Content-Length: 81695 | pFad | http://tl.wikipedia.org/wiki/Pambansang_Liwasan_ng_Teide

Pambansang Liwasan ng Teide - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Pambansang Liwasan ng Teide

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pambansang Liwasan ng Teide

Ang Pambansang Liwasan ng Teide ay ang isa sa pinakamatandang pambansang liwasan sa Espanya na matatagpugan sa pulo ng Tenerife sa Kapuluang Canarias ng Espanya. Ito ang pinakamalaki at pinakalumang pambansang liwasan sa Kapuluang Canarias at ikatlong pinakalumang pambansang liwasan sa Espanya. Ipinahayag ang pagiging isang pambansang liwasan nito noong ika-22 ng Enero 1954. Ito rin ang pinakamalaking pambansang liwasan sa Espanya at isa itong mahalagang bahagi ng Kapuluang Canarias. Nakasentro ang liwasang ito sa Bundok Teide (Bulkang Teide) na mayroong taas na 3,718 mga metro, ang pinakamataas na bundok sa Espanya at sa mga pulo ng Atlantiko (ito ang pinakamalaking bulkan sa mundo magmula sa paanan). Ang isa pang bulkang nasa loob ng liwasan (katabi ng Teide) ay ang Pico Viejo na siya namang pangalawang pinakamalaking bulkan sa Kapuluang Kanaryo na mayroong taas na 3,135 mga metro.

Noong 2007, ipinahayag na UNESCO na ang Pambansang Liwasan ng Teide ang pagiging isang World Heritage Site, at magmula noon ay itinuring ito bilang isa sa 12 mga kayamanan ng Espanya. Ang Pambansang Liwasan ng Teide ay ang pinakadinadalaw na liwasan sa Espanya at ang pangalawang liwasang pinakabinibisita ng mga turista sa mundo.









ApplySandwichStrip

pFad - (p)hone/(F)rame/(a)nonymizer/(d)eclutterfier!      Saves Data!


--- a PPN by Garber Painting Akron. With Image Size Reduction included!

Fetched URL: http://tl.wikipedia.org/wiki/Pambansang_Liwasan_ng_Teide

Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy