Origami
Ang origami (折り紙, mula sa ori "pagtitiklop", at kami "papel" (naging gami ang kami dahil sa rendaku)) ay Hapones na sining ng pagtutupi ng papel. Sa modernong paggamit, mas ingklusibo ang "origami" kasi tumutukoy ito sa lahat ng pagtutupi ng papel anuman ang pinagmulang kultura. Layunin nitong sining ang pagbabago ng manipis na pilas ng parisukat na papel upang maging ganap na eskultura sa pagtitiklop at paglililok. Karaniwang hindi hinihikayat ng mga modernong praktikante ng origami ang paggupit, pagdikit, o pagmarka ng papel. Kadalasang ginagamit ng mga nag-oorigami ang salitang kirigami para sa mga disenyo na may gupit-gupit.
Sa detalyadong klasipikasyon ng mga Hapones, nakahati ang origami sa maistilong seremonyal na origami (儀礼折り紙, girei origami) at panlibang na origami (遊戯折り紙, yūgi origami), at karaniwang kinikilala lang ang panlibang na origami bilang origami.[1][2] Sa Hapon, tinatawag na "origata" (ja:折形) ang seremonyal na origami upang mapaiba ito sa panlibang na origami. Ang "origata" ay isa sa mga lumang termino para sa origami.[3][4][5]
Maliit lang ang bilang ng mga basikong tupi sa origami, subalit sa sari-saring mga paraan na pwedeng pagsama-samahin itong mga tupi, makakalikha ng mga madetalyeng disenyo. Marahil tagak na papel o orizuru ang pinakakilalang modelo na pang-origami. Karaniwang nagsisimula itong mga disenyo sa isang parisukat na pilas ng papel na ang mga gilid ay maaaring may magkakaibang mga kulay o mga tatak. Madalas na di-gaanong mahigpit sa mga kombensiyong ito ang tradisyonal na origaming Hapones, na isinasagawa mula noong panahong Edo (1603–1867), na sa kung minsan ay ginugupit ang papel o gumagamit ng hindi parisukat na mga hubog upang makapagsimula. Ginagamit din ang mga prinsipyo ng origami sa mga stent, pagpapakete, at iba pang aplikasyon sa inhenyeriya.[6][7]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 折り紙の歴史と現在: 前史 (sa wikang Hapones). Kyushu University Library. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 May 2021. Nakuha noong 14 November 2022.
- ↑ おりがみの歴史 (History of origami) (sa wikang Hapones). Nippon Origami Association. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Nobyembre 2022. Nakuha noong 14 Nobyembre 2022.
- ↑ 喜びの気持ちを自分で包む・結ぶ「折形」の実践入門 (sa wikang Hapones). Nikkei, Inc. 31 Marso 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Nobyembre 2022. Nakuha noong 15 Nobyembre 2022.
- ↑ 折形(おりがた)について (sa wikang Hapones). Yamane origata. Mayo 11, 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Abril 2022. Nakuha noong 15 Nobyembre 2022.
- ↑ 折り紙の歴史と現在: 戦国~江戸中期 (sa wikang Hapones). Kyushu University Library. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 May 2021. Nakuha noong 14 November 2022.
- ↑ Merali, Zeeya (Hunyo 17, 2011), "'Origami Engineer' Flexes to Create Stronger, More Agile Materials" [Nag-flex ang 'Inhinyerong Origami' sa Paglikha ng Mas Matibay, Mas Maliksi na Materyal], Science (sa wikang Ingles), 332 (6036): 1376–1377, Bibcode:2011Sci...332.1376M, doi:10.1126/science.332.6036.1376, PMID 21680824.
- ↑ "See a NASA Physicist's Incredible Origami" [Tingnan ang Kagilas-gilas na Origami ng Isang Pisisista sa NASA] (video). YouTube (sa wikang Ingles). 16 Marso 2017. Nakuha noong 29 Oktubre 2022.