2019
Itsura
Dantaon: | ika-20 dantaon - ika-21 dantaon - ika-22 dantaon |
Dekada: | Dekada 1980 Dekada 1990 Dekada 2000 - Dekada 2010 - Dekada 2020 Dekada 2030 Dekada 2040
|
Taon: | 2016 2017 2018 - 2019 - 2020 2021 2022 |
Ang 2019 (MMXIX) ay isang karaniwang taon na nagsisimula sa Martes sa kalendaryong Gregoryano, ang ika-2019 taon sa mga pagtatalagang Karaniwang Panahon at Anno Domini (AD), ang ika-19 na taon sa ika-3 milenyo, ang ika-19 na taon ng ika-21 dantaon, at ang ika-10 at huling taon ng dekada 2010.
Itinalaga ang 2019 bilang Internasyunal na Taon ng Talaang Peryodiko ng mga Elemento ng Pangkalahatang Pagpupulong ng Mga Nagkakaisang Bansa[1] na binigay na natuon sa ika-150 amibersaryo ng pagkakalikha nito ni Dmitri Mendeleev noong 1869.
Kaganapan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Enero
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Enero 1
- Nagawa ng New Horizons ang malapit na paglapit sa bagay ng Sinturon ng Kuiper na 486958 Arrokoth sa ganap na 05:33 UTC.
- Nagsimula si Jair Bolsonaro sa kanyang apat-na-taong termino bilang Pangulo ng Brazil.
- Tumiwalag ang Qatar mula sa OPEC.
- Naging ligal na sa Austrya ang kasalan ng magkaparehong kasarian.[2]
- Pumasok na ang mga gawa na nalathala ng mga may-akda na namatay noong 1948 sa publikong dominyo sa maraming mga bansa. Sa Estados Unidos, pumasok na sa publikong dominyo ang lahat ng mga gawa na nailathala noong 1923, ang unang pagpasok ng mga nilathalang gawa sa publikong dominyo simula noong 1998.
- Enero 3 – Ang Tsinong pansiyasat na Chang'e 4 ay naging unang artipisyal na bagay na lumapag sa lupain sa malayong banda ng Buwan.[3]
- Enero 5 – Naglabas si Bartolome I ng Konstantinopla ng isang pormal na kasunduan na nagbibigay ng kalayaan sa Ortodoksong Simbahan ng Ukraine mula sa Rusong Ortodoksong Simbahan.[4]
Pebrero
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Pebrero 3 – Dumating si Papa Francisco sa Abu Dhabi, Nagkakaisang Arabong Emirato, na naging unang papa na bumisita sa Tangway ng Arabia.[5]
Marso
[baguhin | baguhin ang wikitext]Abril
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Abril 2 – Nagbitiw si Abdelaziz Bouteflika bilang Pangulo ng Algeria sa gitna ng malawakang protesta, pagkatapos ng dalawang dekada sa puwesto.[7]
- Abril 10
- Ipinabatid ng mga siyentipiko mula sa proyektong Teleskopyong Event Horizon ang kauna-unahang imahe ng isang itim na butas, na matatagpuan sa gitna ng galaksiyang M87.[8][9]
- Natagpuan ang mga piraso ng posil sa Kuweba ng Callao sa Pilipinas na hinayag ang pagkakaroon ng isang bagong espesye ng tao, ang Homo luzonensis. Ipinangalan ang espesye sa pulo ng Luzon, kung saan natuklasan ang mga posil.[10]
- Abril 26 – Nailabas ang Avengers: Endgame sa mga sinehan, na binasag ang maraming tala sa takilya, kabilang ang pagiging pinakamabentang pelikula sa lahat ng panahon.
Mayo
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Mayo 17 – Ang parlamento ng Taiwan ay naging unang sa Asya na ginawang ligal ang kasalan ng magkaparehong kasarian.[11]
- Mayo 27 – Si Pangulong Donald Trump ng Estados Unidos, noong opisyal na estadong pagbisita sa Hapon, ay naging unang banyagang pinuno na nakipagpulong sa emperador ng Hapon na si Naruhito.[12]
Hunyo
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Hunyo 3 – Masaker sa Khartoum: Higit sa 100 katao ang pinatay nang sinalakay at bukas na pinaputok ng mga tropang Sudanes at milisyang Janjaweed ang kampo ng nagproprotesta sa labas ng isang punong-himpilan ng militar sa Khartoum, Sudan.[13]
- Hunyo 11 – Hindi na ginawang krimen ang homoseksuwalidad sa Botswana.[14]
Hulyo
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Hulyo 2 – Isang buong eklipse ng araw ang naganap sa Timog Amerika. Ito ang ika-58 eklipse ng araw mula sa siklo 127 ng Saros.[15][16]
- Hulyo 17 – Idineklera ng Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan na ang epidemya ng Kivu Ebola ay isang publikong emerhensiya sa kalusugan na may internasyunal na pag-aalala.[17]
- Hulyo 24 – Naging Punong Ministro ng Reino Unido si Boris Johnson pagkatapos talunin si Jeremy Hunt sa isang paligsahang sa pagkapinuno, na humalili kay Theresa May.[18]
- Hulyo 30 – Ipinagbawal ng Indya ang tripleng talaq.[19]
Agosto
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Agosto 10 – Namatay ang 32 at 1,000,000 nilikas habang dumaan sa kalupaan ang Bagyong Lekima sa Zhejiang, Tsina. Noong nakaraang mga araw, nagdulot ito ng mga pagbaha sa Pilipinas kung saan kilala ito bilang Bagyong Hanna.[20]
- Agosto 12 Mga protesta sa Hong Kong ng 2019-20: Nagsara ang Internasyunal na Paliparan ng Hong Kong dahil sa mga protesta.[21]
Setyembre
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Setyembre 6 – Ang Chandrayaan-2, ang ikalawang pansiyasat ng buwan ng Indya, ay matagumpay na nailagay sa orbita ng buwan, ngunit bumagsak sa ibabaw ng buwan ang lander na Vikram.[22]
- Setyembre 27 – 500,000 katao ang nagmartsa sa isang protesta sa pagbabago ng klima na pinamunuan ng aktibistang si Greta Thunberg at Punong Minstrong Justin Trudeau sa Montreal, Kanada.[23] 4,000,000 naman ang nagpatuloy na magwelga sa buong mundo.[24]
- Setyembre 30 – Nangako ang Republika ng Irlanda na magtatanim ng 440 milyong puno sa loob ng dalawampung taon upang labanan ang pagbabago ng klima.[25]
Oktubre
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Oktubre 2 – Labis na nasunog ang temang parke sa Lungsod ng Pasay, Pilipinas na Star City na hinihinalang dulot ng sadyang panununog o ng sirang sistemang elektrikal.[26]
- Oktubre 12 – Dumaan sa kalupaan ng Hapon ang Bagyong Hagibis, ang pinakamalaking bagyong tumama sa rehiyon sa mga nakaraang dekada, na may higit sa pitong milyong katao ang hinimok na lumikas.[27]
- Oktubre 30
- Ipinagbawal ng websayt na social media na Twitter ang lahat ng patalastas pampolitika sa buong mundo.[28]
- Niyanig ng isang lindol na nasa 6.5. Mw ang pulo ng Mindanao sa Pilipinas na nangyari dalawang araw pagkatapos ng isang lindol na kinitil ang hindi bababa sa lima at inilikas ang tinatayang 12,000 katao.[29]
- Oktubre 31 – Winasak ng isang sunog ang 500-taong gulang Kastilyong Shruri sa bansang Hapon na isang Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO.[30]
Nobyembre
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Nobyembre 14 – Nagdeklara ang Italya ng isang estado ng emerhensiya sa Venice kasunod ng pagbaha.[31]
- Nobyembre 23 – Namatay na ang huling kilalang rhinoceros ng Sumatra sa Malaysia.[32]
- Nobyembre 30 – Disyembre 11 – Naganap ang Palaro ng Timog Silangang Asya 2019 sa Pilipinas.
Disyembre
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Disyembre 1 – Pandemya ng COVID-19: Nalaman ang unang kaso ng Coronavirus disease 2019', sa Wuhan, Hubei, Tsina.[33][34]
- Disyembre 2 – Tumama ang Bagyong Kammuri (lokal an pangalan: Tisoy) sa Pilipinas, na nagdulot ng paglikas ng 200,000 katao, subalit walang naiulat na nasugatan o may seryosong pagkasira.[35]
- Disyembre 10 – si Sanna Marin ay nanumpa na bilang Punong Ministro ng Finland.
- Disyembre 19 – Hinatulan ng isang korte sa Pilipinas sina Andal Ampatuan Jr., Zaldy Ampatuan na kanyang kapatid at 31 iba pa kabilang ang tatlong kasapi ng angkan ng Ampatuan, ng 57 bilang ng pagpatay at sinentensyahan sila sa habang-buhay na pagkakabilanggo na walang parol para sa kanilang ginampanan sa masaker sa Maguindanao.[36][37]
- Disyembre 31 – Pandemya ng COVID-19: Ang unang mga ulat na malawak na lumalaganap na may pagsiklab ng isang novel coronavirus sa Wuhan, ang ika-9 na pinakamataong lungsod sa Tsina.[34]
Kamatayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Enero 7 – Carmencita Reyes, politikong Pilipino (ipinanganak 1931)[38]
- Enero 19 – Henry Sy, maimpluwensyang negosyanteng Tsino-Pilipino (ipinanganak 1924)[39]
- Enero 29 – James Ingram, Amerikanong musikero ng R&B (ipinanganak 1952)[40]
- Pebrero 7 – Albert Finney, Ingles na aktor (ipinanganak 1936)[41]
- Pebrero 9 – Bentong, komedyanteng Pilipino (ipinanganak 1964)[42]
- Pebrero 11 – Armida Siguion-Reyna, Pilipinong mang-aawit, artista at prodyuser (ipinanganak 1930)[43]
- Pebrero 19 – Karl Lagerfeld, Alemang nagdidisenyo ng moda (ipinanganak 1933)[44]
- Marso 9
- Bernard Binlin Dadié, Ivoriyanong nobelista at manunulat ng dula (ipinanganak 1916)[45]
- Chokoleit, artistang Pilipino (ipinanganak 1970)[46]
- Marso 24 – Reynaldo Aguinaldo, politikong Pilipino (ipinanganak 1946)[47]
- Abril 17 – Alan García, Perubiyanong abogado at politiko, ika-61 at ika-64 na Pangulo ng Peru (ipinanganak 1949)[48][49]
- Mayo 13 – Doris Day, Amerkanong aktres at mang-aawit (ipinanganak 1922)[50]
- Mayo 16 – I. M. Pei, Tsino-Amerikanong arkitekto (ipinanganak 1917)[51]
- Mayo 24 – Murray Gell-Mann, Amerikanong pisikong Nobel (ipinanganak 1929)[52]
- Mayo 26 – Prem Tinsulanonda, politikong taga-Thailand, ika-15 na Punong Ministro ng Thailand (ipinanganak 1920)[53]
- Hunyo 17 – Mohamed Morsi, ika-5 Pangulo ng Ehipto (ipinanganak 1951)[54]
- Hunyo 20 – Eddie Garcia, Pilipinong artista, direktor at personalidad sa telebisyon (ipinanganak 1929)[55]
- Agosto 16 – Peter Fonda, Amerikanong aktor (ipinanganak 1940)[56]
- Setyembre 2 – Gyoji Matsumoto, putbolistang Hapones (ipinanganak 1934)[57]
- Setyembre 6 – Robert Mugabe, unang Punong Ministro at ikalawang Pangulo ng Zimbabwe (ipinanganak 1924)[58]
- Setyembre 26 – Jacques Chirac, ika-84 na Punong Ministro at ika-22 Pangulo ng Pransya (ipinanganak 1932)[59][60]
- Oktubre 26 – Robert Evans, Amerikanong prodyuser ng pelikula at ehekutibo ng istudyo (ipinanganak 1930)[61]
- Nobyembre 12 – Mitsuhisa Taguchi, putbolistang Hapon (ipinanganak 1955)[62]
- Nobyembre 28 – Pim Verbeek, putbolista at tagapamahalang Olandes (ipinanganak 1956)[63]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "The United Nations proclaims the international year of the periodic table of chemical elements". iupac.org (sa wikang Ingles).
- ↑ "Austria: Same-Sex Couples Allowed to Get Married Starting January 2019". Library of Congress (sa wikang Ingles). Disyembre 12, 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 25, 2018. Nakuha noong Marso 28, 2019.
- ↑ Moss, Trefor (Enero 3, 2019). "China Lands Probe on the 'Dark Side' of the Moon". The Wall Street Journal (sa wikang Ingles). Nakuha noong Enero 3, 2019.
- ↑ "Ukraine Orthodox Church granted independence from Russian Church". BBC (sa wikang Ingles). Enero 5, 2019. Nakuha noong Enero 8, 2019.
- ↑ "Pope Francis Makes 'Historic' Gulf Tour Amid Yemen Crisis and Christian Repression". The New York Times (sa wikang Ingles). Pebrero 3, 2019. Nakuha noong Pebrero 5, 2019.
- ↑ "Islamic State group defeated as final territory lost, US-backed forces say", BBC News (sa wikang Ingles), Marso 23, 2019, nakuha noong Marso 23, 2019
- ↑ "Algerian president Abdelaziz Bouteflika resigns after 20 years". The Guardian (sa wikang Ingles). Abril 2, 2019. Nakuha noong Abril 2, 2019.
- ↑ "Astronomers capture first image of a black hole". EurekAlert!. April 10, 2019. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobiyembre 30, 2020. Nakuha noong Abril 10, 2019.
{{cite web}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong) - ↑ "First ever black hole image released". BBC News (sa wikang Ingles). Abril 10, 2019. Nakuha noong Abril 10, 2019.
- ↑ Zimmer, Carl (Abril 10, 2019). "A New Human Species Once Lived in This Philippine Cave - Archaeologists in Luzon Island have turned up the bones of a distantly related species, Homo luzonensis, further expanding the human family tree". The New York Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong Abril 10, 2019.
- ↑ "Taiwan gay marriage: Parliament legalises same-sex unions". BBC News (sa wikang Ingles). Mayo 17, 2019. Nakuha noong Mayo 17, 2019.
- ↑ "The Latest: Trump to meet Japan's emperor, talk with Abe". Associated Press (sa wikang Ingles). Mayo 26, 2019.
- ↑ "35 dead as Sudan troops move against democracy protesters". Associated Press (sa wikang Ingles). Hunyo 3, 2019.
- ↑ "Botswana decriminalises homosexuality". BBC News (sa wikang Ingles). Hunyo 11, 2019.
- ↑ NASA - Total Solar Eclipse of 2019 July 02 (sa wikang Ingles), Enero 29, 2018, nakuha noong Disyembre 29, 2018
- ↑ "Total solar eclipse graces South American skies". Axios (sa wikang Ingles). Hulyo 2, 2019.
- ↑ "DR Congo Ebola declared public health emergency", BBC News (sa wikang Ingles), Hulyo 17, 2019, nakuha noong Hulyo 17, 2019
- ↑ "Boris Johnson becomes UK's new prime minister", BBC News (sa wikang Ingles), Hulyo 24, 2019, nakuha noong Hulyo 24, 2019
- ↑ "History is written, India bans Triple talaq", India Today (sa wikang Ingles), nakuha noong Agosto 6, 2019
- ↑ "Devastating photos show the damage of Typhoon Lekima, which left at least 32 people dead and forced 1 million to evacuate in China", Business Insider (sa wikang Ingles), nakuha noong August 11, 2019
- ↑ "Hong Kong airport cancels Monday flights amid sit-in protest", Al Jazeera.com (sa wikang Ingles), Agosto 12, 2019, nakuha noong Agosto 12, 2019
- ↑ Morgan McFall Johnsen; Dave Mosher (Setyembre 6, 2019), "India lost contact with its moon lander, and an astronomer thinks the spacecraft crashed into the lunar surface", Business Insider (sa wikang Ingles), nakuha noong Setyembre 6, 2019
- ↑ "As it happened – 500,000 in Montreal climate march led by Greta Thunberg", Montreal Gazette (sa wikang Ingles), Setyembre 28, 2019, nakuha noong Setyembre 28, 2019
- ↑ Umair Irfan (Setyembre 28, 2019), "Kids around the world are striking again for the climate. They aren't giving up.", Vox (sa wikang Ingles), nakuha noong Setyembre 27, 2019
- ↑ Trevor Nace (Setyembre 30, 2019), "Ireland Commits To Plant 440 Million Trees To Help Tackle Climate Change", Forbes (sa wikang Ingles)
- ↑ "Massive damage to Star City after hours-long blaze". cnn (sa wikang Ingles). 2019-10-02. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-09-23. Nakuha noong 2021-03-25.
- ↑ "Typhoon Hagibis: Biggest Japan storm in decades makes landfall". BBC News (sa wikang Ingles). Oktubre 12, 2019. Nakuha noong Oktubre 12, 2019.
- ↑ "Twitter bans all political advertising", BBC News (sa wikang Ingles), Oktubre 30, 2019, nakuha noong Oktubre 30, 2019
- ↑ Gutierrez, Jason (2019-10-31). "Philippines Struck by Second Big Earthquake in Three Days". The New York Times (sa wikang Ingles). ISSN 0362-4331. Nakuha noong 2021-03-25.
- ↑ "Fire at Shuri Castle, a world heritage site" (sa wikang Ingles). NHK. Oktubre 31, 2019. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 30, 2019. Nakuha noong Oktubre 31, 2019.
- ↑ Italia decreta el estado de emergencia en Venecia por inundaciones Milenio, Nobyembre 14, 2019 (sa Italyano)
- ↑ "Malaysia's last known Sumatran rhino dies". BBC News. Nobyembre 23, 2019. Nakuha noong Nobyembre 23, 2019.
- ↑ 34.0 34.1 McMullen, Jane (Enero 25, 2021). "Covid-19: Five days that shaped the outbreak". BBC News (sa wikang Ingles). BBC. Nakuha noong Enero 25, 2021.
- ↑ Typhoon hits Philippines, disrupting travel, work Reuters, Disyembre 2, 2019 (sa Ingles)
- ↑ "Ampatuan brothers convicted in 10-year massacre case". Rappler. Disyembre 19, 2019.
- ↑ "Maguindanao : Philippine family clan members guilty of massacre". BBC News (sa wikang Ingles). Disyembre 19, 2019.
- ↑ Cepeda, Mara (2019-01-08). "Marinduque Governor Carmencita Reyes dies at 87". Rappler (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-11-08. Nakuha noong 2021-08-16.
- ↑ News, Katrina Domingo, ABS-CBN. "Retail tycoon Henry Sy Sr passes away". ABS-CBN News (sa wikang Ingles).
{{cite web}}
:|last=
has generic name (tulong)CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ "James Ingram, Grammy-Winning R&B Singer, Dies at 66". The Hollywood Reporter (sa wikang Ingles).
- ↑ "Actor Albert Finney dies aged 82". BBC News (sa wikang Ingles). Pebrero 8, 2019.
- ↑ "Comedian 'Bentong' passes away". ABS-CBN News. Pebrero 9, 2019. Nakuha noong Pebrero 12, 2019.
- ↑ Salterio, Leah C. (Pebrero 11, 2019). "'She has art in her heart': Armida Siguion-Reyna dies at 88". ABS-CBN News (sa wikang Ingles).
- ↑ Saunders, Emmeline (Pebrero 19, 2019). "Chanel fashion designer Karl Lagerfeld dies aged 85 after cancer battle". mirror (sa wikang Ingles).
- ↑ Bony, Félix D. (Marso 9, 2019). "Deuil : l'écrivain Bernard Dadié est décédé". www.linfodrome.com (sa wikang Ingles).
- ↑ "Comedian Chokoleit dies". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). 2019-03-09. Nakuha noong 2021-08-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: url-status (link) - ↑ Abrina, Dennis (2019-04-04). "No substitute bet for late mayor Tik Aguinaldo: Comelec". www.pna.gov.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-08-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: url-status (link) - ↑ "El ex presidente peruano Alan García se disparó en la cabeza tras recibir una orden de arresto y está en grave estado". Infobae (sa wikang Ingles). Abril 17, 2019. Nakuha noong Abril 17, 2019.
- ↑ "Ex-President Alan García of Peru Is Dead After Shooting Himself During Arrest". The New York Times (sa wikang Ingles). Abril 17, 2019. Nakuha noong Abril 17, 2019.
- ↑ Rubin, Julia (Mayo 13, 2019). "Doris Day, actress who honed wholesome image, dies at 97". AP NEWS (sa wikang Ingles).
- ↑ Goldberger, Paul (Mayo 16, 2019). "I.M. Pei, Master Architect Whose Buildings Dazzled the World, Dies at 102" (sa wikang Ingles) – sa pamamagitan ni/ng NYTimes.com.
- ↑ Johnson, George (Mayo 24, 2019). "Murray Gell-Mann, Who Peered at Particles and Saw the Universe, Dies at 89" (sa wikang Ingles) – sa pamamagitan ni/ng NYTimes.com.
- ↑ "Prem Tinsulanonda, King's Advisor and Statesman, Dies at 98". www.khaosodenglish.com (sa wikang Ingles).
- ↑ "Egypt's ousted president Morsi dies during trial" (sa wikang Ingles). Hunyo 17, 2019 – sa pamamagitan ni/ng www.bbc.com.
- ↑ Newman, Vicki (Hunyo 20, 2019). "Veteran actor and film director Eddie Garcia dies at 90 after falling into coma". mirror (sa wikang Ingles).
- ↑ Griffith, Janelle; Dasrath, Diana (Agosto 16, 2019). "Peter Fonda, star of 'Easy Rider,' dead at 79". NBC News (sa wikang Ingles). Nakuha noong Agosto 16, 2019.
- ↑ "高校サッカー、松本暁司氏が死去 「赤き血のイレブン」モデル(共同通信)". Yahoo!ニュース (sa wikang Hapones). Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 17, 2019. Nakuha noong Setyembre 3, 2019.
- ↑ "Zimbabwe ex-President Robert Mugabe dies aged 95". BBC News (sa wikang Ingles). Setyembre 6, 2019. Nakuha noong Setyembre 6, 2019.
- ↑ Clarity, James F.; Tagliabue, John (Setyembre 26, 2019). "Jacques Chirac, French President Who Championed European Identity, Is Dead at 86". The New York Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 26, 2019. Nakuha noong Setyembre 26, 2019.
- ↑ "Former French President Jacques Chirac dies at the age of 86" (sa wikang Ingles). Oculus News.
- ↑ Natale, Richard; Dagan, Carmel (Oktubre 28, 2019). "Robert Evans, 'Chinatown' Producer and Paramount Chief, Dies at 89" (sa wikang Ingles).
- ↑ "田口光久氏死去 サッカー元日本代表GK" [Mitsuhisa Taguchi died, former Japan national football team GK]. Sankei Shimbun (sa wikang Hapones). Sankei Digital. Nobyembre 12, 2019. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-03-04. Nakuha noong Nobyembre 12, 2019.
- ↑ "Former Socceroos coach dead at 63". NewsComAu (sa wikang Ingles). Nobyembre 28, 2019.