Content-Length: 90921 | pFad | http://tl.wikipedia.org/wiki/Orion

Orion - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Orion

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Orion at ang kanyang alagang si Lepus.

Sa mitolohiyang Griyego, si Orion (Griyego: Ὠρίων, Ὠρίωνος, o Ωαρίων; Latin: Orion o Oarion) ay isang dambuhala o higanteng mangangaso. Inilagay siya ni Zeus sa mga bituin bilang konstelasyon ni Orion.

Bilang malaki at makapangyarihang mangangaso, nagsagawa siya ng maraming mga gawain para sa hari ng Chios upang mapagwagian ang kamay ng anak nitong babae. Hindi tinupad ng hari ng Chios ang kanyang pangakong kasal, bagkus binulag ng hari si Orion. Muling nabalik ang paningin ni Orion. Sa kalaunan, nagpunta siya sa Creta upang gumanap na mangangaso ni Artemis. Pagdaka, pinaslang naman siya ni Artemis. Pagkaraan ng kanyang kamatayan, ipinadala si Orion sa langit bilang konstelasyon ni Orion, ang pinakamakislap na konstelasyon. Kinakatawan siya ng konstelasyon bilang isang mangangasong may sinturon, espada, at mga asong pangpangangaso.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Orion". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa O, pahina 287.

MitolohiyaGresya Ang lathalaing ito na tungkol sa Mitolohiya at Gresya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.









ApplySandwichStrip

pFad - (p)hone/(F)rame/(a)nonymizer/(d)eclutterfier!      Saves Data!


--- a PPN by Garber Painting Akron. With Image Size Reduction included!

Fetched URL: http://tl.wikipedia.org/wiki/Orion

Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy