Content-Length: 88151 | pFad | http://tl.wikipedia.org/wiki/Lope_K._Santos

Lope K. Santos - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Lope K. Santos

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Lope K. Santos
Kapanganakan25 Setyembre 1879(1879-09-25)
Kamatayan1 Mayo 1963(1963-05-01) (edad 83)
Ibang pangalanLope C. Santos
Trabahomanunulat, manananggol, politiko

Si Lope K. Santos (25 Setyembre 1879 – 1 Mayo 1963) ay isang tanyag na manunulat sa wikang Tagalog noong kaniyang kapanahunan, sa simula ng ika-1900 dantaon.[1] Bukod sa pagiging manunulat, isa rin siyang abogado, kritiko, lider obrero, at itinuturing na Ama ng Pambansang Wika at Balarila ng Pilipinas.[2][3]

Sa larangan ng panitikan Ipinanganak si Lope K. Santos sa Pasig, Rizal - bilang Lope C. Santos - sa mag-asawang Ladislao Santos at Victoria Canseco, na kapwa mga katutubo sa Rizal. Ngunit mas inibig na gamitin ni Santos ang titik na K bilang kapalit ng C para sa kaniyang panggitnang pangalan, upang asang padasino das (Kolehiyo Pilipino), matapos na makapag-aral sa Escuela Normal Superior de Maestros (Mataas na Paaralang Normal para sa mga Guro) at sa Escuela de Derecho (Paaralan ng Batas). Naging dalubhasa siya sa larangan ng dupluhan, isang paligsahan ng mga manunula na maihahambing sa larangan ng balagtasan. Noong 1900, nagsimula siyang maglingkod bilang patnugot para sa mga lathalaing nasa wikang Tagalog, katulad ng Muling Pagsilang at Sampaguita. Siya ang tagapagtatag ng babasahing Sampaguita. Sa pamamagitan ni Manuel L. Quezon, naging punong-tagapangasiwa si Santos ng Surian ng Wikang Pambansa.[4] Kabilang sa mga katawagang nagbibigay parangal kay Santos ang pagiging Paham ng Wika, Ama ng Balarilang Pilipino, Haligi ng Panitikang Pilipino, subalit mas kilala rin siya sa karaniwang palayaw na Mang Openg.

Sariling buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Napangasawa ni Lope K. Santos si Simeona Salazar noong 10 Pebrero 1900, at nagkaroon sila ng tatlong anak. Nagkaroon siya ng karamdaman sa atay, ngunit hanggang sa huling sandali ng buhay ay hinangad ni Santos na maging Wikang Pambansa ang Wikang Tagalog.[4]

Sa larangan ng politika

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Matapos maging gobernador ng lalawigan ng Rizal mula 1910 hanggang 1913, naging gobernador naman si Santos ng Nueva Vizcaya mula 1918 hanggang 1920. Naglingkod din siya bilang senador para sa ika-labindalawang distrito ng bayan.[4]

Kabilang sa mga akda ni Santos ang mga sumusunod:[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Siya ay isa rin sa matalino para sakin

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Herbert, Patricia M. at Anthony Crothers Milner (mga patnugot), “Pilipinas”, Timog-Silang Asya: Mga Wika at Mga Panitikan – Isang Gabay na May-Pagpili (Southeast Asia: Languages and Literatures – A Select Guide), nasa wikang Ingles, Grupo ng Aklatan sa Timog-Silangang Asya, 1989, ISBN 0824812670
  2. "Talambuhay sa WikiPilipinas". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-10-10. Nakuha noong 2008-02-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. http://www.mb.com.ph/issues/2005/09/25/OPED2005092545224.html
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 Daniel M. Anciano. "Lope K. Santos", Mga Pilipino sa Kasaysayan (Filipinos in History), nasa wikang Ingles, walang petsa, kinuha noong: 26 Pebrero 2008

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]








ApplySandwichStrip

pFad - (p)hone/(F)rame/(a)nonymizer/(d)eclutterfier!      Saves Data!


--- a PPN by Garber Painting Akron. With Image Size Reduction included!

Fetched URL: http://tl.wikipedia.org/wiki/Lope_K._Santos

Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy