Content-Length: 177899 | pFad | https://tl.wikipedia.org/wiki/Kripton

Elemento (kimika) - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Elemento (kimika)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Kripton)
Ang talaang peryodiko ng mga elementong kimikal.

Sa agham, ang elemento (mula sa espanyol elemento) ay isang kalipunan ng mga atom na may natatanging bilang ng proton sa nucleus. Ang bilang na ito ay tinatawag na numero atomiko ng elemento. Halimbawa, ang lahat ng atom na may 6 na proton sa kanyang nucleus ay atom ng elementong karbon, at ang lahat ng mga atom na may 92 proton sa kanilang nucleus ay atom ng elementong uranium.

Mayroon na tayong 118 na mga elemento, mula idroheno (na nagtataglay ng isang proton) hanggang oganeson (na mayroong 118 na proton).

Ang pinakamakisig na pagpapakita ng mga elemento ay ang talaang peryodiko. Ito ay nagpapangkat sa mga elemento na may magkakamukha ng katangian. Matutunghayan rin ang listahan ng mga elemento na iniayos ayon sa pangalan, simbolo o numero atomiko.

Dahil sa ang bilang ng mga proton sa nucleous ang nagdidikta sa bilang ng electron sa palibot ng nucleus at nang kaniyang katangian, at dahil sa ang mga electron ang panglabas na bahagi ng atom (ang bahaging rabaw na nakikita ng sanlibutan), ang pagkakakilanlan ng isang elemento ang nagdidikta kung paano ito makikipagsanib sa ibang kemikal. May ilang banayad na pagbabago sa katangiang kemika ang idinudulot ng bilang ng neutron sa nucleous ng halos ‘iisang’ elemento.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Tingnan ang katumbas na artikulo sa Wikipediang Ingles para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.








ApplySandwichStrip

pFad - (p)hone/(F)rame/(a)nonymizer/(d)eclutterfier!      Saves Data!


--- a PPN by Garber Painting Akron. With Image Size Reduction included!

Fetched URL: https://tl.wikipedia.org/wiki/Kripton

Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy