Pumunta sa nilalaman

Grapikong raster

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang smiley face na nasa itaas na kanang bahagi ay isang imaheng raster. Kapag pinalaki, ang mga indibidwal na piksel ay magmumukhang mga parisukat. Kapag nag-zoom pa, maaari na siláng ianalays, ang mga kulay nila ay makukuha sa pagsasama-sama ng mga valyu ng pula, berde, at asul.

Sa mga grapikong pangkompyuter, ang grapikong raster, o raster grapiks (Ingles: raster graphics) ay isang tuldok meytriks na estrukturang pandatos (dot matrix data structure), na nagrerepresenta sa isang kadalasang parihabang grid ng mga piksel, o mga punto ng kulay, na makikita gamit ang monitor, papel, o iba pang displey midyum. Ang mga imaheng raster ay nakalagay sa mga imeyds fayl na may iba't ibang pormat.

Ang bitmap, isang single-bit na raster, ay kumokorespond nang bit-for-bit sa imaheng nakadispley sa iskrin, kadalasang nasa parehong pormat na ginamit para sa storage sa video memory ng displey, o kayâ ilang isang device-independent bitmap. Ang raster ay teknikali nakakarakterays sa haba at taas ng imahe sa piksels at sa dami ng bilang ng bits kada piksel (o color depth, na nagdedetermina sa dami ng kulay na káya nitong irepresenta).

Sa mga industriya ng printing at prepess, ang grapikong raster ay tinatawag na contones (mula sa "continuous tones"). Ang kabaliktaran ng contones ay "line work", na kadalasang iniimplent sa mga grapikong bektor sa mga sistemang digital.

pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy