Content-Length: 134858 | pFad | http://tl.wikipedia.org/wiki/Ika-4_na_dantaon

Ika-4 na dantaon - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Ika-4 na dantaon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Milenyo: ika-1 milenyo
Mga siglo:
Mga dekada: dekada  300 dekada 310 dekada 320 dekada 330 dekada 340
dekada 350 dekada 360 dekada 370 dekada 380 dekada 390
Ang Silangang Emisperyo sa simula ng ika-4 na siglo Anamatay
Ang Silangang Emisperyo sa katapusan ng ika-4 na siglo Anamatay

Ang ika-4 na dantaon (batay sa kalendaryong Huliyano at Anno Domini/Karaniwang Panahon) ay ang panahon na tumagal mula 301 hanggang 400. Sa Kanluran, ang unang bahagi ng dantaon ay hinubog ni Dakilang Constantino, na naging unang emperador Romano na ipinagtibay ang Kristiyanismo. Nakuha ang iisang paghahari sa imperyo, nakilala siya sa muling pagtatag ng iisang kabiserang imperyal, na pinili ang lugar ng sinaunang Bisantino noong 330 (sa kabila ng mga kasalukuyang mga kabisera, na epektibong pinalitan ng mga reporma ni Diocleciano sa Milan sa Kanluran, at ni Nicomedia sa Silangan) upang itayo ang lungsod na tinawag agad bilang Nova Roma (Bagong Roma); napalitan ito sa kalaunan bilang Constantinopla sa kanyang karangalan.

Sa Tsina, nagsimula ang dinastiyang Jin, na pinag-isa ang mga bansa bago ang 280, na mabilis na hinarap ang mga kaguluhan noong simula ng siglo dahil sa panloob na pampolitikang awayan, na nagdulot sa duhapang pag-aalsa ng hilagang barbarong angkan (na sinumulan ang panahon ng Labing-anim na Kaharian), na mabilis na nagapi ang imperyo, na pinuwersa ang korte ng Jin na umatras at nanatili sa timog na lagpas sa ilog Yangtze, na sinimulan ang tinatawag na Silangang Dinastiyang Jin noong 317.

Sang-ayon sa mga arkeologo, inuugnay ng sapat na pang-arkeolohiyang ebidensya ang mga lipunan na nasa antas ng estado ang nagsanib sa ika-4 na siglo upang ipakita ang pagkakaroon sa Korea ng Tatlong Kaharian (300/400–668 AD) ng Baekje, Goguryeo, at Silla.

Mahabang Ikaapat na Dantaon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Maaring tinutukoy ng mga dalubhasa sa kasaysayan ng Imperyong Romano ang "Mahabang Ikaapat na Dantaon" sa isang panahon na tumatagal sa mismong ikaapat na siglo, ngunit nagsimula ng maaga mula sa pag-akyat ni emperador Diocleciano noong 284 at nagtapos noong pagkamatay ni Honorius noong 423 o ni Theodosius II noong 450.[1]

Mahahalagang tao

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Constantine the Great
Constantius Chlorus
Julian the Apostate
Arcadius
  • Arcadius, Romanong emperador (377-408, naghari 383-408).
  • Constans, Romanong emperador (tinatayang 323-350, naghari 337-350).
  • Dakilang Constantino, Romanong emperador (272-337, naghari 306-337).
  • Constantino II, Romanong emperador (316-340, naghari 337-340).
  • Constantius Chlorus, Romanong emperador (tinatayang 250-306, naghari 293-306).
  • Constantius II, Romanong emperador (317-361, naghari 337-361).
  • Dalmacio, Romanong Cesar (namatay 337, reign 335-337).
  • Diocleciano, Romanong emperador (244-312, naghari 284-305).
  • Eugenius, Romanong emperador (namatay 394, naghari 392-394).
  • Eusebio, Griyegong dalubhasa sa kasaysayan
  • Galerius, Romanong emperador (tinatayang 260-311, naghari 293-311).
  • Gratian, Romanong emperador (359-383, naghari 367-383).
  • Honorius, Romanong emperador (384-423, naghari 393-423).
  • Jeronimo, Kristiyanong pari, monghe at tagasalin
  • Juan Crisostomo, Syrian-born Partriarka ng Constaninopla na ipinanganak sa Syria
  • Licinius, Romanong emperador (tinatayang 263-325, naghari 308-324).
  • Magnentius, Roman usurper (303-353, naghari 350-353).
  • Magnus Maximus, Romanong emperador (tinatayang 335-388, naghari 383-388).
  • Maxentius, Romanong emperador (tinatayang 278-312, naghari 306-312).
  • Maximiano, Romanong emperador(tinatayang 250-310, naghari 285-305, 306-308, 310).
  • Flavius Valerius Severus, Romanong emperador(3rd century-307, naghari 305-307).
  • Theodosius I, Romanong emperador (347-395, naghari 379-395).
  • Valerius Valens, Romanong emperador (namatay 317, naghari 316-317).
  • Valens, Romanong emperador (328-378, naghari 364-378).
  • Valentiniano I, Romanong emperador (321-375, naghari 364-375).
  • Valentiniano II, Romanong emperador(371-392, naghari 375-392).
  • Vetranio, Romanong emperador (tinatayang namatay 356, naghari 350).

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. The Long Fourth Century 284-450: Continuity and Change in the Later Roman Empire ed. S. McGill, C. Sogno and E. Watts (Cambridge 2008). (sa Ingles)








ApplySandwichStrip

pFad - (p)hone/(F)rame/(a)nonymizer/(d)eclutterfier!      Saves Data!


--- a PPN by Garber Painting Akron. With Image Size Reduction included!

Fetched URL: http://tl.wikipedia.org/wiki/Ika-4_na_dantaon

Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy