Content-Length: 70429 | pFad | http://www.ready.gov/tl/explosion

Mga Pagsabog | Ready.gov
U.S. flag

An official website of the United States government

Dot gov

Official websites use .gov
A .gov website belongs to an official government organization in the United States.

Https

Secure .gov websites use HTTPS
A lock ( ) or https:// means you’ve safely connected to the .gov website. Share sensitive information only on official, secure websites.

A fire inside of a building has caused the brick exterior and the ceiling to collapse

Mga Pagsabog

Bago pa ang Pagsabog

Habang Nangyayari at Pagkatapos ng Pagsabog

Nauugnay na Nilalaman

Ang mga pampasabog na device ay maaaring dinadala sa sasakyan o ng tao, inihatid sa pakete o nakatago sa tabing kalsada. May mga hakbang na maaari mong gawin upang maghanda.

Bago pa ang Pagsabog

Image
illustration of an emergency supply kit including water, cleaning supplies, a book, canned food and a flashlight.
  • Bumuo ng Supply Kit na Pang-emerhensiya 
  • Gumawa ng Pang-Emerhensiyang Plano sa Pamilya.
  • Alamin kung paano tukuyin ang kahina-hinalang aktibidad at kung ano ang gagawin sa kaso ng mga pagbabanta ng bomba.
  • Siguraduhin na ang iyong mga tagapag-empleyo ay may up-to-date na impormasyon tungkol sa anumang mga medikal na pangangailangan na maaaring mayroon ka at kung paano makipag-ugnayan sa mga itinalagang benepisyaryo o mga kontak sa emerhensiya.
  • Kung may nakita ka, magsabi ka . Sa pamamagitan ng pagiging alerto at pagre-report ng kahina-hinalang aktibidad sa iyong lokal na tagapagpatupad ng batas, makakatulong kang protektahan ang iyong pamilya, kapitbahay at komunidad.

Habang Nangyayari o Pagkatapos Kaagad ng Pagsabog

  • Palaging sundin ang mga tagubilin ng mga lokal na opisyal. Maaaring wala kaagad sa pinangyarihan ang mga serbisyong pang-emerhensiya.
  • Manatiling kalmado. Kung ang mga bagay ay bumabagsak sa paligid mo, pumunta sa ilalim ng isang matibay na mesa o desk.
  • Kung ligtas na gawin ito, umalis kaagad sa lugar hangga't maaari. Huwag huminto para kunin ang mga personal na ari-arian o tumawag sa telepono.
  • Kapag nakalikas ka na sa ligtas na lugar, ipaalam sa iyong pang-emerhensiyang kontak ng pamilya na ligtas ka sa pamamagitan ng pag-text o pagmemensahe sa kanila sa social media. I-save ang mga tawag sa telepono para sa mga emerhensiya.
  • Kahit na hindi ka direktang kasali sa pagsabog, manatiling may kaalaman at makinig sa mga lokal na opisyal. Maaaring hihilingin sa iyo na lumikas o patayin ang iyong kuryente at tubig.
Image
A man crawling low under smoke toward an exit.

Kung ikaw ay nasa loob, at maaaring lumikas:

  • Suriin kung may sunog at iba pang mga panganib. Panatilihin ang pag-iingat kung may usok.
  • Huwag gumamit ng elevator. Iwasan ang mga sahig at hagdanan na halatang marupok.

Kung ikaw ay na-trap sa ilalim ng mga pira-pirasong basura (debris):

  • Gumamit ng flashlight, pito o mag-tap sa mga tubo upang ipahiwatig ang iyong lokasyon sa mga tagasagip. Sumigaw lamang bilang huling paraan upang maiwasan ang paglanghap ng alikabok.
  • Takpan ang iyong ilong at bibig ng anumang bagay na nasa kamay mo.

Kung nasa labas ka:

  • Patuloy na lumayo patungo sa lugar sa ligtas.
  • Maaaring ikaw ang tumulong hanggang dumating ang tulong . Kung ligtas na gawin ito, tulungan ang mga tao na makarating sa kaligtasan.
  • Kung alam mo kung saan na-trap ang mga tao, huwag subukang iligtas sila dahil ang gumagalaw na mga pira-pirasong basura (debris) ay maaaring magdulot ng karagdagang pinsala. Kapag dumating na ang serbisyong pang-emerhensiya sa pinangyarihan, agad na abisuhan sila.

Last Updated: 02/15/2023

Return to top









ApplySandwichStrip

pFad - (p)hone/(F)rame/(a)nonymizer/(d)eclutterfier!      Saves Data!


--- a PPN by Garber Painting Akron. With Image Size Reduction included!

Fetched URL: http://www.ready.gov/tl/explosion

Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy