Gaeta
Gaeta | |
---|---|
Comune di Gaeta | |
Gaeta na tanaw mula sa dagat | |
Mga koordinado: 41°13′N 13°34′E / 41.217°N 13.567°E | |
Bansa | Italya |
Rehiyon | Lazio |
Lalawigan | Latina (LT) |
Mga frazione | Arenauta, Ariana, Fontania, Porto Salvo, Sant'Agostino, Sant'Erasmo, San Vito, Serapo |
Pamahalaan | |
• Mayor | Cosmo Mitrano (PdL) |
Lawak | |
• Kabuuan | 29.2 km2 (11.3 milya kuwadrado) |
Taas | 2 m (7 tal) |
Populasyon (2018-01-01)[2] | |
• Kabuuan | 20,545 |
• Kapal | 700/km2 (1,800/milya kuwadrado) |
Demonym | Gaetani |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Kodigong Postal | 04024 |
Kodigo sa pagpihit | 0771 |
Santong Patron | San Erasmo |
Saint day | Hunyo 2 |
Websayt | Opisyal na website |
Ang Gaeta (Italyano: [ɡaˈeːta]; Latin: Cāiēta; Sinaunang Griyego: Καιήτη, romanisado: Kaiḗtē) ay isang lungsod at komuna sa lalawigan ng Latina, sa Lazio, gitnang Italya. Makikita sa isang promontoryo na umaabot hanggang sa Golpo ng Gaeta, ito ay 120 kilometro (75 mi) mula sa Roma at 80 kilometro (50 mi) mula sa Napoles.
Ang bayan ay may kapansin-pansing bahagi sa kasaysayang militar. Ang mga kuta nito ay nagsimula pa noong panahong Romano, at mayroon itong maraming mga bakas ng pagdaan ng panahon, kasama na ang unang siglong mausoleo ng Romanong heneral na si Lucius Munatius Plancus sa tuktok ng Monte Orlando.
Ang mga kuta ng Gaeta ay pinalawig at pinatatag noong ika-15 siglo, lalo na sa buong kasaysayan ng Kaharian ng Napoles (kalaunan ang Dalawang Sicilia). Ang kasalukuyang Gaeta ay isang pantalan para sa pangingisda at sa langis, at isang kilalang resort ng turista. Nagpapanatili ang NATO ng isang baseng pang-operasyon ng hukbong-dagat sa Gaeta.
Mga tala
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
- ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
- ↑ Demographic data from Istat
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- dominyong publiko na ngayon: Chisholm, Hugh, pat. (1911). "Gaeta". Encyclopædia Britannica (sa wikang Ingles). Bol. 11 (ika-11 (na) edisyon). Cambridge University Press. pp. 384–385. Ang artikulong ito ay nagsasama ng teksto mula sa isang lathalatin na nasa
- Padron:Catholic Encyclopedia
Mga panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Gaetanet.it Naka-arkibo 2020-08-11 sa Wayback Machine., lahat sa Gaeta
- Lahat sa medyebal na Gaeta (sa Italyano)
- Gaeta.it
- Heraldica.org - Napoleonic heraldry
- Mga link para sa karagdagang pag-unlad
- Mga Larawan 2006