Mga Negrito

(Idinirekta mula sa Negrito)

Ang mga Negrito sa Pilipinas, ayon kay H. Otley Beyer, ang sinasabing unang pangkat na dumating sa kapuluan ng Pilipinas noong mga may 20,000 na taon na ang nakararaan. Diumano, pinaniniwalaang ring nanggaling sila sa Borneo at naglakad at tumawid sa pamamagitan ng mga tulay na lupa para marating ang Palawan, Mindoro at ilang bahagi ng Mindanao. Bagaman isa ito sa mga pinaniniwalaan, may mga pag-aaral na nagsasabing maaaring may iba pang nauna kesa mga Negrito. Kabilang sa mga pinakamatandang katibayan ang tao sa Tabon, kung kaya't may mga naniniwalang hindi mga Negrito ang naunang taong namuhay sa Pilipinas. Ngunit hindi pa rin natitiyak kung kailan talaga dumating ang mga Negrito sa kapuluan. Isa sa mga dating sapantaha ang naglalahad na nakarating sa Pilipinas ang Negrito noong huling panahon ng tag-ginaw (mga 30,000 taon hanggang 18,000 taon sa nakaraan), kung kailan bumabaw ang mga karagatan kaya't nakalakad ang mga tao sa lupang lumitaw mula Biyetnam, Indonesya at Malaysia. Ito ang sinapantaha sapagkat pinaniniwalaang hindi marunong ang mga Negrito sa larangan ng pamamangka at paglalakbay sa mga katubigan, partikular na sa mga karagatan, bagaman may mga ginawang paghahambing sa pagitan ng mga Negrito at ng mga aboriheno ng Bagong Guinea at Melanesya.[1] Sapagkat marunong gumamit ng palakol at askarol (batong pinatulis) ang mga tinutukoy na aboriheno, at may kaalaman din sa pamamangka, nagkaroon ng mga katanungan kung naging marunong din sa ganitong mga gawain ang mga Negrito. Subalit nagkaroon ng mga suliranin sa paghanap ng mga sinauna nilang kagamitang yari sa mgabato o mga katulad mula sa mga kasukalan ng mga kagubatan. Nalalaman lamang na may gawi silang nomadiko o palabuy-laboy, pagala-gala, at palipat-lipat ng mga pook, wala silang permanenteng tirahan, kahit man mga libingan ng mga namatay na kauri.[1]

Negrito
Mga rehiyong may malaking bilang nila
 India
(Kapuluan ng Andaman at Nicobar)
 Malaysia
(Peninsular Malaysia)
 Pilipinas
(Luzon, Palawan, Panay, Negros, at Mindanao)
 Thailand
(Southern Thailand)
Wika
Wikang Andamanese, Wikang Aslian, Wikang Nicobarese, Philippine Negrito languages
Relihiyon
Animism, folk religions
Isang makabagong larawan ng isang batang babaeng Ita, isang Negrito.
Isang lumang larawan ng isang batang babaeng Negrito. Kuha noong 1901.

Pinagmulan ng salita

baguhin

Hinango ang salitang Negrito mula sa Kastilang negro, at nangangahulugang "maliit na taong maitim", na tumutukoy sa kanilang maliit na pangangatawan. Ginamit ito ng unang mga eksplorador na Europeano na sinapantahang nanggagaling ang mga Negrito mula sa Aprika. Kung minsan, tinataguriang mga pigmi (mula sa salitang pygmy ng Ingles), na nagkukumpolsa kanila sa mga mamamayang may katulad na kayariang pangkatawan sa Gitnang Aprika. Gayon din, minsan ding ginagamit ang salitang Negrito sa mga pigming Aprikano.[2] Kung minsan pa rin, ginagamit din ang salitang Negroid para tukuyin ang mga pangkat na ito, partikular na sa kanilang panlabas na kaanyuhang pisikal, katulad ng buhok at kulay ng balat. Ayon kay James J.Y. Liu, isang propesor na panitikang hambingan (literaturang komparatibo), tumutukoy ang terminong Intsik na Kun-lun (Tsino: 崑崙) sa mga Negrito.[3]

Tumutukoy din ang katawagang Negrito sa ilang mga pangkat etnikong nasa mga hiwa-hiwalay na mga bahagi ng Timog-Silangang Asya.[4] Kabilang sa kanilang pangkasalukuyang populasyon ang mga Aeta, Agta, Ayta, Ati, Dumagat at mga may 25 iba pang mga tribo sa Pilipinas; maging sa mga Semang tangway ng Malay, sa mamamayang Mani ng Thailand at 12 mga tribong Andamanes ng Kapuluang Andaman ng Indiya.

Paglalarawan

baguhin
 
Andaman Onge

Maliliit lamang ang mga Negrito sa Pilipinas. May mga Negritong umaabot lamang ang taas sa apat na talampakan. Maitim ang kanilang balat, pango ang mga ilong, makakapal ang mga labi at kulot na kulot ang maiitim na mga buhok. Bagaman walang katibayan kung ano ang mga pinakasinaunang kagamitan at kasangkapan ng mga sinaunang mga Negrito sa Pilipinas, kabilang sa mga kamakailang gamit ng mga pangkasulukuyang Negrito ang mga sumpit, busog, pana, at mga kagamitang gawa sa bato.[1]

Sa Pilipinas, iilan na lamang ang natitirang kapangkatan ng mga Negrito. Nilalarawang wala silang tunay na tribo, kundi mayroon silang mga pagsasama-samang kaangkanan lamang. Kabilang sa mga ito ang mga Aeta ng Sambales, Kagayan at Isabela, ang mga Agta, Arya, Ata at Ati ng Panay at Negros, ang mga Baluga, ang mga Batak ng Palawan at ang Mamanuwa ng Mindanaw. Tinawag na Negros ang pook na Negros sapagkat napakarami ng bilang ng mga Negrito doon noong kapanahunan ng pagsapit ng mga Kastila sa Pilipinas. Tinawag namang Panay ang pook na Panay dahil sa katawagan ng mga Negrito sa isang halaman, ang aninipay.[1]

Bagaman pagalagala ang karamihan sa mga Negrito, mayroon ding tumigil sa mga yungib at sa gilid ng mga bundok, ang dahilan kung bakit tinawag din silang mga taong-bundok. Mayroon namang mga gumamit ng mga pansamantalang tahanang yari sa mga sanga at dahon ng mga punongkahoy. Palipat-lipat sila ng tirahan upang humanap ng mga makakain. Nangangalap sila ng mga prutas, halamang-ugat, at anumang halamang maaaring kainin. Umasa rin sila sa kanilang kapaligiran kung kaya't nangisda at nangaso sila.[1]

Sa sari-saring mga pook sa Pilipinas, iba't iba ang naging mga katawagan para sa mga Negrito. Kabilang na nga rito ang mga katagurian sa Luzon na Aeta, Ita, Dumagat, Agta, Abian, Baluga, Remontado, at Pugot sa Luzon. Partikular sa Gitnang Luzon, ang pagtawag sa kanila bilang mga Aeta, Ita, at Baluga. Sa Siyera Madre kilala sila bilang Dumagat, Agta, Remontado, at Pugot. Sa pulo ng Panay, mas kilala sila bilang mga Ati, ang pinagmulan ng pagdiriwang na Ati-Atihan. Sa Gitnang Kabisayaan, kilala sila sa katawagang Ata, samantalang Mamanwa naman sa Samar at Leyte. Mayroon ding mga Negrito sa Mindanaw, partikular na sa mga lalawigan ng Surigaw at Hilagang Dabaw. Sa Surigao, kilala sila bilang ang mga Mamanwa, at Ata naman sa Hilagang Dabaw. Magkakaiba ang mga gawi ng bawat pangkatin ng mga Negrito: nilalarawang mapupusok ang mga Aeta ng Kagayan at Isabela; "kimi, maraming mga bulaklak sa katawan, at patagu-tago" ang mga Batak sa Palawan. Tinatayang maaaring magkakahiwalay at magkakaiba ang panahon ng pagdating nila sa Pilipinas, at "daan-daan o libu-libong taon ang pagitan" ang pagitan ng mga kapanahunang ito.[1]

Kayariang henetika

baguhin
 
Kinakalkula ang PCA sa mga populasyon ng Eurasian, kabilang ang mga sample ng Negrito. Ang mga sinaunang at modernong Negrito ay nakaposisyon sa kahabaan ng isang cline sa pagitan ng mga East Asian at Papuans, na hindi bumubuo ng isang grupo ng populasyon.
 
Kinakalkula ang PCA sa kasalukuyan at sinaunang East-Eurasian at Australasian na mga indibidwal. Ang PC1 (23,8%) ay nakikilala ang mga East-Eurasian at Australo-Melanesians, habang ang PC2 (6,3%) ay nag-iiba ng East-Eurasians kasama ang isang North-to-South cline. Ang mga sample ng Negrito ay nakaposisyon sa kahabaan ng isang cline sa pagitan ng mga grupo ng Southern East Asian at Papuans. Ang isang Holocene hunter-gatherer sample (Leang Panninge) ng Southern Sulawesi ay natagpuang may humigit-kumulang 50% Basal-East Asian ancestry at 50% Papuan-related ancestry.

Batay sa pinaghihinalaang pisikal na pagkakatulad, ang mga Negrito ay minsang itinuring na iisang populasyon ng malapit na magkakaugnay na mga tao. Gayunpaman, ipinakita ng mga pag-aaral ng genetic na sila ay nakaposisyon sa isang cline sa pagitan ng mga pangkat na nauugnay sa Silangang Asya at mga pangkat na nauugnay sa Papuan, na nagmumungkahi na binubuo sila ng ilang magkakahiwalay na grupo, pati na rin ang pagpapakita ng genetic heterogeneity. Ang mga ito ay higit na pinalitan o hinihigop sa mga mamamayang Austronesian o bumuo ng mga grupong minorya sa mga rehiyong nakabukod sa heograpiya. Natuklasan ng ilang kamakailang pag-aaral na ang iba't ibang grupo na inuri bilang Negrito, ay umiiral sa isang cline sa pagitan ng mga East Asian at Papuans. Napag-alaman na ang mga taong Andamanese ay kalakhan ng "Basal-East Asian ancestry" at pinakamalapit sa kontemporaryong East Asian, kabilang ang mga sinaunang East Asian sample, gaya ng taong Tianyuan ng hilagang China, habang malinaw na naiiba sa mga Papuan. Ang mga populasyong nauugnay sa Silangang Asya at mga pangkat na nauugnay sa mga Papuans ay tinatayang nahati sa isa't isa noong 58,000BC.[5][6][7][8]

Ang ilang mga pag-aaral ay nagmungkahi na ang bawat grupo ay dapat isaalang-alang nang hiwalay, dahil pinabulaanan ng genetic na ebidensya ang paniwala ng isang partikular na ibinahaging ninuno sa pagitan ng mga grupong "Negrito" ng Andaman Islands, Malay Peninsula, at Pilipinas.[9]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 "Negrito", Hindi ba Negrito ang unang tao sa Pilipinas?, Ang Unang Tao, Elaput.org
  2. Encyclopædia Britannica, ika-11 edisyon, 1910–1911: "Second are the large Negrito family, represented in Africa by the dwarf-races of the equatorial forests, the Akkas, Batwa, Wochua and others..." (p. 851)
  3. Liu, James J.Y. The Chinese Knight Errant. London: Routledge at Kegan Paul, 1967 (ISBN 0-226-48688-5)
  4. Snow, Philip. The Star Raft: China's Encounter With Africa. Palimbagan ng Pamantasang Cornell, 1989 (ISBN 0-8014-9583-0)
  5. Carlhoff, Selina; Duli, Akin; Nägele, Kathrin; Nur, Muhammad; Skov, Laurits; Sumantri, Iwan; Oktaviana, Adhi Agus; Hakim, Budianto; Burhan, Basran; Syahdar, Fardi Ali; McGahan, David P. (2021). "Genome of a middle Holocene hunter-gatherer from Wallacea". Nature. 596 (7873): 543–547. doi:10.1038/s41586-021-03823-6. ISSN 0028-0836. PMC 8387238. PMID 34433944. The qpGraph analysis confirmed this branching pattern, with the Leang Panninge individual branching off from the Near Oceanian clade after the Denisovan gene flow, although with the most supported topology indicating around 50% of a basal East Asian component contributing to the Leang Panninge genome (Fig. 3c, Supplementary Figs. 7–11).
  6. Larena M, Sanchez-Quinto F, Sjödin P, McKenna J, Ebeo C, Reyes R, et al. (March 2021). "Multiple migrations to the Philippines during the last 50,000 years". Proceedings of the National Academy of Sciences of the United States of America. 118 (13): e2026132118. doi:10.1073/pnas.2026132118. PMC 8020671. PMID 33753512.
  7. Larena M, McKenna J, Sanchez-Quinto F, Bernhardsson C, Ebeo C, Reyes R, et al. (October 2021). "Philippine Ayta possess the highest level of Denisovan ancestry in the world". Current Biology. 31 (19): 4219–4230.e10. doi:10.1016/j.cub.2021.07.022. PMC 8596304. PMID 34388371.
  8. Genetics and material culture support repeated expansions into Paleolithic Eurasia from a population hub out of Afri, Vallini et al. 2021 (October 15, 2021) Quote: "Taken together with a lower bound of the final settlement of Sahul at 37 kya (the date of the deepest population splits estimated by 1) it is reasonable to describe Oceanians as an almost even mixture between East Asians and a basal lineage, closer to Africans, which occurred sometimes between 45 and 37kya."
  9. Catherine Hill; Pedro Soares; Maru Mormina; Vincent Macaulay; William Meehan; James Blackburn; Douglas Clarke; Joseph Maripa Raja; Patimah Ismail; David Bulbeck; Stephen Oppenheimer; Martin Richards (2006), "Phylogeography and Ethnogenesis of Aboriginal Southeast Asians" (PDF), Molecular Biology and Evolution, 23 (12): 2480–91, doi:10.1093/molbev/msl124, PMID 16982817, archived from the original (PDF) on 9 April 2008
pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy