Content-Length: 100680 | pFad | http://tl.wikipedia.org/wiki/Mitolohiyang_Pilipino

Mitolohiyang Pilipino - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Mitolohiyang Pilipino

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang mitolohiyang Pilipino at mga kuwentong bayan ay kinabibilangan ng mga salaysay at pamahiin hinggil sa mga masalamangkang mga nilalang at nilikha ng mga Pilipino. Ito'y mga paniniwala na mula sa mga panahon bago dumating ang mga Espanyol at ipinakilala ang Kristyanismo. Hanggang ngayong ang paniniwala sa mga diyus-diyusan sa mitolohiyang Pilipino at mga pamahiin ay buhay pa rin sa kulturang Pilipino lalo na sa mga probinsiya. Sa mitolohiyang Pilipino, si Bathala ang tinuturing bilang ang makapangyarihan na diyos sa buong daigdig. Ang mitolohiyang Pilipino ay halu-halo dahil sa rami ng mga etnikong grupo at katutubo na may sari-saring paniniwala at diyus-diyusan.

Ang Mitolohiyang Pilipino ay binubuo ng mga diyos, mga hayop, mga mahiwagang nilalang at mga diwata. Ito rin ay binubuo ng mga panitikan; mga epiko, alamat at kuwentong bayan.

Kasaysayan at impluwensiya ng mga Asyano

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bago dumating ang mga sina-unang Pilipino ay mayroon na ng mga sariling relihiyon tulad ng Animismo; ang pagsamba sa kalikasan, at Paganismo. Ang mga paniniwala nila ay inipluwensiyahan ng mga banyaga lalo na ang mga Indiyano, Malay at Indones at ibang mga Asyano na lumahok sa pangangalakal sa

  • Bathala - ang pinaka makapangyarihang diyos sa lahat ng mga diyos, siya rin ay kilala bilang Maykapal

Pilipinas. Si Bathala ay may pagkakatulad sa diyos ng mga Indones na si Batara Guru at ng mga Indiyano na si Shiva, habang ang Indiyanong Epiko na Ramayana at Mahabharata ay isinalin sa katutubong wika ng Pilipino at maraming salin ito sa iba't ibang relihiyon ng mga katutubong Pilipino. Ang mga impluwensiya na ito ay idinala ng mga nangangalakal mula sa karatig na mga bansa noong nabuhay pa ang Indiyanong kaharian sa Thailand, Malaysia at Indonesia. Ang mga diyos sa mitolohiyang Pilipino ay bahagyang dahan-dahan na nawala sa pagdating ng mga Espanyol at ipinakilala ang Kristyanismo. Ang mga Espanyol ay naging agresibo sa kanilang kampanya laban sa mga katutubong relihiyon na naging resulta sa diskriminasyon sa mga hindi Kristyano. Inutos ng Simbahang Katoliko na isunog at itapon ang mga anito ng mga Pilipino at lahat ang mahuhuli na sumasamba sa mga anito ay susunugin o kaya paparusahan. Sa modernong panahon ngayon marami pa rin ang naniniwala.

Panteong Pilipino

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Lakapati - ang diyosa ng pagkamayabong.
  • Pati - ang diyos ng ulan.
  • Lakambakod - ang diyos ng mga palay at ang paghilom ng mga sugat.
  • Apolaki - siya ang pinapaniwalaan na siya ang diyos ng digmaan, paglalakbay at pangangalakal.
  • Mayari - ang diyosa ng buwan.
  • Lakambini - ang diyos ng pagkain.
  • Lingga - ang diyos ng paghilom ng sugat at pagkamayabong.
  • Mangkukutod - ang diyos ng isang partikular na grupo ng mga Tagalog.
  • Anitong Tao - ang diyos ng ulan at hangin.
  • Agawe - diyos ng tubig
  • hayo - diyos ng dagat
  • idionale - diyosa ng pagsasaka
  • Lisbusawen - diyos ng mga kaluluwa

Panteong Bisaya

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Makaptan - diyos ng langit at himpapawid
  • Magwayan - dyosa ng katubigan at dagat espiritu
  • Liadlao - diyos ng Araw
  • Libulan - diyos ng Buwan
  • Lisuga - diyosa ng mga bituin
  • Lihangin - diyos ng hangin
  • Lidagat - diyosa ng karagatan
  • Sidapa - diyos ng kamatayan

Panteong Bicolano

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Gugurang - Supremong diyos ng mga Bicolano
  • Asuan - diyos ng kasamaan
  • Adlaw - diyos ng Araw, masaganang ani
  • Bulan - diyos ng Buwan , pangingisda at proteksyon sa gabi
  • Bituoon - diyosa ng mga bituin
  • Haliya - diyosa ng liwanag ng Buwan at kalaban ng Bakunawa
  • Bakunawa - dating magandang diwata naging diyosang mala-hitong dragon ng kailaliman
  • Okot - diyos ng kagubatan at pangangaso
  • Magindang - diyos ng dagat at pangingisada
  • Kalapitnan - diyos ng mga paniki
  • Batala - diyos na namamahalan sa mga anito at lambana
  • Linti - diyos ng kidlat at kaparusahan
  • Dalogdog - diyos ng kulog at ulap
  • Onos - diyos ng bagyo at baha
  • Kanlaon - diyos ng bulkan at pagkawasak
  • Oryol - kalahating dyosa na ang pangibabang bahagi ng katawan ay higanteng ahas

Anito sa Mitolohiyang Pilipino

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Anito sa Mitolohiyang Pilipino ay tumutukoy sa mga Espiritu o kaluluwa Ng mga Ninuno o yumao at ang mga tao-taong kahoy. Ang Anito ay madalas na kinakatawan sa pamamagitan ng mga kahoy na ukit o hulmang tao na nagsisilbing pisikal na representasyon ng mga espiritu

Diwata sa Mitolohiyang Pilipino

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa mitolohiyang Pilipino, ang isang diwata (hango mula sa Sanskrit na devata देवता; [1] ay isang uri ng espiritu ang iba ay diyos at diyosa. Nagkaroon ng pagbabago sa kahulugan ng "diwata" sa paglipas ng panahon, lalo na nang maisama ito sa mitolohiya ng mga sinaunang Pilipino. Sa mitolohiyang Filipino, ang diwata ay mga makapangyarihang espiritu o diyos na nauugnay sa kalikasan. Sila ay itinuturing na mga tagapangalaga ng likas na yaman tulad ng kagubatan, bundok, ilog, at mga halaman. Kilala sila sa kanilang kagandahan at kabutihan, ngunit maaari rin silang magparusa sa mga taong hindi rumerespeto o naninira sa kalikasan. Madalas silang inilalarawan bilang mga ubod-gandang babae o di kaya ay magandang lalaki na may kakayahang magbigay ng proteksyon at biyaya.

Sa mga kwento at alamat ng rehiyon ng Luzon, kadalasang nauugnay ang diwata sa lambana. Ang pagsasama ng diwata at lambana sa mga kwentong-bayan ng Luzon ay nagmumula sa kanilang mga pinagsasaluhang katangian bilang mga espiritu ng kalikasan, mga adaptasyon sa kultura, mga impluwensya ng kasaysayan ng kolonyalismo, at ang kanilang mga papel sa mga kwentong may aral. Sama-sama, pinayayaman nila ang sining ng mitolohiyang Pilipino at nagsisilbing mahalagang paalala ng malalim na koneksyon sa pagitan ng mga tao at ng kanilang likas na kapaligiran.

Lambana sa Mitolohiyang Pilipino

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa mitolohiyang Pilipino, ang lambana ay isang uri ng espiritu ng kalikasan o munting diwata, madalas inilalarawan bilang maliit na nilalang na may pakpak, katulad ng mga engkanto sa Kanlurang mitolohiya. Karaniwang nauugnay ang mga lambana sa kalikasan at itinuturing na mga tagapangalaga ng mga kagubatan, ilog, halaman, at mga hayop. Pinaniniwalaan din silang nagtataglay ng mahika at kagandahan ng kalikasan at maaaring magbigay ng biyaya o parusa depende sa pagtrato ng mga tao sa kalikasan.

Ang konsepto ng lambana ay may pagkakatulad sa diwata, bagamat ang lambana ay karaniwang itinuturing na mas maliit at mas maselan, habang ang diwata naman ay kadalasang inilalarawan bilang mas makapangyarihang mga nilalang. Pareho silang tagapangalaga ng kalikasan, at ang kanilang mga kwento ay nagpapakita ng pagpapahalaga at respeto ng sinaunang kulturang Pilipino sa kalikasan.

Mga mahiwagang nilalang

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Aswang - Nilalang ng lagim at dilim, Ang Aswang ay pinaniniwalaan na tao na kumakain ng kapwa tao, kung minsan ang mga ito ay pinapaniwalaan na may mga pakpak at sila raw ay gising kung gabi para maghanap ng makakantot or maaswang.
  • Engkanto - mga nilalang ng ibang dimensyon o daigdig.Mapuputi, asul o luntiang mga mata, tenga na hugis dahon at kung minsan ay hindi hamak na mas matangkad o mas maliit gaya ng sa ordinaryong tao.
  • Lamanlupa- pangkalahatang tawag sa mga nilalang o elementong nauugnay sa lupa taga ilalim ng lupa
  • Duwende - pinapaniwalaan bilang isang maliit na tao na may mga mahiwagang kapangyarihan.
  • Diwata - magaganda at makapangyarihang tagapangalaga ng kalikasan, nagbibigay ng prokesyon at biyaya, kinakatawan ng mga lambana
  • Anito - Espiritu ng ninuno, kinakatawan ng mga estatwang kahoy
  • Kapre - isang uri ng halimaw na napakalaki at napaka mabalahibo, pinaniniwalaang ito ay mahilig sa tabako
  • Maligno - ay isang nilalang na pinaniniwalaang nahahati sa mabuti at masamang grupo.
  • Manananggal - ay isang nilalang na may kakayahang magbago ng anyo tuwing kabilugan ng buwan.
  • Tikbalang - ay isang nilalang na may mala-kabayong hitsura.
  • Tiyanak - isang sanggol na nagiging halimaw tuwing sasapit ang gabi at lalong mabangis tuwing kabilugan ng buwan.
  • Lolong - isang matandang nagkakatotoo ang panaginip.

Mga Uri ng lamanlupa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nuno sa Punso – Maliit at matandang espiritu na nakatira sa mga punso o burol ng lupa. Sila ay iginagalang at kinatatakutan dahil ang pagambala sa kanilang tirahan ay maaaring magdala ng sakit o kamalasan. Madalas sinasabi ng mga tao ang "Tabi-tabi po" upang hindi sila masaktan.

Duwende – Mga maliliit na nilalang na naninirahan sa iba’t ibang lugar tulad ng mga puno, punso, o ilalim ng bato. Maaari silang maging mabait o mapaglaro depende sa pakikitungo ng tao sa kanila. Mayroong Duwendeng Puti (mabait) at Duwendeng Itim (mischievous o malisyoso).

Tiyanak – Isang masamang nilalang na nag-aanyong sanggol. Ito ay umiiyak upang maakit ang mga tao sa kagubatan, at kapag lumapit ang tao, ipinapakita nito ang tunay na anyo at inaatake ang biktima. Pinaniniwalaang ang Tiyanak ay espiritu ng mga inabandonang o ipinagbuntis na sanggol.

Tikbalang – Isang nilalang na kalahating kabayo at kalahating tao, may katawan ng tao pero ulo at mga paa ng kabayo. Kilala silang nanloloko sa mga naglalakbay sa kagubatan, nililigaw ang landas ng mga tao sa pamamagitan ng ilusyon. Nangunguha ng babaeng kanilang natitipuhan upang gahasain o di kaya ay buntisin

Mga Uri ng Bantay Tubig at Tagadagat

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sirena – Babaeng nilalang na kalahating isda at kalahating tao, kilala sa kanyang kagandahan at mapang-akit na tinig. Madalas dinadala ang mga mangingisda sa panganib.

Siyokoy – Lalaki na taga dagat, mas matapang at may kakaibang anyo at may dalawang binti at paa. Karaniwang mapanlinlang at agresibo, na sumasalamin sa hindi tiyak at mapanganib na kalikasan ng dagat.

Sireno – Lalaki katulad ng Sirena, may nakakabighaning tinig at anyo. Kumakatawan sa kagandahan ng kalikasan na may kasamang panganib.

Kataw – Kilalang marangal at makapangyarihang mga nilalang sa ilalim ng tubig na may kakayahang kontrolin ang tubig. Itinuturing na mga hari at reyna ng dagat at ilog.

Magindara – Masasamang sirena na agresibo at mapanganib. Kilala sa pag-akit sa mga mandaragat upang sila’y mapahamak, simbolo ng panganib ng karagatan.

Berberoka – Higanteng nilalang sa ilog o lawa, kilala sa pagkaladkad ng mga biktima sa ilalim ng tubig. Paalala na mag-ingat sa mga malalalim na tubig.

Lakandanum – Espiritu ng tubig na may anyong ahas o isda, nagbabantay ng mga ilog at lawa. Kilala rin sa kakayahang kontrolin ang tubig at ulan.

Naga – Mga nilalang na parang igat, nauugnay sa ulan at kasaganaan. Mahalaga para sa pagsasaka at kalikasan dahil sa kanilang kakayahang magdala ng ulan.

Atawid – Masamang espiritu ng tubig na kumukuha ng mga bata. Ang kwento ay paalala na mag-ingat sa mga ilog at lawa.

Darantan – Isa pang masamang espiritu ng tubig, kilala sa pagbibigay ng malas at panganib.

Mga Uri Engkantong wangis tao

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mahomanay - Nangagalaga sa kalikasan. Ang Mahomanay ay Lalaking engkanto na maganda Ang itsura at wangis, magandang lalaki na may napakaputing balat at mahabang itim na itim na buhok. May matulis at hugis dahon na tenga. Amoy matamis na bulaklak Ang mga Mahomanay. Nangunguha ng mga babae na kanilangnapupusuan dadalhin sa kanilang daigdig. Inaalok nila ito ng kaning itim. Mag aanyong panget na lalake ang Mahomanay upang subukin ang kabaitan ng babaeng kanyang napupusuan. Kapag mabait ang babae kahit anyong pangit ang Mahomanay ay ginagantimpalaan niya ang babae ng biyaya at yaman. Kapag pangit Ang ipinakitang ugali ng babae sa pangit na anyo ng Mahomanay ay paparusahan ito ng engkanto. Magkakasakit ang babae at lalagnatin. At mamalasin sa buhay di lang sya pati buong pamilya nya ay mamalasin.

Tamalanhig - Ang Tamalanhig o Tahamaling ay Babaeng engkanto na katambal ng Mahomanay. Magagandang babae na may mapulang balat at mahabang itim na buhok. Matulis na hugis dahon ang tenga. Nangunguha ng mga binatang kanilang napupusuan. Inaakit ng Tamalanhig ang mga binatang mortal sa pamamagitan ng kanyang ganda at alindog, nag lalabas ng napakatamis ma amoy na nakaka humaling. Nalalasing sa bango at tamis Ang mga binatang nakaka langhap ng halimuyak ng engkantong Tamalanhig. Ang mabangong amoy ng babaeng Tamalanhig ay ayaw ng mga engkantong Mahomanay, para sa mga Lalaking Mahomanay ito ay matapang na kamandag.

Tamawo - Uri ng sinaunang engkanto na tila anak araw. Maputi ang balat at kulay ginto o puti ang buhok. Anyong magagandang lalaking anak-araw, napakaputi at payat ang pangangatawan at ang tenga ay hugis dahon. Sinasalarawan bilang mga magagandang lalaki napakaputi, naka bahag at balot ng gintong alahas. Pinaniniwalaang nandudukot sila ng mga babae at dalaga upang magparami ng kanilang lahi dahil walang babaeng Tamawo ang kanilang lipi. Kailangan ng mga tamawo manguha ng mortal na babae upang sila ay makapagparami. Pinaniniwalaang sa mga batis o talon ang pintuan pantungo sa kanilang dimensyon. Ibig sabihin ng "Tamawo" sa wikang Hiligaynon ay "Mula sa ibang Mundo" o "Mula sa ibang Daig-dig".

Banwaanon - Ang mga kinakatakutang Engkanto sa Kabisayaan. Matatangakad at maputi na kulay marmol ang balat at ang buhok ay kulay puting-puti o pilak. Pinaniniwalaang magkakamukha o masyadong magkakahawig ang lahat ng mga lalaking Banwaanon. Ang mga Engkantadong Banaanonay Kinakatakutan dahil nagdudulot ng sumpa at sakit sa mga taong hindi nila nagugustuhan ang itsura, at nangdudukot ng mga bata at babaeng magaganda. Sa mga makabagong kwentong bayan ang mga Banwaanon ang pinaniniwalaang masasamang engkanto na nag haharing uri sa siyudad ng Biringan.

Itim na Engkanto - Mga engkanto na nagpapakita bilang mga anino o mga itim na nilalang. Mga maligno na mapanakit at mapaminsala. Sila ay tinatawag na Engkanto Negro o mga itim na elemento. Nagpapkita sa mga tao at nanahan Ang mga engkantong itim sa malalaking bahay. Mapanakit at nakakatakot. Ang mga itim na Espiritu ay minsan sumasapi sa mga taong kanilang napupusuan. Ang mga tunay nilang katawan ay nasa Mundo ng mga engkanto tanging mga anino lamang nila ang nanahan sa mundo ng mga tao.

Anggitay - Ang mga Anggitay ay magagandang babaeng engkantada na ang pang itaas na bahagi ng katawan ay magaganda at mapuputing dilag. Maganda, maputi at kulay puti o pilak ang buhok, habang ang pang ibabang bahagi ng katawan ay tila sa putting kabayo o di kaya ay sa puting  usa. Nakatayo sa apat na paa ng kabayo ang iba ay usa. Pinaniniwalaang lahat ng anggitay ay babae, kung kayat nagpapalahi lamang sila sa mga Tikbalang Kahit kinasusuklaman nila ang mga ito. Kailangan lamang ng mga anggitay ang punla ng mga tikbalabg. Ayon sa mga kwentong bayan mababait nguint napaka ilap ng mga anggitay. Sila ay naakit at nahahalina sa mga makikinam o makikintab na mga bagay.

Dalaketnon - Masamang uri ng engkanto, ang mga Lalaking Dalaketnon ay magagandang lalaki na may mapuputing balat at mahabang itim na buhok. Inaakit nila sa kanilang Mundo Ang mga tao upang maging asawa o di kaya ay alipin. Hinhandaan ng Dalaketnon ang biktima ng itim na kanin, kapag itoy kinain ng tao hindi na siya makakaalis sa mundo ng engkanto. Pinaniniwalaang puno ng Balete ng pinto sa patungo sa kanilang daigdig o dimensyon. Ang ibig sabihin ng Dalaketnon ay "Nagmula sa Dalakit" o puno ng Dalakit, na puno ng Balete sa Tagalog.

Babaeng Dalaketnon - Ang mga babaeng Dalaketnon ay mga magagandang engkanto na may ginintuang kayumanging balat. Inaakit nila ang mga lalaki ay binata gamit ang kanilang ganda, aalukin ang binata ng itim na kanin kapag kinain ito ng tao hindi na siya makakaalis sa dimensyon ng engkanto.

Abyan - Mga Engkanto na tila anak araw na napaka puti Ang mga buhok ay puti o ginintuan. Bulaw o Bulawan ang ibang tawag sa Abyan dahil sa kulay ng buhok. Tila mga bata o Hindi tumatanda, Ang matandang Abyan ay tila binatilyo o dalagita parin. Gumagabay sa mga mabubuting tao ang Abyan. Ang lalaking Abyan pag umibig sa mortal ay dadalawin at liligawan nya ito sa panaginip. At sa panaginip maaring mabuntis ang babae, na parating kambal ang anak o ipagbubuntis. Ang Isang anak ay ipapanganak ng tila anak araw o napaka puti sa Mundo ng mga tao habang ang kambal nito ay kasabay na ipapanganak sa mundo ng mga engkanto.

Tawong Lipod - mga di nakikitang espiritu at masasamang maligno na kung nagpapakita ay mga itim na anino o taong itim. Mga dating mababait at magagandang diwata ng hangin, bago sila naging itim na maligno ng kasamaan. Ang mga Tawong Lipod ay magaganda at mapuputing diwata ng hangin at ulap na bumaba sa lupa. Ang mga hindi nakakabalik agad sa langit ay nagiging itim na Engkanto at nagiging masamang maligno nagdudulot ng sakit at karamdaman.

Lambana - Mga nilalang na nangangalaga ng kalikasan. Mga maliliit na uri ng lumilipad na nilalang na may pakpak ng tutubi o paru-paro. Maykapangyarihan silang magpalit anyo na sing laki at wangis tao. Kapag anyong tao pansamantalang nawawala ang kanilang mga pakpak. Dahil sa taglay nilang ganda mapa babae man o lalaking lambana Kadalasang napagkakamalang Diwata ang mga Lambana. Ayon sa mga kwentong bayan ang mga Lambana ay abay o tagapanglingkod ng mataas na uri ng Diwata. Ang konsepto ng lambana ay may pagkakatulad sa diwata, bagamat ang lambana ay karaniwang itinuturing na mas maliit at may pakpak, habang ang diwata naman ay kadalasang inilalarawan bilang mas makapangyarihang mga nilalang. Pareho silang tagapangalaga ng kalikasan, at ang kanilang mga kwento ay nagpapakita ng pagpapahalaga at respeto ng sinaunang kulturang Pilipino sa kalikasan.

  1. https://www.filipiknow.net/the-ancient-visayan-deities-of-philippine-mythology/ (sa Ingles)








ApplySandwichStrip

pFad - (p)hone/(F)rame/(a)nonymizer/(d)eclutterfier!      Saves Data!


--- a PPN by Garber Painting Akron. With Image Size Reduction included!

Fetched URL: http://tl.wikipedia.org/wiki/Mitolohiyang_Pilipino

Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy