Content-Length: 144577 | pFad | https://tl.wikipedia.org/wiki/Pontifex_Maximus

Pontifex Maximus - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Pontifex Maximus

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Augustus bilang Pontifex Maximus
(Via Labicana Augustus)

Ang Pontifex Maximus (Latin, literal na "pinakadakilang pontipise") ang Dakilang Saserdote o Dakilang Pari ng Kolehiyo ng mga Pontipise (Collegium Pontificum) sa Sinaunang Roma. Ito ang pinakamahalagang posisyon sa Relihiyon sa Sinaunang Roma na bukas lamang sa mga patrisiyano hanggang 254 BCE nang ang isang plebeian ay umokupa ng posisyong ito. Ito ay isang natatanging opisinang pang-relihiyon sa ilalim ng maagang Republikang Romano at unti-unti nang politisado hanggang sa pagsisimula ni Augustus. Ito ay isinama sa Opisinang Imperyal. Ang huling paggamit nito sa reperensiya sa mga emperador ay sa mga inskripsiyon ni Gratian[1] (naghari noong 375 CE –38 CE3) na gayunpaman ay nagpasyang alisin ang mga salitang "pontifex maximus" sa kanyang pamagat.[2][3]

Ang salitang "pontifex" ay kalaunang naging isang termino na ginamit para sa mga obispong Kristiyano[4] kabilang ang Obispo ng Roma[5] at ang pamagat na "Pontifex Maximus" ay inilapat sa loob ng Simbahang Katoliko Romano sa papa bilang pangunahing obispo nito. Ito ay hindi kasama sa mga opisyal na pamagat ng papang Romano Katoliko[6] ngunit makikita sa mga gusali, monumento, at mga barya ng mga papang Katoliko Romano ng Renasimiyento at mga modernong panahon.

Pinagmulan ng panahong regal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Collegium Pontificum ang pinakamahalagang pagkasaserdote ng Sinaunang Roma. Ang pundasyon ng sagradong kolehiyong at ang opisina ng Pontifex Maximus ay itinuturo sa ikalawang hari ng Roma na si Numa Pompilius. Ang karamihan ng alam tungkol sa panahong Regal ng kasaysayan ng Sinaunang Roma ay kalahating maalamat o mitikal. Ang Collegium ay pinagpapalagay na umasal bilang mga tagapayo sa rex(hari) sa mga bagay na panrelihiyon. Ang collegium ay pinamumunuan ng pontifex maximus at ang lahat ng mga pontipise ay humahawak sa kanilang opisina sa buong buhay. Ayon sa historyan na si Livy, si Numa Pompilius na isang Sabino ay lumikha ng sistema ng mga rito sa Roma kabilang ang paraan at pagpapanahon ng mga handog, pangangasiwa ng mga pondong panrelihiyon, kapangyarihan sa lahat ng mga institusyong panrelihiyon na pampubliko at pampribado, pagtuturo sa mga mamamayan sa mga ritong pangpuneraryo at selestiyal kabilang ang pagpapalubag ng mga natay at pagtitika sa mga prodihiya. Si Numa ay sinasabing nagtatag ng relihiyong Sinaunang Romano pagkatapos ialay ang damban sa Bundok Aventino kay Jupiter Elicius at pagkatapos dumulog sa mga diyos sa pamamagitan ng augurya. Isinulat ni Num at sinelyohan ang mga katuruang panrelihiyon at ibinigay sa unang Pontifex Maximus na si Numa Marcius.

Sinaunang Roma

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga katungkulan ng Pontifex Maximus

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pangunahing tungkulin ng mga pontipise ay panatilihin ang pax deorum o "kapayapaan ng mga diyos."[7][8][9]

Ang malaking kapangyarihan ng sagradong kolehiyo ng mga pontipise ay nakasentro sa Pontifex Maximus at iba ng mga pontipise na bumubuo ng kanyang consilium o katawang nagpapayo. Ang kanyang mga katungkulan ay pang-paghahandog o pang-ritwal sa isang bahagi ngunit ito ang pinaka hindi mahalaga. Ang kanyang tunay na kapangyarihan ang pangangasiwa ng jus divinum o kautusan ng diyos.[10] Ang impormasyong tinitipon ng mga pontipise na nauugnay sa tradisyon ng relihiyong Sinaunang Romano ay nakatali sa isang corpus na bumubuod ng isang dogma at iba ng mga konsepto. Ang mgapangunahing kagawaran ng jus divinum ay maaaring ilarawan bilang sumusunod:

  1. Ang regulasyon ng lahat ng mga pagtitikang seremonya na kailangan dahil sa mga salot, kidlat at iba pa.
  2. Ang konsagrasyon ng lahat ng mga templong Romano at ibang mga sagradong lugar at mga bagay na inalay sa mga diyos.
  3. Ang regulasyon ng kalendaryo na parehong sa astronomiya at sa detalyadong aplikasyon sa buhay pampubliko ng estado.
  4. Ang pangangasiwa ng batas na nauugnay sa mga paglilibing at mga lugar ng libingan at pagsamba ng mga Manes o mga namatay na ninuno.
  5. Ang superintendsiya ng lahat ng mga kasal sa pamamagitan ng conferratio, i.e. orihanl na lahat ng mga pambasal na mga kasal ng patrisyo.
  6. Ang pamamahala ng batas ng pag-aampon at ng paghaliling testamentaryo.
  7. Ang regulasyon ng mga moral ng publiko at pagmumulta at pagpaparusa ng mga partidong nagkasala.

Ang mga pontipise ay may maraming mga nauukol at prestihiyosong mga tungkulin gaya ng pangangasiwa sa pangangalaw ng mga arkibo ng estado, pag-iingat ng mga opisyal na minuto ng mga nahalal na mahistrado(tignan ang Fasti) at talaan ng mga mahistrado at pag-iingat ng mga talaan ng kanilang mga desisyon(commentarii) at ng mga pangunahing pangyayari kada taon na tinatawag na mga publikong diary na Annales maximi.[11]

Ang Pontifex Maximus ay sumasailalim rin sa ilang mga taboo. Kabilang sa mga ito ang pagbabawal na umalis sa Italya. Inilarawan ni Plutarko si Publius Cornelius Scipio Nasica Serapio (141 BCE–132 BCE) bilang ang unang umalis sa Italya pagkatapos palayasin ng Senado ng Roma at kaya ay lumabag sa sagradong taboo. Si Publius Licinius Crassus Dives Mucianus (132 BCE –130 BCE) ang unang umalis sa Italya ng boluntaryo. Pagkatapos nito, naging karaniwan at hindi na labag sa batas para sa Pontifex Maximus na umalis sa Italya. Kabilang sa mga sa mga kilalang gumawa nito ay si Julio Cesar(63 BCE–44 BCE).

Denarius na nagpapakita kay Julio Cesar bilang Pontifex Maximus

Ang mga pontipise ay nangangasiwa sa Kalendaryong Romano at tumutukoy ng interkalaryong mga buwan na kailangang idagdag upang isinkronisa ang kalendaryo sa mga panahon. Dahil ang mga pontipise ay kadalasang mga politiko at dahil ang termino ng mahistradong Romano sa opisina ay tumutugon sa taon ng kalendaryo, ang kapangyarihang ito ay naabuso. Ang isang Pontifex ay makapagpapatagal ng isang taon kung saan siya o isang mga kaalyadong pampolitika ay nasa opisina. Kanya ring maaring tanggihan na patagalin ang taon kung ang kanyang katunggali ay nasa kapangyarihan. Ito ay nagsasanhi sa Kalendaryo na hindi umayon sa mga panahon halimbawa, sa pagtawid ni Cesar sa Rubikon noong Enero 49 BCE na aktuwal na nangyari noong taglagas. Sa ilalim ng kapangyarihan ni Julio Cesar, kanyang ipinakilala ang reporma sa kalendaryo na lumikha ng Kalendaryong Huliano na may isang mali ng kaunti sa isang araw kada siglo. Ito ang naging pamantayang kalendaryo hanggang sa repormang Kalendaryong Gregoriano noong ika-16 siglo CE.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Pontifex Maximus LacusCurtius retrieved 15 Agosto 2006
  2. "Gratian." Encyclopædia Britannica. 2008. Encyclopædia Britannica Online. 3 Pebrero 2008 <http://www.britannica.com/eb/article-9037772>.
  3. Pontifex Maximus Naka-arkibo 2012-01-12 sa Wayback Machine. Livius.org article by Jona Lendering retrieved 21 Agosto 2011
  4. "In the matter of hierarchical nomenclature, one of the most striking instances is the adoption of the term pontifex for a bishop" (Paul Pascal: Medieval Uses of Antiquity in The Classical Journal, Vol. 61, No. 5 [Feb., 1966], pp. 193–197).
  5. Edictum Gratiani, Valentiani et Theodosii de fide catholica, 27 Pebrero 380; Naka-arkibo 2012-02-08 sa Wayback Machine. cf. The American Heritage Dictionary of the English Language: Fourth Edition. 2000: Naka-arkibo 2009-01-09 sa Wayback Machine. "Pontiff: 1a. The pope. b. A bishop. 2. A pontifex."
  6. Annuario Pontificio (Libreria Editrice Vaticana, 2012 ISBN 978-88-209-8722-0), p. 23*
  7. The Roman Persecution of Christians Naka-arkibo 2001-11-18 sa Wayback Machine. By Neil Manzullo 8 Pebrero 2000 Persuasive Writing, retrieved 17 Agosto 2006
  8. Pax Deorum everything2.com retrieved 17 Agosto 2006
  9. "Roman Mythology" Naka-arkibo 2006-05-21 sa Wayback Machine., Microsoft Encarta Online Encyclopedia 2006. Retrieved 17 Agosto 2006
  10. jus divinum, Merriam–Webster Online Dictionary retrieved 24 Agosto 2006
  11. Pontifex Naka-arkibo 2013-03-02 sa Wayback Machine., Encyclopædia Britannica, 1911 Ed.








ApplySandwichStrip

pFad - (p)hone/(F)rame/(a)nonymizer/(d)eclutterfier!      Saves Data!


--- a PPN by Garber Painting Akron. With Image Size Reduction included!

Fetched URL: https://tl.wikipedia.org/wiki/Pontifex_Maximus

Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy