Ilang ng Taklamakan
Ang Ilang ng Taklamakan o Disyerto ng Takla Makan[1] (Intsik: 塔克拉玛干沙漠, pinyin: Tǎkèlāmǎgān Shāmò; Uyghur: تەكلىماكان قۇملۇقى), kilala rin bilang Taklimakan, ay isang disyerto sa Gitnang Asya, sa Rehiyong Autonomo ng Xinjiang Uyghur ng Republikang Popular ng Tsina. Hinahangganan ito ng Bulubundukin ng Kunlun sa timog, at ng Bulubundukin ng Pamir at ng Tian Shan (sinaunang Bundok ng Imeon) sa kanluran at hilaga. Isang paghiram ng Uyghur mula sa Arabeng tark ang pangalan nito, na may ibig sabihing "iwanang mag-isa" o "lisanin" + makan, na nangangahulugang "pook".[2] May tanyag na mga pagsasaad na nagsasabing may kahulugang "pumasok ka at hindi ka na makakalabas pa" ang Takla Makan.[3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Takla Makan". Hammond Quick & Easy Notebook Reference Atlas & Webster Dictionary. Hammond, ISBN 0843709227., pahina 31.
- ↑ E.M. Pospelov, Geograficheskiye nazvaniya mira (Moscow, 1998), p. 408.
- ↑ "Takla Makan Desert at TravelChinaGuide.com". Nakuha noong 2008-11-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya at Tsina ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.