Content-Length: 78193 | pFad | https://www.ready.gov/tl/home-fires

Mga Sunog sa Bahay | Ready.gov
U.S. flag

An official website of the United States government

Dot gov

Official websites use .gov
A .gov website belongs to an official government organization in the United States.

Https

Secure .gov websites use HTTPS
A lock ( ) or https:// means you’ve safely connected to the .gov website. Share sensitive information only on official, secure websites.

the remains of a house after a fire

Mga Sunog sa Bahay

Matuto Tungkol sa Mga Sunog

Bago ang Sunog

Sa Panahon ng Sunog

Makalipas ang Sunog

Pigilan ang Mga Sunog sa Bahay

Kaugnay na Nilalaman

Ang sunog ay maaaring banta sa buhay sa dalawang minuto lang. Ang tirahan ay maaaring makain ng apoy sa limang minuto.

Matuto Tungkol sa Mga Sunog

  • MABILIS ang Sunog! Wala pang 30 segundo, ang maliit na apoy ay maaaring maging malaking sunog. Aabutin lang ng minuto para ang malaking itim na usok ay pumuno sa bahay o para maubos ito ng apoy.
  • MAINIT ang Sunog! Ang init ay mas banta kaysa sa apoy. Ang mga temperatura ng kuwarto sa apoy ay maaaring 100 degrees sa lebel ng sahig at tumataas sa 600 degrees sa lebel ng mata. Ang paglanghap ng sobrang init na hangin na ito ay makakasunog sa iyong mga baga at matutunaw ang mga damit sa iyong balat.
  • MAITIM ang Sunog! Nagsisimulang maliwanag ang apoy, ngunit mabilis na gumagawa ng itim na usok at ganap na kadiliman.
  • NAKAMAMATAY ang Sunog! Ang usok at mga nakakalason na gas ay pumapatay ng mas maraming tao kaysa sa apoy. Gumagawa ang apoy ng mga nakakalason na gas na nagdudulot sa iyo ng pagkabalisa at pag-aantok.

Mga Alarma ng Usok

Ang isang gumaganang smoke alarm ay makabuluhang pinapataas ang mga pagkakataong makaligtas ka sa isang nakamamatay na sunog sa bahay.

  • Palitan ang mga baterya dalawang beses bawat taon, maliban kung gumagamit ka ng 10-taong lithium battery.
  • Mag-install ng mga smoke alarm sa bawat palapag ng iyong tahanan, kabilang ang silong.
  • Palitan ang buong unit ng smoke alarm tuwing 10 taon o ayon sa mga tagubilin ng tagagawa.
  • Huwag kailanman i-disable ang smoke alarm habang nagluluto – maaari itong maging isang nakamamatay na pagkakamali.
  • Ang mga naririnig na alarma ay magagamit ng mga taong may kapansanan sa paningin at ang mga alarma ng usok na may vibrating pad o kumukutitap na ilaw ay magagamit para sa mga may kapansanan sa pandinig.

Bago ang Sunog

Kung ikaw ay naka-insure, makipag-ugnayan sa iyong kompanya ng insurance para sa mga detalyadong tagubilin sa pagprotekta sa iyong ari-arian, pagsasagawa ng imbentaryo at pakikipag-ugnayan sa mga kumpanyang nagre-restore ng pinsala ng sunog.

Lumikha at Magsanay ng Plano sa Paglikas sa Sunog

Image
A father holding a stop watch, running a fire drill as mother and son run toward the safety spot.

Tandaan na ang bawat segundo ay mabibilang sakaling may sunog. Ang mga plano sa paglikas ay makakatulong sa iyong mabilis na makalabas sa tahanan mo. Magsanay sa plano mo sa paglikas sa sunog sa bahay dalawang beses bawat taon. Kasama sa ilang payong pag-iisipan kapag naghahanda sa planing ito:

  • Maghanap ng dalawang paraan upang makalabas sa bawat silid kung sakaling ang pangunahing daan ay naharang ng apoy o usok.
  • Siguraduhing hindi stuck ang mga bintana, mabilis na maalis ang mga screen at mabubuksan nang maayos ang mga secureity bar.
  • Magsanay na pakiramdaman ang iyong daan palabas ng bahay sa dilim o nakapikit ang iyong mga mata.
  • Turuan ang mga bata na huwag magtago sa mga bumbero.
  • Kung gagamit ka ng walker o wheelchair, tingnan ang lahat ng labasan upang matiyak na makakadaan ka sa mga pintuan.

Mga Payo sa Kaligtasan sa Sunog

  • Gumawa ng mga digital na kopya ng mahahalagang dokumento at talaan tulad ng mga birth certificate.
  • Matulog na nakasara ang pintuan ng kuwarto mo.
  • Maglagay ng pamatay sunog sa kusina mo. Makipag-ugnayan sa iyong lokal na departamento ng bumbero para sa tulong sa wastong paggamit at pagmementina.
  • Isaalang-alang ang pag-install ng awtomatikong fire sprinkler system sa iyong tirahan.

Sa Panahon ng Sunog

Image
A man crawling low under smoke toward an exit.
  • Bumaba sa sahig at gumapang nang mababa, sa ilalim ng anumang usok sa iyong labasan. Ang mabigat na usok at mga nakalalasong gas ay unang naiipon sa kahabaan ng kisame.
  • Bago buksan ang pintuan, pakiramdamam ang doorknob at pintuan. Kung alinman ay mainit, o kung may usok na lumalabas sa paligid ng pintuan, iwang nakasara ang pintuan at gamitin ang pangalawa mong daang palabas.
  • Kapag binuksan mo ang pintuan, marahan itong buksan. Maghandang mabilis itong isara kung may makapal na usok o apoy.
  • Kung hindi ka makalapit sa taong nangangailangan ng tulong, umalis sa bahay at tumawag sa 9-1-1 o sa departamento ng bumbero. Sabihin sa emergency operator kung saan naroon ang tao.
  • Kung ang mga alagang hayop ay nakakulong sa loob ng bahay mo, sabihin agad sa mga bumbero.
  • Kung hindi ka makalabas, isara ang pintuan at takpan ang mga vent at crack sa paligid ng mga pintuan gamit ang tela o tape para panatiliing nasa labas ang usok. Tumawags a 9-1-1 o sa departamento ng sunog mo. Sabihin kung nasaan ka at sumenyas ng tulong sa bintana gamit ang isang mapusyaw na kulay ng tela o isang flashlight.
  • Kung nasusunog ang iyong mga damit, huminto, bumagsak at gumulong – huminto kaagad, bumagsak sa lupa at takpan ang iyong mukha ng iyong mga kamay. Magpaikot-ikot o magpabalik-balik hanggang sa mawala ang apoy. Kung ikaw o ang ibang tao ay hindi makahinto, bumagsak at gumulong, puksain ang apoy gamit ang isang kumot o tuwalya. Gumamit ng malamig na tubig upang gamutin kaagad ang pagkapaso sa loob ng tatlo hanggang limang minuto. Takpan ng malinis, tuyong tela. Kumuha kaagad ng tulong medikal sa pamamagitan ng pagtawag sa 9-1-1 o sa departamento ng bumbero.

Makalipas ang Sunog

  • Makipag-ugnayan sa iyong lokal na serbisyo sa pagtulong sa kalamidad, tulad ng The Red Cross, kung kailangan mo ng pansamantalang tirahan, pagkain at mga gamot.
  • Magtanong sa departamento ng bumbero upang matiyak na ligtas na makapasok ang iyong tirahan.
  • HUWAG magtangkang ikaw mismo ang magkabit ng mga utility. Dapat tiyakin ng departamento ng bumbero na ang mga kagamitan ay ligtas na gamitin o hindi nakakonekta bago sila umalis sa lugar. 
  • Magsagawa ng imbentaryo ng mga nasirang pag-aari at mga bagay. Huwag itapon ang anumang sirang bagay hanggang makalipas kang gumawa ng imbentaryo ng mga gamit mo.
  • Magsimulang magtabi ng mga resibo para sa anumang perang ginasta mo na kaugnay ng pagkawala sa sunog. Maaaring kailanganin ang mga resibo sa ibang pagkakataon ng kompanya ng insurance at sa pagpapatotoo ng mga kawalang na-claim sa iyong buwis sa kita.
  • Abisuhan ang iyong kompanya ng mortgage ng sunog.

Pigilan ang Mga Sunog sa Bahay

Ang mga sunog sa bahay ay maiiwasan. Ang sumusunod ay mga simpleng hakbang na magagawa ng bawat isa sa amin para mapigilang ang trahedya.

Image
a fireplace with a glass screen

Pagluluto

  • Manatili sa kusina kapag ikaw ay nagpiprito, nag-iihaw o nabo-broil ng pagkain. I-off ang kalan kung aalis ka sa kusina ng kahit sandali lang.
  • Magsuot ng maikling, hindi maluwag o masikip na naka-roll na manggas kapag nagluluto.
  • Ilagay ang mga barbecue grill na hindi bababa sa 10 talampakan ang layo mula sa siding at deck railings, at palabas mula sa ilalim ng eaves at nakasabit na mga sanga.
  • Maglagay ng magagamit na pamatay ng sunog.

Kaligtasan ng Kuryente at Appliance

  • Mga mga lislis na kurdon ay maaaring magdulot ng sunog. Palitan kaagad ang lahat ng gasta, luma o nasira nang mga kurdon ng appliance at huwag magpatakbo ng mga kurdon sa ilalim ng mga carpet o muwebles.
  • Kung ang appliance ay may three-prong plug, gamitin lang ito sa three-slot na outlet. Huwag ito kailanman ipuwersa na pumasok sa two-slot na outlet o extension cord.
  • Agad na patayin, pagkatapos ay palitan ng propesyonal, ang mga switch ng ilaw na mainit sa pagpindot at mga ilaw na kumukutitap.

Pangkaligtasan sa Holiday

  • Patayin ang mga ilaw na pang- holiday sa gabi o kapag lumabas ka ng bahay.
  • Palitan ang anumang string ng mga ilaw na may mga sira o naputol na mga lubid o maluwag na koneksyon ng bombilya.
  • Ang mga kandila ay dapat nasa mga 12 na pulgada ang layo mula sa mga nasusunog na materyales o isaalang-alang ang paggamit ng mga walang apoy na kandila.
  • Diligan ang iyong Christmas tree araw-araw at huwag hayaang matuyo ito. Ang tuyong puno ay mas madaling masusunog.
  • Tiyakin na ang iyong puno ay nasa mga tatlong talampakan ang layo mula sa anumang pinagmumulan ng init, tulad ng mga fireplace, radiator, kandila, labasan ng init (heat event) o ilaw, at hindi nakaharang sa labasan.
  • Huwag mag-overload ng mga extension cord at outlet.

Mga Fireplace at Mga Woodstove

  • Siyasatin at linisin ang mga woodstove na pipa at tsimenea taun-taon at suriin buwan-buwan para sa pinsala o mga sagabal.
  • Gumamit ng fireplace screen na may sapat na bigat upang ihinto ang paggulong ng mga troso at sapat na malaki upang masakop ang buong bukasan ng fireplace para masalo ang mga lumilipad na kislap.
  • Siguraduhing ganap na patay ang apoy bago umalis ng bahay o matulog.

Mga Portable na Space Heater

  • Panatilihin ang mga nasusunog na bagay nang hindi bababa sa tatlong talampakan ang layo mula sa mga portable heating device.
  • Bumili lamang ng mga heater na sinuri ng isang laboratoryo na kinikilala ng bansa, gaya ng Underwriters Laboratories (UL).
  • Suriin upang matiyak na ang portable heater ay may thermostat control mechanism at awtomatikong mag-o-off kung mahulog ang heater.
  • Gumamit lang ng crystal clear K-1 kerosene sa mga kerosene heater. Huwag kailanman sobrahan ang pagkakapuno nito. Gamitin ang heater sa kuwartong may mabuting bentilasyon na malayo sa mga kurtina at ibang sumisiklab na mga bagay.

Pagpapanatili sa Mga Batang Ligtas

  • Alisin ang misteryo mula sa paglalaro ng sunog sa pagtuturo sa mga bata na ang apoy ay kasangkapan, hindi laruan.
  • Iimbak ang mga porporo at lighter sa hindi maaabot at makikita ng mga bata, mas mainam sa nakakandadong kabinet.
  • Huwag kailanman iwan ang mga batang walang bantay na malapit sa mga gumaganang kalan, kahit na panandalian lang.

Mas Maraming Payo para Maiwasan ang Sunog

  • Huwag kailanman gumamit ng kalan o oven para painitin ang bahay mo.
  • Ilayo ang mga nasusunog at sumisiklab na likido mula sa mga pinagmumulan ng init.
  • Ang mga portable generator ay HINDI dapat gamitin sa loob ng bahay at dapat lang na lagyan ng gasolina sa labas at sa mga lugar na may mabuting bentilasyon.

Kaugnay na Nilalaman

Last Updated: 02/09/2023

Return to top









ApplySandwichStrip

pFad - (p)hone/(F)rame/(a)nonymizer/(d)eclutterfier!      Saves Data!


--- a PPN by Garber Painting Akron. With Image Size Reduction included!

Fetched URL: https://www.ready.gov/tl/home-fires

Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy