancouver, British Columbia.Gumanap siya bilang menor na karakter sa pelikulang Final Destination 3, Whisper at Deck the Halls. Maraming beses na siyang lumabas sa Kyle XY. Lumabas din siya bilang bisitang aktor sa mga teleserye sa Canada kabilang na dito ang Smallville, Supernatural, Flash Gordon, Stargate Atlantis at Stargate SG-1. Sa taong 2005, lumabas siya sa Killer Bash na tungkol sa kaluluha ng isang dalitang geek na nais gantihan ang anak ng mamamatay-tao sa pamamaraan ng pag-aangkin sa katawanan ng isang batang babae. Sa kasunod na taon, lumabas siya ng panandalian sa Urban Legend: Bloody Mary. Sa taong 2007, gumanap siya bilang bida sa isang serye sa MTV. Sa taong 2009, siya ay napiling umarte sa Glee, isang serye sa Fox, bilang Fin Hudson, ang lalaking bida sa glee club at quarterback ng McKinley High School. Para sa kanyang teyp sa odisyon nag-dram sa Tupperware gamit ang lapis. Ang unang pagkakataon niyang kumanta sa harap ng mga tao ay ang in-person na odisyon niya kung saan inawit niya ang kantang "Honesty" ni Billy Joel. Siya at si Lea Michelle, na kapwa rin niyang artista sa Glee, ay nakabilang sa 2009 na "Summer Must List" ng Entertainment Weekly at tinanghal bilang "Summer's Must Songbirds" sa kanilang pagganap bilang Finn at Rachel sa palabas na Glee.
Noong Abril 2010, si Monteith ay nakabilang sa mga artista ipapalabas na romantikong komedyang Monte Carlo. Sa 2010 ng Mayo, ang mga tauhan ng Glee ay lumibot sa Los Angeles, Phoenix, Chicago at New York City. Gumawa ng maikling palabas at umawit ang mga tauhan ng Glee sa kanilang mga pagtatanghal.

Sa Agosto 2010, gumanap siya bilang isa sa mga host ng Teen Choice Awards at 2010 naman ng Nobyembre ay naging pangunahing host siya sa Gemini Awards sa Toronto. Noong 2011 ng Enero, nasa shooting siya ng pelikulang Brothers and Sisters kasama si Dustin Milligan at inanunsiyo din na kasama si Monteith sa isang ipapalabas na komedya bilang tauhan at isa sa mga tagalikha.

Karera bilang musikero

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Monteith ay tumutugtog ng drums para sa isang banda sa Los Angeles na nangangalang "Bonnie Dune". Kabilang sa mga miyembro ng banda sila Justin Wilczynski bilang pangunahing tagaawit (kung saan ay lumabas din sa maikling seryeng Kaya sa MTV kasama si Cory Monteith), Seth Roberts sa gitara (tagaawit ng bandang "Lakers")at Joshua Kerr sa bass. Nais ni Cory na ipagpatuloy ang talento niya sa pagaawit sa kanyang buhay.

Mga Pelikula
Taon Pelikula Gumanap bilang Tala
2005 Killer Bash Douglas Waylan Hart TV film
2006 Bloody Mary Paul Zuckerman
2006 Kraken: Tentacles of the Deep Michael Pelikulang Pantelebisyon
2006 Deck the Halls Madison's date
2006 Final Destination 3 Kahill
2007 Hybrid Aaron Scates Pelikulang Pantelebisyon
2007 White Noise: The Light Scooter guy
2007 Gone Davis Calder Maikling Pelikula
2007 The Invisible Jimmy
2007 Whisper Teenage boy
2007 Wannabe Macks Stu
2008 The Boy Next Door Jason Pelikulang Pantelebisyon
2011 Breaking the Girl
2011 Monte Carlo Owen
2011 Sisters and Brothers Justin Post-production
Telebisyon
Taon Titulo Gumanap bilang Titulo at Parangal
2004 Stargate Atlantis Genii Private Kabanata "The Storm"
2005 Young Blades Marcel Le Rue Kabanata "To Heir Is Human"
2005 Supernatural Gary Kabanata "Wendigo"
2005 Smallville Frat Cowboy Kabanata "Thirst"
2005 Killer Instinct Windsurfer Bob Kabanata "Forget Me Not"
2006 Whistler Lip Ring Kabanata "The Burden of Truth"
2006 Stargate SG-1 Young Mitchell Kabanata "200"
2006 Kyle XY Charlie Tanner Recurring role (7 episodes, 2006—2007)
2007 Flash Gordon Ian Finley Kabanata "Life Source"
2007 Kaya Gunnar Pangunahing Tauhan (10 episodes)
2008 Fear Itself James Kabanata "New Year's Day"
2009 Mistresses Jason
2009 The Assistants Shane Baker 2 Kabanata
2009–2013 Glee Finn Hudson Pangunahing Tauhan (2009–present)
Screen Actors Guild Award for Outstanding Performance by an Ensemble in a Comedy Series (shared with Glee cast)
Nominado—Teen Choice Award for Choice TV: Breakout Star Male (2009)
Nominado—Teen Choice Award for Choice TV Actor: Comedy (2010)
Nominado—Teen Choice Award for Choice TV Music: Group (2010) (shared with Glee cast)
2010 The Simpsons Flynn Boses, Kabanata "Elementary School Musical"
2011 The Cleveland Show Finn Hudson Boses, Kabanata How Do You Solve a Problem Like Roberta?

Mga parangal na napanalunan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Hollywood Style Awards 2010
    • Male Future Style Icon Award
  • SAG Awards 2010
    • Outstanding Performance by an Ensemble in a Comedy Series

Mga nominasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]








ApplySandwichStrip

pFad - (p)hone/(F)rame/(a)nonymizer/(d)eclutterfier!      Saves Data!


--- a PPN by Garber Painting Akron. With Image Size Reduction included!

Fetched URL: http://tl.wikipedia.org/wiki/Cory_Monteith

Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy