Kōzan-ji
Ang Kōzan-ji (高山寺), opisyal na tinatawag bilang Toganōsan Kōsan-ji (栂尾山高山寺), ay isang templong Budista ng sektang Omuro ng Budismong Shingon sa Umegahata Toganōchō, Ward ng Ukyō, Kyoto, Hapon. Kilala din ang Kōzan-ji bilang ang Kōsan-ji at Toganō-dera. Itinatag ang templo ng iskolar na monghe na si Myōe (1173 – 1232) at bantog para sa kanilang maraming pambansang mga yaman at mahahalagang pangkalinangang pagmamay-ari.[1] Kabilang ang Chōjū-jinbutsu-giga, isang grupo ng mga pintang tinta mula noong ika-12 at ika-13 dantaon, sa pinakamahalagang mga yaman ng Kōzan-ji.[2] Nagbubunyi ang templo para sa Biyakkōshin, Zenmyōshin at Kasuga Myōjin, gayon din sa tagapagturo ng templo na diyos na Shintō. Noong 1994, nakarehistro ito bilang bahagi ng Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO na "Makasaysayang mga Bantayog ng Sinaunang Kyoto".[2]
Kasaysayan
baguhinAng Togano, na matatagpuan sa pusod ng mga bulubundukin sa likod ng templo ng Jingo-ji, na sikat sa kanilang mga dahon ng taglagas, ay tinuturing na isang mainam na lugar para sa asetisismo sa bundok, at mayroon nang maraming mga maliit na templo sa lugar sa tinagal ng panahon. Karagdagan sa Kosan-ji, mayroon ibang mga templo sa lugar, tulad ng Toganoo-ji (度賀尾寺) at Toganoo-bō (都賀尾坊). Sang-ayon sa alamat, may sinasabing na itinatag ito sa pamamagitan ng mga utos ng imperyo na galing kay Emperador Kōnin noong 774, bagaman, ang katumpakan ng mga sabi-sabi na ito ay hindi malinaw.
Noong 1206, si Myōe, isang Budistang paring Kegon na nagsisilbi sa katabing Jingo-ji, ay nagawaran ng lupain upang itayo ang isang templo ni Emperador Go-Toba. Pinili niya ang pangalang Hiidetemazukousanwoterasuyama-no-tera (日出先照高山之寺). Kinuha ang pangalan ng templo mula sa isang linya sa Avatamsaka sutra: "Kapag lumitaw ang araw, unang sumisinag ito sa pinakamataas na bundok." (日、出でて、まず高き山を照らす hi, idete, mazu takakiyama wo terasu).
Nawasak ng maraming beses ang templo ng sunog at digmaan. Ang pinakalumang nanatiling gusali ay ang Sekisui-in (石水院), na nagmula pa noong Panahong Kamakura (1185–1333).
Pagkakaayos
baguhinNasa Jingo-ji ang isang balangkas ng Kōzan-ji na ginuhit noong 1230, mga 20 taon pagkatapos ito itinayo. Nakarehistro ang balangkas bilang isang mahalagang pangkalinangang pagmamay-ari, dahil ipinapakita nito ang orihinal na pagkakaayos ng templo. Mula sa balangkas, malalaman na ang Kōzan-ji ay orihinal na binubuo ng isang malaking tarangkahan, isang pangunahing bulwagan, isang pagoda na may tatlong palapag, isang bulwagang handog kay Amitabha, isang toreng kampana, isang bulwagan para sa banal na kasulatan, at isang dambanang Shinto na inihandog sa tagapagturong diyos ng lugar. Bagaman, lahat ng mga gusaling ito ay nawasak na, maliban sa bulwagan ng banal na kasulatan, na kilala na ngayon bilang Sekisui-in.
Karagdagan sa Sekisui-in, naglalaman ngayon ang Kōzan-ji ng isang pangunahing bulwagan (orihinal na bahagi ng Ninna-ji, na muling nalipat sa Kōzan-ji) at isang bulwagan na inihandog sa tagapagtatag ng templo, na naroon ang isang mahalagang inukit na bustong kahoy ng Myōe. Bagaman, parehong makabagong muling konstruksyon ang mga gusaling ito.
Pagmamay-ari pangkalinangan
baguhinNasa templo ang maraming Pambansang Kayamanan at Mahahalagang Pangkalinangang Pagmamay-ari, bagaman, ang karamihan sa mga ito ay kasalukuyang hiniram sa pambansang mga museo sa Kyoto at Tokyo.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Myōe". Encyclopedia of Japan (sa wikang Ingles). Tokyo: Shogakukan. 2012. OCLC 56431036. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-08-25. Nakuha noong 2012-06-03.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 "Kōzanji". Encyclopedia of Japan (sa wikang Ingles). Tokyo: Shogakukan. 2012. OCLC 56431036. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-08-25. Nakuha noong 2012-06-03.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)