Pumunta sa nilalaman

Al-Mujadilah

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Sura 58 ng Quran
المجادلة
Al-Mujādilah
KlasipikasyonMadani
Alternatibong pamagat (Ar.)Al-Mujadalah
PosisyonJuzʼ 28
Blg. ng Ruku3
Blg. ng talata22

Ang al-Mujādilah (Arabe: المجادلة‎, Ang Babaing Sumasangguni [1]) ay ang ika-58 kabanata (sūrah) ng Qur'an na may 22 talata (ayat). Inihayag sa Medina, tinatalakay ng kabanata ang legalidad ng kaparaanang diborsyo bago ang Islamiko na tinatawag na zihar. Tumutukoy ang pangalang "Ang Babaing Sumasangguni" sa isang babae na pinetisyon si Muhammad tungkol sa walang katarungan ng kaparaanang ito, at sinaad sa unang mga talata ng kabanata ang pagbabawal nito sa batas at inaatasan kung paano pakitunguhan ang nakaraang mga kaso ng zihar. Tinatalakay din ng kabanata ang publikong pagtitipon at inaatasan ang mga ugali na nakakabit dito. Natapos ang kabanata sa pamamagitan ng pagsasalungat sa tinatawag nitong "ang samahan ng Diyos" at "ang samahan ni Satanas" at nangangako ng gantimpala kung sasama sa Diyos.

Kasaysayan ng paghahayag

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sang-ayon sa tradisyong Islamiko, nahayag ang kabanata noong panahon ng Madani sa pagiging propeta ni Muhammad, samakatuwid, isang sura na Madani. Sinasabi ng isang minoryang opinyon na iyon lamang unang sampung talata ang mula sa panahon ng Madani, at ang natitira ay mula sa panahon ng Makkan. Mayroon pa isang minoryang opinyon na nagsasabi na ang talata 9 ay mula sa panahon ng Makkan, at ang natitira ay Madani.[2]

Parehong pinetsahan ng tradisyunal at makabagong mga iskolar ang paghahayag ng kabanata sa pagitan ng 4 AH hanggang 7 AH (mga 625–628 CE), malamang pagkatapos ng Labanan ng Trintserahan. Ang pamayanang Muslim ay nasa Medina sa ilalim ng pamumuno ni Muhammad, sa ilalim ng banta mula sa tribong Quraysh sa Mecca at mula sa intriga ng mga "mapagpaimbabaw" (munafiqun, iyong mga Muslim sa labas ngunit lihim na laban sa mga Muslim sa loob) at ang mga tribong Hudyo sa Medina. Nagsisilbi ang Konstitusyon ng Medina bilang isang saligang batas para sa pamayanan na ito, at ang Quran—pinahalagahan bilang dibinong paghahayag ng mga Muslim—ay nagbibigay ng batas, at nagsisilbi si Muhammad bilang huling awtoridad sa pagpapaliwanag sa batas at paghusga sa mga pagtatalo sa mga kasapi ng pamayanan.[3]

Ang kabanata ay ang una sa sampung sura na Madani na tinatalakay ang isyung legal sa nagaganap na estado na pinamunuan ni Muhammad sa Medina.[2] Nilagay ng tradisyunal na kronolohiyang Ehipsyo ang kabanata bilang ang ika-105 kabanata ayon sa pagkakaayos ng paghahayag (pagkatapos ng Al-Munafiqun), habang ang Kronolohiyang Nöldeke (sa pamamagitan ng oryentalistang si Theodor Nöldeke) ay nilalagay ito sa ika-106.[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Salin ni George Sale
  2. 2.0 2.1 The Study Quran, p. 1341.
  3. El-Sheikh 2003, pp. 24–25.
  4. Ernst 2011, p. 39.
pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy