Pumunta sa nilalaman

Apostol

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang apostol ay isang alagad ni Hesus na partikular na tumutukoy sa 12 apostol.

Batayan ng pagka-apostol

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon sa Mateo 19:28, Pahayag 21:14, ang bilang ng mga mga apostol na kinikilala sa siyudad na Herusalem na bumabang mula sa langit ay 12 lamang. Sa Mateo 10:1–4 at Marcos 3:13–19, hindi kasama si Apostol Pablo o si Bernabe sa 12 apostol. Ayon sa Mga Gawa, si Mattias ay piniling kapalit ni Hudas bilang ika-12 apostol dahil ang batayan ng pagkaapostol ay nakasama siya ng 11 apostol sa buong panahon na ang Panginoong Jesus ay pumaparoon at pumaparitong kasama natin. Kailangang nakasama natin siya mula sa pagbabawtismo ni Juan hanggang sa araw na siya ay dinala paitaas mula sa atin.

Ang Labindalawang apostol

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon sa Mateo 10:1–4

ito ang mga pangalan ng labindalawang apostol: Ang una ay si Simon na tinatawag na Pedro at ang kaniyang kapatid na si Andres. Si Santiago na anak ni Zebedeo at ang kaniyang kapatid na si Juan. 3 Sina Felipe, Bartolome at Tomas, at si Mateo na maniningil ng buwis. Si Santiago na anak ni Alfeo at si Leveo na tinatawag na Tadeo. 4 Si Simon na kabilang sa Makabayan at si Judas na taga-Keriot, na nagkanulo sa kaniya.

Ayon sa Marcos 3:13–19,

Humirang siya ng labindalawang lalaki upang makasama niya at suguing mangaral. 15 Ito ay upang magkaroon sila ng kapamahalaang magpagaling ng mga sakit at magpalayas ng mga demonyo. 16 Si Simon ay tinagurian niyang Pedro. 17 Si Santiago, na anak ni Zebedeo at ang kapatid niyang si Juan na tinagurian ni Jesus na mga Boanerges, na ang ibig sabihin ay mga taong tulad ng kulog. 18 Sina Andres, Felipe, Bartolome, Mateo, Tomas, at Santiago, na anak ni Alfeo, at si Tadeo at si Simon na kabilang sa mga Makabayan. 19 At si Judas na taga-Keriot na siyang nagkanulo sa kaniya. Sila ay pumasok sa isang bahay.

Ayon sa Lucas 6:12–16,

Nang mag-uumaga na, tinawag niya ang kaniyang mga alagad. Mula sa kanila ay pumili siya ng labindalawa na tinawag din niyang mga apostol. 14 Ang mga ito ay sina Simeon, na tinagurian din niyang Pedro, at si Andres na kaniyang kapatid. Ang iba ay sina Santiago at Juan, Felipe at Bartolome. 15 Kasama rin si Mateo, si Tomas, si Santiago, na anak ni Alfeo, at si Simon na tinatawag na Makabayan. 16 Kasama rin si Judas na kapatid ni Santiago at si Judas na taga-Keriot, na siyang naging taksil.

Sa Mateo 10:3 at Marcos 3:18 ay nagbigay ng pangalang Tadeo(Thaddaeus) samantalang sa Lucas 6:16 ay nagbigay ng pangalang Judas na kapatid ni Santiago. Sa ilang manuskrito ng Mateo 10:3 ay nakalagay ang Lebbaeus na pinalayawang Thaddaeus. Dahil sa pagkakaibang ito, maraming mga sinaunang Kristiyano ay nagtangkang pagkasunduin ito sa pagpapalagay sa isang taong nagngangalang "Judas Tadeo". Ayon sa ilang mga skolar ng Bibliya, ang Judas at Tadeo ay hindi kumakatawan sa parehong indibidwal. [1] Ang ilang mga skolar ay nagmungkahi ng isang hindi naitalang kapalit ng isa pa noong pangangaral ni Hesus dahil sa pagtalikod o dahil sa kamatayan. [1] Ang ilang skolar ay nagmungkahing ang "labindalawa" ay isang simbolikong bilang at isang estimasyon[2] o simpleng ang mga pangalan ay hindi perpektong naitala ng sinaunang simbahan.[3]

Mga 12 Apostol ni Hesus

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Apostol Pablo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Apostol Pablo ay nag-angking isang apostol ng mga hentil (Roma 11:13) ngunit hindi lahat ng mga Kristiyano ay tumanggap sa kanyang pagka-apostol halimbawa sa Efeso (Mga Gawa 19:8-9, Efeso 1:1, Pahayag 2:1–2,1:4,11, 2 Timoteo 1:15). Sa karagdagan, ayon mismo sa 2 Corinto 11:13, maraming mga nagpapanggap na apostol noong kanyang panahon.

Apostol Bernabe

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Bernabe ay tinawag na apostol sa Mga Gawa 14:14.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 John P. Meier, A Marginal Jew volume 3, pp 130-133, 200 ("Christian imagination was quick to harmonize and produce Jude Thaddeus, a conflation that has no basis in reality."); Rudolf Pesch, "Simon-Petrus. Geschichte und geschichtliche Bedeutung der ersten Juengers Jesu Christ", Paepste und Papsttum 15, Hiersmann, 1980. p.36.
  2. E. P. Sanders, Jesus and Judaism, Fortress Press, 1985. ISBN 0-334-02091-3. p.102
  3. Joseph Fitzmyer, The Gospel according to Luke: Introduction, translation, and notes, Volume 2, The Anchor Bible, Garden City, NY: Doubleday, 1981-1985. ISBN 0-385-00515-6. p.619-620
pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy