Pumunta sa nilalaman

Duke

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Obispo Benedicto (1254–1291), isang anak ni Prinsesa Ingeborg ng Suwesiya at Birger Jarl, ay ang unang Duke ng Pinlandiya[1]

Ang duke ay isang titulo ng lalaki alinman sa isang monarko na namumuno sa isang dukado, o ng isang miyembro ng realesa, o maharlika. Bilang mga pinuno, niraranggo ang mga duke sa ibaba ng mga emperador, hari, gran prinsipe, gran duke, at soberanong prinsipe. Bilang realesa o maharlika, niraranggo sila sa ibaba ng mga prinsipe at gran duke. Nagmula ang titulo sa salitang Pranses na duc, na mula din mismo sa Latin na dux, 'pinuno', isang katawagang ginamit sa republikang Roma upang tukuyin ang isang kumander ng militar na walang opisyal na ranggo (lalo na ang isa sa Hermaniko o Seltiko na pinagmulan), at nangangahulugan sa kalaunan bilang ang nangungunang kumander ng militar ng isang lalawigan. Sa karamihan ng mga bansa, ang salitang dukesa ay katumbas sa babaeng titulo.

Ang isang babae na may hawak sa kanyang sariling karapatan ang titulo sa naturang dukadoo kadukehan, o ikinasal sa isang duke, ay karaniwang iniistilo bilang dukesa. Kilala si Reyna Elizabeth II, gayunpaman, sa tradisyon bilang Duke ng Normandy sa Kapuluuang Channel at Duke ng Lancaster sa Lancashire.

Mga realesang duke

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa Reyno Unido, ang duke real ay isang duke na miyembro ng pamilyang Britanikong real, na may karapatan sa istilo na "His Royal Highness" (Ang Kanyang Kamahalan). Ibinibigay ang mga pandukeng titulo sa loob ng maharlikang pamilya ay kinabibilangan ng Duke ng Cornwall, Duke ng Lancaster, Duke ng Clarence, Duke ng York, Duke ng Gloucester, Duke ng Bedford, Duke ng Cumberland, Duke ng Cambridge, Duke ng Rothesay, Duke ng Albany, Duke ng Ross, Duke ng Edinburgh, Duke ng Kent, Duke ng Sussex, at Duke ng Connaught at Strathearn. Kasunod ng kanyang pagbibitiw noong 1936, binigyan ang dating Haring Edward VIII ng titulong Duke ng Windsor.

Mayroon ding mga duke na di-real sa Reyno Unido.

Ang mga infantes at infantas na Kastila ay karaniwang binibigyan ng real na maharlikang kadukehan kapag kinasal, maliban sa tagapagmana na siyang Prinsipe ng Asturias. Ang mga titulong iyon ay hindi namamana sa kasalukuyan subalit nagdadala ng pagkagrande ng Espanya. Ang mga kasalukuyang dukesang real ay sina Infanta Margarita, Dukesa ng Soria (bagaman minana niya ang titulong Dukesa ng Hernani mula sa kanyang pinsan at siya ang pangalawang may hawak ng titulo), at Infanta Elena, Dukesa ng Lugo. Sa Espanya, may ranggo lahat ng duke sa korte na grandee, na siyang nangunguna sa lahat ng iba pang maharlikang titulo.

Ang huling di-real na namamanang kadukehan na nilikha ay ang titulo ng Duke ng Suárez na pabor sa dating primera ministro na si Adolfo Suárez noong 1981. Mula nang maluklok si Haring Felipe VI sa trono noong 2014, walang bagong titulong maharlika ang nalikha.[2][3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Heikinheimo, Ilmari (1955). Suomen elämäkerrasto (sa wikang Pinlandes). Werner Söderström Osakeyhtiö.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Confidencial, Monarquía (4 Nobyembre 2020). "Felipe VI no ha concedido un solo título nobiliario en todo su reinado". Monarquía Confidencial (sa wikang Kastila). Nakuha noong 2023-03-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Ejerique, Raúl Sánchez, Raquel (17 Setyembre 2016). "Felipe VI cierra el grifo de los condes, duques y marqueses". elDiario.es (sa wikang Kastila). Nakuha noong 2023-03-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy