Content-Length: 75697 | pFad | https://www.ready.gov/tl/winter-weather

Panahon ng Taglamig | Ready.gov
U.S. flag

An official website of the United States government

Dot gov

Official websites use .gov
A .gov website belongs to an official government organization in the United States.

Https

Secure .gov websites use HTTPS
A lock ( ) or https:// means you’ve safely connected to the .gov website. Share sensitive information only on official, secure websites.

plow clears snow during a storm

Panahon ng Taglamig

Maghanda para sa Panahon ng Taglamig

Manatiling Ligtas Habang Nangyayari

Pangkaligtasan para sa Generator

Kaugnay na Nilalaman

Ang mga bagyo sa taglamig ay lumilikha ng mas mataas na panganib ng mga aksidente sa sasakyan, hypothermia, frostbite, pagkalason sa carbon monoxide, at mga atake sa puso mula sa sobrang pagod. Ang mga bagyo sa taglamig kabilang ang mga bagyong niyebe ay maaaring magdala ng matinding lamig, nagyeyelong ulan, niyebe, yelo at malakas na hangin.

Ang bagyo sa taglamig ay maaaring:

feature_mini img

Tumagal ng ilang oras o ilang araw.

feature_mini img

Putulin ang init, kuryente at mga serbisyo sa komunikasyon.

feature_mini img

Ilagay ang mga matatanda, bata, maysakit na indibidwal at mga alagang hayop sa mas malaking panganib.

Paano Protektahan ang Inyong Sarili mula sa Panahon ng Taglamig

KUNG KAYO AY NASA ILALIM NG BABALA NG BAGYO SA TAGTAGLAMIG, HANAPIN AGAD ANG KANLUNGAN

Alamin ang inyong mga tuntunin sa panahon ng taglamig:

Babala ng Bagyo sa Taglamig

Ibinibigay kapag ang mapanganib na panahon ng taglamig sa anyo ng matinding niyebe, malakas na nagyeyelong ulan, o malakas na ulan ay nalalapit o nagaganap. Karaniwang ibinibigay ang Mga Babala sa Bagyo sa Taglamig 12 hanggang 24 na oras bago ang inaasahang pagsisimula ng kaganapan.

Pagbantay ng Bagyo sa Taglamig

Inaalerto ang publiko sa posibilidad ng bagyong niyebe, matinding niyebe, malakas na nagyeyelong ulan, o malakas na ulan. Ang Pagbabantay ng Bagyo sa Taglamig ay karaniwang ibinibigay 12 hanggang 48 oras bago magsimula ang Bagyo sa Taglamig.

Payo sa Panahon ng Taglamig

Inisyu para sa mga akumulasyon ng niyebe, nagyeyelong ulan, nagyeyelong ambon, at ulang may halong niyebe na magdudulot ng malalaking abala at, kung hindi gagawa ng pag-iingat, ay maaaring humantong sa mga sitwasyong nagbabanta sa buhay.

Alamin ang Inyong Panganib para sa Mga Bagyo sa Taglamig

Bigyang-pansin ang mga ulat ng panahon at mga babala ng nagyeyelong panahon at mga bagyo sa taglamig. Makinig para sa emerhensiyang impormasyon at mga alerto. Mag-sign up para sa sistema ng babala ng inyong komunidad. Ang Emergency Alert System (EAS) o Sistema ng Pang-emerhensiyang Alerto at National Oceanic and Atmospheric Administration (NOAA) Weather Radio ay nagbibigay din ng mga alertong pang-emerhensiya.

Paghahanda para sa Panahon ng Taglamig

Ihanda ang inyong tahanan upang maiwasan ang lamig sa pamamagitan ng pagkakabukod, pag-caulking at pagtatalop ng panahon. Alamin kung paano pigilan ang pagyeyelo ng mga tubo. Mag-install at subukan ang mga smoke alarm at carbon monoxide detector na may mga backup ng baterya. Magtipon ng mga suplay kung sakaling kailanganin ninyong manatili sa bahay ng ilang araw na walang kuryente. Isaisip ang mga partikular na pangangailangan ng bawat tao, kabilang ang gamot. Alalahanin ang mga pangangailangan ng inyong mga alagang hayop. Magkaroon ng mga karagdagang baterya para sa mga radyo at flashlight. Kung hindi ninyo kayang bayaran ang inyong mga gastos sa pagpa-init, weatherization o pagkukumpuni ng bahay na may kaugnayan sa enerhiya, makipag-ugnayan sa Low Income Home Energy Assistance Program (LIHEAP)  para sa tulong.

Kung Sakaling may Emerhensiya

Maging handa para sa panahon ng taglamig sa bahay, sa trabaho at sa inyong sasakyan. Gumawa ng pang-emerhensiya na suplay kit para sa inyong sasakyan. Isama ang mga jumper cable, buhangin, flashlight, maiinit na damit, kumot, de-boteng tubig at hindi nabubulok na meryenda. Panatilihing puno ang buong tangke ng gas.

Manatiling Ligtas sa Panahon ng Taglamig

alert - warning

Iwasan ang pagkalason sa carbon monoxide. Gumamit lamang ng mga generator at grill sa labas at malayo sa mga bintana. Huwag kailanman painitin ang inyong tahanan gamit ang gas stovetop o oven.

  • Lumayo sa mga kalsada kung posible. Kung nakulong sa inyong sasakyan, manatili sa loob.
  • Limitahan ang inyong oras sa labas. Kung kailangan ninyong lumabas, dapat magsuot ng mga pinagsapaw na mainit na damit. Bantayan ang mga palatandaan ng frostbite at hypothermia.
  • Bawasan ang panganib ng atake sa puso sa pamamagitan ng pag-iwas sa sobrang pagod kapag nagpapala ng niyebye at naglalakad sa niyebe.

Alamin ang mga palatandaan ng, at mga pangunahing paggamot para sa, frostbite at hypothermia.

feature img

Ang frostbite ay nagdudulot ng pagkawala ng pakiramdam at kulay sa paligid ng mukha, mga daliri at paa.

  • Mga palatandaan: Pamamanhid, puti o kulay-abo-dilaw na balat, matigas o waxy na balat.
  • Mga Aksyon: Pumunta sa mainit na silid. Magbabad sa maligamgam na tubig. Gamitin ang init ng katawan para magpainit. Huwag magmasahe o gumamit ng heating pad.
feature img

Ang hypothermia ay hindi pangkaraniwang mababang temperatura ng katawan. Ang temperaturang mababa sa 95 degrees ay isang emerhensiya.

  • Mga Palatandaan: Panginginig, pagkahapo, pagkalito, nanginginig na mga kamay, pagkawala ng memorya, mahinang pananalita o inaantok.
  • Mga Aksyon: Pumunta sa mainit na silid. Painitin muna ang gitna ng katawan—dibdib, leeg, ulo at singit. Panatilihing tuyo at nakabalot sa mainit na kumot, kabilang ang ulo at leeg.

Pangkaligtasan para sa Generator

feature_mini img

Maaaring makatulong ang mga generator kapag nawalan ng kuryente. Mahalagang malaman kung paano gamitin ang mga ito nang ligtas upang maiwasan ang pagkalason sa carbon monoxide (CO) at iba pang mga panganib.

  • Ang mga generator at gasoline (fuel) ay dapat palaging gamitin sa labas at hindi bababa sa 20 na talampakan ang layo mula sa mga bintana, pinto at mga nakadikit na garahe.
  • Mag-install ng gumaganang carbon monoxide detector sa bawat antas ng iyong tahanan. Ang carbon monoxide ay walang kulay, walang amoy na gas na maaaring pumatay sa iyo, sa iyong pamilya at mga alagang hayop.
  • Panatilihing tuyo ang generator at protektado mula sa ulan o pagbaha. Ang pagpindot sa basang generator o mga device na konektado sa isa ay maaaring magdulot ng ma-electrical shock.
  • Palaging ikonekta ang generator sa mga appliances na may heavy-duty na extension cord.
  • Hayaang lumamig ang generator bago maglagay ng gasolina ulit nito. Ang gasolina na natapon sa mainit na bahagi ng makina ay maaaring mag-apoy.
  • Sundin ang mga tagubilin ng tagagawa (manufacturer) nang maingat.

Kaugnay na Nilalaman

Last Updated: 04/26/2024

Return to top









ApplySandwichStrip

pFad - (p)hone/(F)rame/(a)nonymizer/(d)eclutterfier!      Saves Data!


--- a PPN by Garber Painting Akron. With Image Size Reduction included!

Fetched URL: https://www.ready.gov/tl/winter-weather

Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy