Enrique II ng Pransiya
Si Enrique II ng Pransiya, Henry II ng Pransiya, o Henri II ng Pransiya (Pranses: Henri II de France) (31 Marso 1519 – 10 Hulyo 1559) ay naging isang Hari ng Pransiya at isang kasapi sa Kabahayan ng Valois. Kinoronahan siya bilang hari sa Rheims, Pransiya, noong 25 Hulyo 1547. Ipinanganak siya sa Saint-Germain-en-Laye, Pransiya noong 1519. Ang mga magulang niya ay sina Francis I ng Pransiya at Claude ng Pransiya.
Pag-aasawa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ikinasal si Henry kay Catherine ng Medici noong 28 Oktubre 1533 noong siya ay nasa edad na 14 pa lamang. Ang kanilang mga naging anak ay sina:
- Francis II ng Pransiya
- Elizabeth ng Valois
- Charles IX ng Pransiya
- Henry III ng Pransiya
- Margaret ng Valois
Hindi mahal ni Henry si Catherine ng Medici. Inuubos niya ang karamihan sa kaniyang panahon sa piling ng kaniyang kabit na tinatawag bilang Diane de Poitiers.
Kamatayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Namatay si Henry noong 1559 pagkaraan ng isang aksidente sa paghuhusta (jousting). Inilibing siya sa Basilika ng Saint Denis. Ang pumalit sa kaniya bilang hari ay si Francis II ng Pransiya.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Pransiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.