Pumunta sa nilalaman

Herpailurus yagouaroundi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Jaguarundi[1]
Katayuan ng pagpapanatili
Klasipikasyong pang-agham edit
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Hati: Mammalia
Orden: Carnivora
Suborden: Feliformia
Pamilya: Felidae
Subpamilya: Felinae
Sari: Herpailurus
Espesye:
H. yagouaroundi
Pangalang binomial
Herpailurus yagouaroundi
(Geoffroy, 1803)

Ang Herpailurus yagouaroundi (na may karaniwang tawag sa Ingles na jaguarundi) ay isang nasa gitnang laking mabangis na pusa sumasakop sa katimugang Tehas ng Estados Unidos sa timog hanggang sa Timog Amerika. Karaniwang haba nito ang 65 sentimetro (30 mga pulagada) na may 45 sentimetrong (20 mga pulgada) buntot at bigat na mga 6 na mga kilogramo (13.2 mga libra). Mayroon itong maiiksing mga hita at anyong kahawig ng isang oter; maiikli ang mga tainga at bilugan. Walang mga tuldok ang mga balahibo o balat nito, na magkakatulad ang kulay, nag-iiba mula sa initiman magpahanggang makayumangging abuhin (yugtong abuhan) o mula mamulamula hanggang kastanyas (yugtong pula).

Etimolohiya at pagpapangalan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Dating iniisip na ang dalawang mga yugto ng kulay bilang kinatawan ng dalawang mga uri: ang abong pusang tinatawag na haguarundi, at ang pulang pusang kilala bilang eyra. Subalit iisa lamang ang mga uring ito at matatagpuan ang bawat yugto sa kanilang mga kuting. Walang mga marka ang kanilang balat at balahibo maliban na lamang sa mga tuldok kapag bagong silang. Sa ilang mga bansang nagsasalita ng Kastila, kilala rin ang haguarundi bilang leoncillo o leonsilyo na may ibig sabihing "maliit na leon" o "munting liyon". Kabilang pa sa mga Kastilang kapangalanan nito ang gato colorado o kinulayang pusa, gato moro, león brenero, onsa (mula sa onza), at tigrillo o tigrilyo, nangangahulugang "maliit na tigre".[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Wozencraft, W.C. (2005). "Order Carnivora". Sa Wilson, D.E.; Reeder, D.M (mga pat.). Mammal Species of the World: A Taxonomic and Geographic Reference (ika-3rd (na) edisyon). Johns Hopkins University Press. p. 545. ISBN 978-0-8018-8221-0. OCLC 62265494. {{cite book}}: Invalid |ref=harv (tulong)
  2. 2.0 2.1 Caso, A.; Lopez-Gonzalez, C.; Payan, E.; Eizirik, E.; de Oliveira, T.; Leite-Pitman, R.; Kelly, M.; at Valderrama, C. (2008). Puma yagouaroundi. 2008 IUCN Red List of Threatened Species. IUCN 2008. Hinango noong 1 Enero 2009. Kabilang sa ipinasok na kalipunan ng dato ang dahilan kung bakit kabilang ang mga uring ito sa hindi gaanong ikinababahala ang antas ng pag-iral.
pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy