Content-Length: 174068 | pFad | http://tl.wikipedia.org/wiki/Sobekneferu

Sobekneferu - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Sobekneferu

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Sobekneferu (na minsang isinusulat na "Neferusobek") ang paraon ng Ikalabingdalawang Dinastiya ng Ehipto. Ang kanyang pangalanan ay nangangahulugang "ang kagandahan ni Sobek". Siya ay namuno sa halos 4 taon sa pagitan ng 1806 hanggang 1802 BCE.[1] Siya ang anak na babae ng paraon na si Amenemhat III. Isinaad ni Manetho na siya rin ang kapatid na babae ni Amenemhat IV ngunit ang pag-aangking ito ay hindi napatunayan. Siya ay may isang mas matandang kapatid na babaeng si Nefruptah na maaaring ang nilayong tagapagmana sa trono. Gayunpaman, si Neferuptah sa batang edad.[2] Si Sobekneferu ang unang alam na babaeng pinuno ng Ehipto bagaman si Nitocris ay maaaring naghari sa Ikaanim na Dinastiya ng Ehipto. May iba pang limang mga babae na pinaniniwalaang namuno noong [[Unang Dinastiya ng Ehipto. Si Amenemhat IV ay pinakamalamang na namatay nang walang tagapagmanang lalake. Dahil dito, ang anak na babae ni Amenemhat III na si Sobekneferu ang umupo sa trono. Ayon sa kanon na Turin, siya ay namuno ng 3 taon, 10 buwan at 24 araw sa huli ng ika-19 siglo BCE.[3] Siya ay namatay ng walang mga tagapagmana at ang wakas ng kanyang pahahari ay nagtapos ng Ikalabingdalawang Dinastiya ng Ehipto at ang ginintuang panahon ng Gitnang Kaharian ng Ehipto dahil ito ay naglunsad ng isang mas mahinang Ikalabingtatlong Dinastiya ng Ehipto.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Kim S. B. Ryholt, The Political Situation in Egypt during the Second Intermediate Period, c.1800-1550 B.C., Museum Tusculanum Press, Carsten Niebuhr Institute Publications 20, 1997. p.185
  2. Dodson, Hilton, The Complete Royal Families of Egypt, 2004, p. 98.
  3. Kim Ryholt, The Political Situation in Egypt during the Second Intermediate Period, Carsten Niebuhr Institute Publications, Museum Tusculanum Press, (1997), p.15 ISBN 87-7289-421-0








ApplySandwichStrip

pFad - (p)hone/(F)rame/(a)nonymizer/(d)eclutterfier!      Saves Data!


--- a PPN by Garber Painting Akron. With Image Size Reduction included!

Fetched URL: http://tl.wikipedia.org/wiki/Sobekneferu

Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy