Carl Jung
Si Carl Gustav Jung (Aleman: [ˈkarl ˈɡʊstaf ˈjʊŋ]; 26 Hulyo 1875 – 6 Hunyo 1961) ay isang Suwisong sikyatriko at ang tagapagtatag ng sikolohiyang analitiko. Itinuturing si Jung bilang ang unang modernong sikyatriko na tumanaw sa psyche ng tao bilang "likas na relihiyoso" at gawin itong tuon ng eksplorasyon.[1] Si Jung ay isa sa pinaka kilalang mga mananaliksik sa larangan ng analisis ng panaginip at simbolisasyon. Habang siya ay buhos na buhos na isang klinisyan, karamihan sa kanyang mga gawain noong nabubuhay pa ay naigugol sa panggagalugad ng mga lugar na tanhensiyal, kasama ang mga pilosopiya sa Silangan at sa Kanluran, alkimiya, astrolohiya, at sosyolohiya, pati na panitikan at mga sining.
Itinuring ni Jung ang indibidwasyon, isang prosesong sikolohial na nagiintegra ng mga magkakabaligtad kasama ang may malay-tao at walang malay-tao habang pinananatili pa rin ang kanilang awtonomiyang relatibo, na kailangan ng isang tao upang maging buo.[2] Ang indibidwasyon ay ang pangsentrong konsepto ng analitikal na sikolohiya.[3]
Maraming mga konseptong sikolohikal ay unang iminungkahi ni Jung, kasama ang arketipo, ang walang kamalayang kolektibo, ang kompleks, at sinkronisidad. Ang isang popular na instrumentong sikometriko, ang Indikador ng Tipo na Myers-Briggs (Myers-Briggs Type Indicator, MBTI), ay prinsipal na ginawa at pinaunlad batay sa mga teoriya ni Jung.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Dunne, Clare (2002). "Prelude". Carl Jung: Wounded Healer of the Soul: An Illustrated Biography. Continuum International Publishing Group. p. 3. ISBN 9780826463074.
- ↑ Proseso ng Indibidwasyon ni Jung Naka-arkibo 2018-02-23 sa Wayback Machine. Nakuha noong 2009-2-20
- ↑ Memories, Dreams, Reflections. p. 209.