Pumunta sa nilalaman

Aklat ni Judit

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Lumang Tipan ng Bibliya

Ang Aklat ni Judit[1] o Aklat ni Judith ay isang aklat sa Lumang Tipan ng Bibliya.

Ibinatay ang pangalan ng aklat kay Judit, isang babaeng Israelitang itinuturing na bayaning banal at magiting na tagapagligtas ng Betulia, isang bayang nasa bundok. Sinasabing "larawan ng Mahal na Birhen" si Judit. Pinaniniwalaan na isang tunay na kasaysayan ang aklat na ito, subalit noong ika-16 na daantaon may mga nagsabing likhang-isip lamang ang mga nilalaman nito na kinapapalooban ng mabuting aral. Kaya't binanggit ng Simbahang Katoliko na hangga't hindi napapatotohanan ang pagiging kathang-isip ng akda, ituturing itong isang tunay na kasaysayan.[1]

Bagaman walang katiyakan kung anong wika unang naisulat ang aklat na ito, pinaniniwalaang orihinal itong nailahad sa pamamagitan ng wikang Ebreo.[1]

Si Judit habang pinupugutan ng ulo si Heneral Helofernes. Iginuhit ni Caravaggio ang larawang ito.

Nagmula ang mga pangkasalukuyang salin ng aklat na ito sa isinagawang pagsasalin ni San Jeronimo mula sa siping nasa wikang Arameo patungong wikang Griyego, at maging sa Vulgata. Katulad ng pagsasalin ginawa ni San Jeronimo sa Aklat ni Tobias, isinalin niya ang Aklat ni Judit sa isang upo lamang. May pagkakaiba sa ilang mga bagay ang mga pangkasalukuyang salin at ang mga pinakaunang salin, subalit may pagkakaisa ang kanilang nilalaman.[1]

Nilalahad ng Aklat ni Judit ang salaysay tungkol sa hari ng mga Asirio - si Nabucodonosor - na nagkaroon ng hangad na sakupin ang lahat ng mga kabansaan. Ibig niyang gawin ito upang kilalanin siyang hari at diyos ng mga bayan-bayan. Para maipatupad ang mga pananakop na ito, isinugo niya si Heneral Holofernes. Ang bayang Media, na pinaghaharian ni Arfacsad, ang unang nagapi at nasakop, at nasundan ng iba pang mga bansa. Natalo ni Judit ng bayang Betulia si Heneral Holofernes.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 Abriol, Jose C. (2000). "Judit". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]
pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy