Bundestag
Ang Bundestag (Pagbigkas sa Aleman: [ˈbʊndəstaːk] ( pakinggan), "Federal na Dieta") ay ang federal na parlamentong Aleman. Ito ang tanging federal na kinatawan na kapulungang direktang inihalal ng mga Aleman. Ito ay maihahambing sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Estados Unidos o Kapulungan ng Karaniwan ng Nagkakaisang Kaharian. Ang Bundestag ay itinatag ng Titulo III[a] ng Batayang Batas para sa Republikang Federal ng Alemanya (Aleman: Grundgesetz, pagbigkas [ˈɡʁʊntɡəˌzɛt͡s] ( pakinggan)) noong 1949 bilang isa sa mga lehislatibong kainatawan ng Alemanya at sa gayon ito ang makasaysayang kahalili sa naunang Reichstag.
Ang mga miyembro ng Bundestag ay mga kinatawan ng mga Aleman sa kabuuan, ay hindi nakatali sa anumang mga utos o tagubilin at nananagot lamang sa kanilang mga botante.[b] Ang minimum na legal na bilang ng mga miyembro ng Bundestag (Aleman: Mitglieder des Bundestages) ay 598;[c] gayunpaman, dahil sa sistema ng pag-uumbok at pagtutumbas ng mga luklukan, ang kasalukuyang ika-20 Bundestag ay may kabuuang 736 na miyembro, na ginagawa itong pinakamalaking Bundestag hanggang sa kasalukuyan.
Mula noong 1999, nagtitipon ito sa gusaling Reichstag sa Berlin.[1] Ang Bundestag ay nagpapatakbo din sa maraming bagong gusali ng pamahalaan sa Berlin at may sariling puwersa ng pulisya (ang Bundestagspolizei). Ang kasalukuyang pangulo ng Bundestag mula noong 2021 ay si Bärbel Bas ng SPD. Ang ika-20 Bundestag ay may limang ikalawang pangulo.
Mga tala
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Plenarsaal "Deutscher Bundestag" – The Path of Democracy". www.wegderdemokratie.de (sa wikang Ingles). Nakuha noong 11 December 2019.
Mga panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Opisyal na website
- German election database
- Map of constituencies
- Distribution of power
- Plenary speech search engine
Padron:Germany topicsPadron:National unicameral legislaturesPadron:Parliaments in Europe