Pumunta sa nilalaman

Caitriona Balfe

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

  Caitríona Mary /kəˈtrnə ˈbælf/ ; ay ipinanganak noong 4 Oktubre 1979. [1] Sya ay isang artista na may lahing Irish. Kilala siya sa kanyang pagbibidahan bilang Claire Fraser sa Starz historical drama series na Outlander mula noong 2014 hanggang sa kasalukuyan), kung saan nakatanggap siya ng mga nominasyon para sa apat na Golden Globe Awards para sa Best Actress in a Television Series – Drama.

Sa edad na labing-walo, habang nag-aaral ng drama sa Dublin Institute of Technology, nagsimulang magtrabaho si Balfe bilang isang fashion model sa Paris. Makalipas ang sampung taon, muling nag-focus siya sa pag-arte. Nagkaroon siya ng mga pangunahing pagganap sa seryeng The Beauty Inside noong 2012 at H+: The Digital Series noong 2012 hanggang 2013, at lumabas sa mga pelikulang Super 8 noong 2011, Now You See Me noong 2013, Escape Plan noong 2013, Money Monster noong 2016, at Ford v Ferrari noong 2019. Ang kanyang pagganap sa Belfast noong 2021 ay nagbigay sa kanya ng mga nominasyon para sa Golden Globe at British Academy Film Awards.

Si Balfe ay ipinanganak sa Dublin [2] at lumaki sa labas ng nayon ng Tydavnet, County Monaghan . [3] Siya ang pang-apat sa limang anak. Ang kanyang ama ay isang retiradong Garda Sergeant. [4] Nagpunta siya sa Dublin Institute of Technology upang mag-aral ng drama, bago siya nadiskubre ng isang model scout. [3]

  1. "'Outlander': Sam Heughan teases Caitriona Balfe on her 39th birthday". United Press International. 4 Oktubre 2018. Nakuha noong 22 Oktubre 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Cait Who Got the Cream". Vogue UK (sa wikang Ingles). 9 Enero 2002. Nakuha noong 29 Nobyembre 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 Mullally, Una. "Caitriona Balfe: Ireland's secret A-lister". The Irish Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 14 Enero 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Milton, Stephen (19 Oktubre 2013). "Monaghan native Caitriona Balfe tells why she made the right move". Irish Independent. Nakuha noong 31 Oktubre 2014. Balfe, who grew up in a family of seven in the tiny village of Tydavnet...{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy