Content-Length: 198669 | pFad | http://tl.wikipedia.org/wiki/Davao_de_Oro

Davao de Oro - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Davao de Oro

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Davao de Oro
Lalawigan ng Davao de Oro
Watawat ng Davao de Oro
Watawat
Opisyal na sagisag ng Davao de Oro
Sagisag
Mapa ng Pilipinas na magpapakita ng lalawigan ng Davao de Oro
Mapa ng Pilipinas na magpapakita ng lalawigan ng Davao de Oro
Map
Mga koordinado: 7°36'N, 125°57'E
Bansa Pilipinas
RehiyonKadabawan
KabiseraNabunturan
Pagkakatatag8 Marso 1998
Pamahalaan
 • UriSangguniang Panlalawigan
 • GobernadorJayvee Tyron L. Uy
 • Manghalalal508,221 na botante (2022)
Lawak
[1]
 • Kabuuan4,479.77 km2 (1,729.65 milya kuwadrado)
Populasyon
 (senso ng 2020)
 • Kabuuan767,547
 • Kapal170/km2 (440/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
188,918
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitaika-1 klase ng kita ng lalawigan
 • Antas ng kahirapan17.70% (2021)[2]
 • Kita(2020)
 • Aset(2020)
 • Pananagutan(2020)
 • Paggasta(2020)
Pagkakahating administratibo
 • Mataas na urbanisadong lungsod0
 • Lungsod0
 • Bayan11
 • Barangay235
 • Mga distrito2
Sona ng orasUTC+8 (PST)
Kodigo postal
8800–8810
PSGC
118200000
Kodigong pantawag87
Kodigo ng ISO 3166PH-COM
Klimatropikal na kagubatang klima
Mga wikaAta Manobo
Wikang Mansaka
Agusan Manobo
Dibabawon Manobo
Kalagan
Websaythttp://www.davaodeoro.gov.ph/

Ang Davao de Oro, ay ang ikatlong pinakabagong lalawigan sa Pilipinas na matatagpuan sa Rehiyon ng Davao sa Mindanao. Ang kabisera nito ay Nabunturan at napapaligiran ng Davao del Norte sa kanluran, Agusan del Sur sa hilaga, at Davao Oriental sa silangan. Sa timog-kanluran naroon ang Golpo ng Davao. Dating kasapi ang lalawigan ng Davao del Norte hanggang naging malayang lalawigan noong 1998.

Dating kilala ang lalawigan bilang Compostela Valley (literal na "Lambak ng Compostela, "ComVal" kapag pinaikli, Sebwano: Kawalogang Kompostela). Binago ang pangalan sa bisa ng Batas Republika Blg. 11297 na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 17 Abril 2019 at isinapubliko noong 22 Mayo sa parehong taon. Ipinagtibay ito sa isang plebisito noong 7 Disyembre sa parehong taon, kung saang sa 179,958 katao na bumoto, 174,442 ang sumang-ayon habang 5,020 ang tumutol.[3][4]

May kabuuang 4,479.77 square kilometre (1,729.65 mi kuw)[5] ang lalawigan ng Davao de Oro na sumasakop sa hilagang silangang bahagi ng Rehiyon ng Davao. Naghahanggan ang lalawigan sa Davao del Norte sa kanluran, Agusan del Sur sa hilaga, at Davao Oriental sa silangan. Matatagpuan ang Golpo ng Dabaw sa timog kanluran ng lalawigan.

Mapang politikal ng Davao de Oro

Nahahati ang lalawigan ng Davao de Oro sa 2 distrito na binubuo ng 11 bayan

Pagpalit ng Pangalan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Naipasa sa senado ang isang panukalang batas noong 2019 na opisyal na nagpapalit sa pangalan ng lalawigan mula sa "Compostella Valley" patungong "Davao de Oro". Nakita ng mga opisyales ng pamahalaang panlalawigan na pinangungunahan ni Gobernador Jayvee Tyron Uy ang pagkakataon na ito upang linawin ang mga kalituhan sa pangalan ng lalawigan, na minsan ay naiuugnay sa Lambak ng Cagayan at sa bayan ng Compostela sa Cebu, at naiuugnay din sa mga karatig lalawigan sa Rehiyon ng Davao. Nakita nila ang pagpapalit ng pangalan bilang pagkakataon upang maipakilala nang higit ang lalawigan sa mga mamumuhunan sa hinaharap. [6] Ginanap ang plebisito noong ika-7 ng Disyembre 2019, na ang nakararami ay bumoto ng sang-ayon sa pagpapalit ng pangalan.

Bilang ng populasyon ng Davao de Oro
TaonPop.±% p.a.
1918 13,060—    
1939 21,048+2.30%
1948 26,883+2.76%
1960 102,830+11.83%
1970 184,831+6.03%
1975 235,293+4.96%
1980 319,490+6.31%
1990 466,286+3.85%
1995 520,110+2.07%
2000 580,244+2.37%
2007 637,366+1.30%
2010 687,195+2.78%
2015 736,107+1.32%
2020 767,547+0.83%
Source: Philippine Statistics Authority[7][8][8]

Ang populasyon ng Davao de Oro sa senso ng 2020 ay 767,547 katao, na may densidad na 170 mga naninirahan bawat kilometro kuwadrado or 440 mga naninirahan bawat milya kuwadrado.

Karamihan ng mga naninirahan sa lalawigan ay mula sa mga lalawigan ng Cebu, Samar, Bohol at iba pang lalawigan sa Kabisayaan. Kinabibilangan ng mga Kalagan, Mansaka, Mandaya, Dibabawon, Mangguangan at mga pangkat Manobo gaya ng mga Atta, Talaingod, Langilan, at Matigsalug Manobo ang mga pangkat katutubong bumubuo sa minoriya.

Wikang Cebuano ang pangunahing wikang sinasalita sa lalawigan. Sinusundan ito ng mga wika ng Kalagan, Wikang Mansaka, Mandaya, Dibabawnon, at Ingles.

Pangunahing relihiyon sa lalawigan ang Katolisismo na bumubuo sa 74% ng kabuuang populasyon. [9] Ang iba pang mga mahahalagang paniniwala ay kinabibilangan ng Protestante, Iglesia ni Cristo, Islam at Animismo. [10][11]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Province: Compostela Valley". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "2021 Full Year Official Poverty Statistics of the Philippines" (PDF). Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 15 Agosto 2022. Nakuha noong 28 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Comelec: ComVal now Davao de Oro". Manila Standard. 9 Disyembre 2019. Nakuha noong 12 Disyembre 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Fenequito Jr., Armando (9 Disyembre 2019). "Compostela Valley is now Davao de Oro". Manila Bulletin. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Disyembre 2019. Nakuha noong 12 Disyembre 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Province: Davao de Oro". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 8 Enero 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Proposal to change name of ComVal to Davao de Oro nears Senate approval". Manila Bulletin News. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-03-29. Nakuha noong 2021-09-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Census of Population (2015). "Region XI (Davao Region)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 8.0 8.1 Census of Population and Housing (2010). "Region XI (Davao Region)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Bueza, Michael. "MAP: Catholicism in the Philippines". Rappler.
  10. "Philippine Church National Summary". philchal.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-10-26. Nakuha noong 2021-09-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Bueza, Michael. "MAP: Iglesia ni Cristo in the Philippines". Rappler.








ApplySandwichStrip

pFad - (p)hone/(F)rame/(a)nonymizer/(d)eclutterfier!      Saves Data!


--- a PPN by Garber Painting Akron. With Image Size Reduction included!

Fetched URL: http://tl.wikipedia.org/wiki/Davao_de_Oro

Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy