Content-Length: 132169 | pFad | https://tl.wikipedia.org/wiki/Ernest_Shackleton

Ernest Shackleton - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Ernest Shackleton

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ernest Shackleton
Kapanganakan15 Pebrero 1874
Kamatayan5 Enero 1922(1922-01-05) (edad 47)
Kilala saEksplorasyon ng polo
Pirma

Si Sir Ernest Henry Shackleton, CVO, OBE, FRGS ( /ˈʃækəltən/; 15 Pebrero 1874 – 5 Enero 1922) ay isang Irlandes na gumalugad sa polo,[1] na isa sa pangunahing mga tao ng kapanuhang nakikilala bilang Makabayaning Panahon ng Eksplorasyong Antarktiko. Ang unang niyang karanasan sa mga rehiyon ng mga polo ay bilang isang pangatlong opisyal sa Espedisyon ng Discovery, 1901–04, ni Kapitan Robert Falcon Scott, kung kailan pinauwi siya kaagad dahil sa mga dahilang pangkalusugan. Dahil disidido siyang bumawi mula sa tinatanaw niyang kabiguang personal na ito, nagbalik siya sa Antarktika noong 1907 bilang pinuno ng Ekspedisyon ng Nimrod. Noong Enero 1909, siya at tatlong mga kasama ay nagsagawa ng isang pantimog na paglalakad na naglunsad ng isang pagtatala o rekord na paglalakbay sa latitud ng Pinakamalayong Timog na nasa 88° 23′ S, 97 mga milyang pangheograpiya (112 mga milyang estatuto (mga milyang nakatakda), 190 km) magmula sa Pangtimog na Polo, na sa ngayon ay ang pinakamalapit na pagtatagpo sa kasaysayan ng panggagalugad (eksplorasyon) magpahanggang sa panahong iyon. Dahil sa nagawa niyang ito, si Shackleton ay ginawang isang kabalyero ni Haring Edward VII pagkatapos niyang makabalik sa kaniyang tahanan sa Europa.

Nang magwakas ang pag-uunahan ng pagdating sa Pangtimog na Polo noong 1912 sa piling ni Roald Amundsen, pinatuonan ni Shackleton ng pansin sa sinabi niya bilang isa pang nananatiling dakilang layunin ng paglalakbay sa Antarktiko—ang pagtawid sa kontinente magmula sa paglilipat-lipat sa mga karagatan, sa pamamagitan ng polo. Upang maisagawa ang layuning ito, naghanda siya para sa naging Imperyal na Ekspedisyong Trans-Antarktiko magmula 1914 hanggang 1917. Malaking kasawiang-palad ang sumapit sa ekspedisyong ito nang ang barko nitong Endurance ay nasukol sa loob ng balot ng yelo ng dagat at dahan-dahang nalamukos bago pa man nakalapag sa lupa ang mga partidong pangdalampasigan.

Mayroong sumunod na mga sunuran ng mga gawain ng kabayanihan, at isang kahanga-hangang pagtakas na walang namamatay, na hahantong sa pagtiyak ng katayuang makabayani ni Shackleton, bagaman hindi ito dagliang mapupuna.[2] Noong 1921, nagbalik siya sa Antarktiko sa piling ng Ekspedisyong Shackleton-Rowett, na mayroong layunin na isakatuparan ang isang programa ng mga gawaing pang-agham at pagsusurbey. Bago pa man makapagsimula ang ekspedisyon sa pagsisimula ng gawaing ito, namatay si Shackleton dahil sa atake sa puso habang ang kaniyang barkong Quest ay nakapugal (nakadaong) sa Timog Georgia. Sa kahilingan ng kaniyang asawa, si Shackleton ay inilibing sa lugar na iyon.

Bukod sa kaniyang mga ekspedisyon, ang buhay ni Shackleton ay pangkalahatang walang kapanatagan at walang katuparan. Sa loob ng kaniyang paghahanap ng mabilis na mga pamamaraan upang magkayaman at katiwasayan, naglunsad siya ng maraming mga pagbabakasakali na pangnegosyo at iba pang mga balakin na makalilikom ng salapi. Ang kahit alin sa mga planong ito ay hindi lumago. Ang kaniyang mga kapakanang pampananalapi ay pangkalahatang magusot; namatay siyang nasa katayuan ng pagkakabaon sa utang. Sa kaniyang pagkamatay, pinuri siya ng mga mamamahayag, subalit pagkalipas ay malaganap na nakaligtaan, habang ang reputasyong pangbayani ng kaniyang katunggali sa larangan ng ekspedisyon na si Scott ay naaalala at tinatalakay nang matagalan. Sa pagsapit ng ika-20 daantaon, muling natuklasan at naalala si Shacketon[3] at mabilisang naging isang masasabing "pigura ng kulto", isang huwaran ng pamumuno bilang isang tao, na sa mga pagkakataong may kasidhian, ay pinanatili niyang magkakasama ang kaniyang pangkat sa loob ng isang kuwento ng pagliligtas na inilarawan ng manunulat ng kasaysayan na si Stephanie Barczewski bilang kahanga-hanga.[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. BBC, Shackleton.
  2. Barczewski, p. 146.
  3. Jones, p. 289.
  4. Barczewski, p. 295.








ApplySandwichStrip

pFad - (p)hone/(F)rame/(a)nonymizer/(d)eclutterfier!      Saves Data!


--- a PPN by Garber Painting Akron. With Image Size Reduction included!

Fetched URL: https://tl.wikipedia.org/wiki/Ernest_Shackleton

Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy