Tungkol sa vote.gov

Misyon

Ang vote.gov ay ang inyong mapapaniwalaan, mapagkakatiwalaang mapagkukunan para sa impormasyon sa pagboto. Sapagkat ang rehistrasyon ng botante ay nangyayari sa antas ng estado, ang vote.gov ay nagtuturo sa mga Amerikano ng mga panuntunan sa pagpaparehistro para sa kanilang sariling mga estado.

Bilang karagdagan sa pakikipagtambalan sa U.S. Election Assistance Commission (EAC Komisyon sa Tulong sa Eleksyon), ang vote.gov ay hayagang nakikipagtulungan sa mga walang lapian, ikatlong partidong organisasyon gayundin sa mga opisyal ng estado at lokal na eleksyon.

Kasaysayan

Isang koponan ng tauhan ng USA.gov at Presidential Innovation Fellows (sa Ingles)ang bumuo ng vote.gov bilang isang mapagkakatiwalaang online na tool sa rehistrasyon ng botante. Itinatag noong 2016, binibigyang kapangyarihan ng vote.gov ang publiko ng tumpak, napapanahon, at naaaksyunan na impormasyon sa pagboto.

Ngayon, patuloy na pinapahusay ng koponan ng vote.gov ang site upang matugunan ang mga layuning nakabalangkas sa 2021 Ehekutibong Kautusan, Nagsusulong sa Pag-access sa Pagboto (sa Ingles)ni Panuglong Biden. Kasama sa mga layuning ito ang pagpapabuti ng aksesibilidad, pagsasalin ng mga tool ng botante sa mga pangunahing wika, at pagpapahusay ng search functionality sa website.

Magparehistro