Content-Length: 197253 | pFad | http://tl.wikipedia.org/wiki/Republikang_Romano

Republikang Romano - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Republikang Romano

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Republikang Romano
Roma
509 BK–27 BK
Salawikain: Senatus Populusque Romanus
"Ang Senado at ang Sambayanang Romano"
Probinsiyang Romano sa gabi ng pagpaslang kay Julius Caesar, c. 44 BK
Probinsiyang Romano sa gabi ng pagpaslang kay Julius Caesar, c. 44 BK
KabiseraRoma
Karaniwang wikaLatin (imperial), Greek (administrative)
Relihiyon
Politesmong Romano
PamahalaanRepublika
Konsul 
• 509–508 BK
Lucius Junius Brutus, Lucius Tarquinius Collatinus
• 27 BK
Gaius Julius Caesar Octavianus, Marcus Vipsanius Agrippa
LehislaturaMga Lehislatibong Pagtitipon
PanahonSinaunang Panahon
• Pagpapatalsik kay Tarquinius Superbus pagsunod ng Pag-gahasa kay Lucretia
509 BK
• Itinanghal na Habangbuhay na Diktador si Julius Caesar
44 BK
2 Setyembre 31 BK
• Octavian ipinahayag na Augustus
16 Enero 27 BK 27 BK
Lawak
326 BK[1]10,000 km2 (3,900 mi kuw)
200 BK[1]360,000 km2 (140,000 mi kuw)
146 BK[1]800,000 km2 (310,000 mi kuw)
100 BK[1]1,200,000 km2 (460,000 mi kuw)
50 BK[1]1,950,000 km2 (750,000 mi kuw)
Pinalitan
Pumalit
Kahariang Romano
Imperyong Romano

Ang Republikang Romano (Latin: Res publica Romana) ay ang kapanahunan ng sinaunang Romanong kabihasnan na may Republikang uri ng pamahalaan. Nagsimula ang republika matapos ang pagbagsak ng Kahariang Romano noong 509 BK at nagtapos noong 27 BK sa pagtatatag ng Imperyong Romano. Sa panahon na ito lumawak ang kontrol ng Roma mula sa kapaligiran ng lungsod hanggang sa gahum ng buong Mediteraneong mundo.

Sa panahon ng unang dalawang siglo ng pag-iral nito, lumawak ang Republikang Romano sa pamamagitan ng kumbinasyon ng pananakop at pakikipag-alyansa, mula sa gitnang Italya hanggang sa buong tangway nito. Nang sumunod na siglo, nakabilang nito ang Hilagang Aprika, Espanya, at ang ngayon ay timog Pransiya. Dalawang siglo matapos noon, sa bandang huli ng ika-1 siglo BK, nakabilang na ang natitirang bahagi ng modernong Pransiya, Gresya, at karamihan ng silangang Mediteraneo. Sa panahon na ito, ang mga panloob na salungatan ay humantong sa isang serye ng mga digmaang sibil, umabot sa kasukdulan noong panahon ng pagpaslang kay Julio Cesar, na humantong sa transisyon mula sa republika sa pagiging imperyo. Ang eksaktong petsa ng pagtransisyon ay bukas sa interpretasyon. Maraming historyador ang nagpapahayag na ang pagtawid ni Julio Cesar ng Ilog ng Rubicon sa 49 BK, ang paghirang ni Cesar bilang diktador pang habang-buhay sa 44 BK, at ang pagkatalo ni Mark Antony at Cleopatra sa Labanan ng Actium sa 31 BK. Gayunman, ang ginagamit ng karaniwan ay ang parehong petsa na ginamit ng mga sinaunang Romano, ang pagkaloob ng pambihirang kapangyarihan kay Octavian at ang kanyang paggamit ng titulong Augustus noong 27 BK bilang ang pagtukoy sa kaganapang nagtapos sa Republika.

Ang Romanong pamahalaan ay pinamunuan ng dalawang konsul, inihahalal taun-taon ng mga mamamayan at pinapayuhan ng isang senado na binubuo ng hinirang na mga mahistrado. Dahil napaka makaherarkiya ng Romanong lipunan sa modernong pamantayan, ang pagsulong ng pamahalaang Romano ay lubhang naiimpluwensyahan ng pakikibaka sa pagitan ng mga patrisyo, ang pagaangkin ng lupa ng Romanong aristokrasya, na kung sino ay sinaliksik ang kanilang lahi sa pagtatag ng Roma, at ang mga plebo, ang higit na mas maraming mamamayang karaniwang tao. Sa paglipas ng panahon, ang mga batas na nagbigay ng eksklusibong mga karapatan sa mga patrisyo sa pinakamataas na mga tanggapan ng Roma ay nabago o pinahinaan, na humantong sa mga plebong pamilya na maging ganap na kasapi ng aristokrasya. Ang mga pinuno ng Republika ay nakabuo ng isang malakas na tradisyon at moralidad na nangangailangan ng pampublikong serbisyo at pagtataguyod sa kapayapaan at digmaan, na gumawa ng hindi mapaghiwalay na ugnay sa militar at pampulitikang tagumpay. Marami sa ligal at lehislaibong istraktura ng Roma (mamaya isinabatas sa Justinianong Kodigo, at muli sa Napoleonikong Kodigo) ay maaari pa ring ma-obserbahan sa buong Europa at karamihan sa mundo sa modernong mga estadong bansa at internasyonal na mga organisasyon.

Kasaysayang militar

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang eksaktong mga dahilan at mga layunin para sa salungatan ng Romang militar at mga pagpapalawak sa panahon ng republika ay napapailalim sa malawak na debate.[2]

Maagang Republika (458 - 274 BK)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga Maaagang Italyanong kamapanya (458 - 396 BK)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang unang Romanong republikanong mga digmaan ay mga digmaan ng parehong pagpapalawak at pagtatanggol na naglayon sa pagprotekta ng Roma mismo mula sa kalapit na mga lungsod at mga bansa at pagtatag ng teritoryo nito sa rehiyon.[3]

Keltikong panghihimasok sa Italya (390 - 387 BK)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa 390 BK, ilang Makapranses na mga tribo ay nanghimasok sa Italya mula sa hilaga habang kumalat ang kanilang kultura sa buong Europa. Naalertuhan ang mga Romano dito noong ang isang partikular na paladigmang tribo ay nanghimasok sa dalawang Etruskanong bayan malapit sa baluwarte ng Roma. Ang mga bayan na ito ay nadaig ng mga numero ng kaaway at bagsik kaya sila'y tumawag sa Roma para sa tulong.

Romanong pagpalawak sa Italya (342 - 382 BK)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mapa nagpapakita ng Romanong pagpapalawak sa Italya.

Digmaang Pyrrhic (280 - 275 BK)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Gitnang Republika (264 - 133 BK)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga Digmaang Puniko (264 - 146 BK)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kasaysayang pampulitika

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang konstitusyonal na kasaysayan ng Republikang Romano ay maaaring hatiin sa limang mga yugto. Ang unang yugto ay nagsimula sa rebolusyon na kung saan giniba ang monarkiya sa 509 BK. Ang huling yugto ay nagtapos sa transisyon na nagbago sa Republika na kung alin ay epektibong naging ang Imperyong Romano sa 27 BK. Sa kabuuan ng kasaysayan ng Republika, ang konstitusyonal na ebolusyon ay nahimok ng hindi pagkakasunduan ng mga pangkat sa pagitan ng aristokrasya at ang ng mga ordinaryong mamamayan.

Patrisyong panahon (509 - 367 BK)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang huling hari ng Romanong Kaharian na si Lucius Tarquinius Superbus ay napatalsik noong 509 BK sa pamamagitan ng isang grupo ng mga maharlika sa pamumuno ni Lucius Junius Brutus.

Ang kasaysayang istruktura ng Romanong militar ay naglalarawan sa mga pangunahing magkakasunod na pagbabago sa organisasyon at saligang batas ng Romanong armadong puwersa. Ang Romanong militar ay nahati sa hukbong Romano at ang Romanong hukbong-dagat, ngunit ang dalawang sangang mga ito ay mas kaunti ang pagkakaiba kaysa sa modernong manananggol na mga puwersa.

Mga Hoplite na hukbo (509 - m. 309 BK)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa panahong ito, ang mga sundalong Romano ay tila tumulad sa mga Etruskano sa hilaga, na kung sino ay pinaniniwalaang kumopya ng kanilang mga asal ng pakikipagdigmaan mula sa mga Griyego.

Ang Saligang-Batas ng Republikong Romano ay isang di nasusulat na hanay ng mga alituntunin at mga simulain na pinasa sa pamamagitan ng pagkakasumundan. Ang Romanong konstitusyon ay hindi pormal o kahit opisyal. Ito ay higit sa lahat hindi nakasulat, hindi nakakodigo, at patuloy na nagbabago.

Senado ng Republikang Romano

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga Lehislatibong Pagtitipon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga Ehekutibong Mahistrado

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang buhay sa Republikong Roma ay umikot sa paligid ng lungsod ng Roma, at ang tanyag na pitong burol nito. Mayroon din ang lungsod ng ilang mga teatro, mga himnasyo, at maraming mga taberna, paliguan at mga aliwan.

Karamihan sa mga Romanong bayan at lungsod ay mayroong isang pagtitipon at mga templo, gaya mismo ng lungsod ng Roma. Ang mga paagusan ang nagdala ng tubig sa mga sentrong urban at ang alak at mantika ay inangkat mula sa ibang mga bansa.

Istrakturang panlipunan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Maraming mga aspeto ng Romanong kultura ay hiram mula sa mga Griyego. Sa arkitektura at iskultura, ang pagkakaiba sa pagitan ng mga Griyegong modelo at mga Romanong kuwadro ay halata. Ang punong mga Romanong kontribusyon sa arkitektura ay ang arko at simboryo. Nagkaroon din ng matinding epekto ang Roma sa mga Europeong kulturang sumunod dito.

Romanong nababalot ng toga.

Karaniwang suot ng mga kalalakihan ang toga at mga kababaihan ng stola. Ang pambabaeng stola ay naiba sa hitsura ng toga at mas madalas na matingkad ang kulay. Ang tela at ang damit ang nagbukod sa isang klase ng mga tao mula sa iba pang mga klase. Ang tunika na isinuot ng mga plebo, o karaniwang tao, tulad ng mga pastol at mga alipin, ay gawa sa magaspang at madilim na materyal, habang ang mga tunika na isinuot ng mga patrisyo ay gawa sa linen o maputing lana. Ang isang kabalyero o mahistrado ay nagsuot ng isang angusticlavius, isang tunika na nagdadala ng maliliit na lilang mga stud. Ang mga senador naman ay nagsuot ng mga tunika na may malawak na pulang guhitan, na tinatawag na tunica laticlavia. Militar na mga tunika ay mas maikli kaysa sa mga isinusuot ng populasyong sibil.

Kahit ang pampaa ay nagpahiwatig ng katayuan sa lipunan ng isang tao. Pula at kahel ang mga sandalyas na sinusuot ng mga Patrisyo, kayumangging mga pampaa sa mga senador, puting sapatos sa mga konsul, at mabibigat na bota naman para sa mga sundalo. Ang mga Romano din ang nagimbento ng medyas para sa mga sundalo na kinakailangang lumaban sa hilagang hangganan, minsan suot sa mga sandalyas.

Edukasyon at wika

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Matapos ang ilang mga militar na pananakop sa Griyegong Silangan, inangkop ng Roma ang ilang bilang ng mga Griyegong pang-edukasyon na mga tuntunin sa kanilang sariling baguhang sistema.

Sila ay nagsimula ng pisikal na pagsasanay upang ihanda ang mga batang lalaki na lumaki na mga mamamayang Romano at para sa pagsungko sa hukbo. Ang pagiging matularin sa disiplina ay isang punto na binibigyan ng malaking kahalagahan. Ang mga batang babae naman ay kalimitang tumanggap ng tagubilin mula sa kanilang mga ina sa sining ng pagsusulid, paghahabi, at pananahi. Ang pag-aaral sa isang mas pormal na kahulugan ay nagsimula sa bandang 200 BK. Ang edukasyon ay nagsisimula sa edad na anim, at sa susunod na anim hanggang pitong taon, ang mga batang lalaki at mga batang babae ay inaasahang matuto ng batayan ng pagbabasa, pagsusulat at pagbibilang. Sa edad na labindalawa, sila ay pag-aaralin ng Latin, Griyego, balarila at panitikan, na susundan ng pagsasanay para sa pampublikong pagtatalumpati.

Ang Romanong panitikan ay mula sa simula, lubhang naiimpluwensyahan ng mga Griyegong manunulat. Ang ilan sa mga pinakamaagang mga gawa na taglay natin ay mga makasaysayang epiko na nagsasabi tungkol sa unang bahagi ng kasaysayan ng militar ng Roma. Habang lumalago ang republika, ang mga manunulat ay nagsimulang lumikha ng mga tula, komedya, kasaysayan, at trahedya.

Sa ika-3 siglo BC, ang Griyegong sining na kinuha bilang samsam mula sa mga digmaan ay naging sikat, at maraming mga Romanong bahay ay pinalamutian ng mga tanawin na likha ng mga Griyegong pintor.

Ang mga paniniwalang pangrelihiyong Romano ay mapepetsahan pabalik sa pagkatatag ng Roma, noong 800 BK.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 Taagepera, Rein (1979). "Size and Duration of Empires: Growth-Decline Curves, 600 B.C. to 600 A.D." Social Science History. 3 (3/4): 125. doi:10.2307/1170959. {{cite journal}}: Check |first= value (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Eckstein, Arthur. "Rome Enters the Greek East". p42
  3. Grant, The History of Rome, p. 33








ApplySandwichStrip

pFad - (p)hone/(F)rame/(a)nonymizer/(d)eclutterfier!      Saves Data!


--- a PPN by Garber Painting Akron. With Image Size Reduction included!

Fetched URL: http://tl.wikipedia.org/wiki/Republikang_Romano

Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy