Pagmamanupaktura
Ang pagmamanupaktura (Ingles: manufacturing, Kastila: manufactura) ay ang gawain ng pagbago sa hilaw na materyal upang maging magagamit na mga produkto. Kinasasangkutan ito ng paghahanda, paghuhubog at pagbago ng mga materyal sa pamamagitan ng maraming mga paraan, katulad ng paggupit sa hindi kailangang mga piraso, pagpukpok, pagbanat, pagpapa-init, o ginagamitan ng mga kimikal.[1]
Maaaring paraanin sa makinarya sa pabrika ang mga materyal, o sa paraang mekanikal Ang pagmamanupaktura ay may kaugnayan sa mga katagang paggawa,[2] pagyari,[3] pagtahi-tahi, paghalo-halo[4] o pagkatha-katha ng mga produkto[5] na karaniwang ginagawa sa loob ng mga pabrika.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Manufacturing". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977., tomo para sa titik na M, pahina 83.
- ↑ "Laser Marking Machine Manufacturer". Nakuha noong 10 Marso 2023.
- ↑ Blake, Matthew (2008). "Manufacture". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.
- ↑ "Premier Toll Manufacturer". Vitamen Beverage Concept (VBC). 2022-10-27.
- ↑ Gaboy, Luciano L. Manufacture - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Ekonomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.