Pumunta sa nilalaman

Jacinto Zamora

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jacinto Zamora
KapanganakanAgosto 14, 1835
Pandacan, Maynila
KamatayanPebrero 17, 1872
TrabahoPari
Kilala saGOMBURZA

Si Padre Jacinto Zamora ay isang pari na isinilang noong Agosto 14, 1835 sa Pandacan, Maynila. Ang kanyang mga magulang ay sina Venancio Zamora at Hilaria del Rosario.

Nag-aral si Zamora sa Colegio de San Juan de Letran na kung saan ay natapos niya ang kursong Bachiller en Artes. Nagpaluloy siya ng pag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas na kung saan naman ay natamo niya ang diploma para sa kursong Bachiller en Leyes Canon.

Si Padre Zamora ay hindi kasintalino nina Padre Burgos at Padre Gomez subalit siya ay nakakuha rin ng mataas na marka sa pagsusulit na kinuha niya noong siya ay pansamantalang nadestino sa Parokya ng Pasig. Sa kabila ng mataas na marka at pagkakapasa sa pagsusulit, si Padre Zamora ay hindi binigyan ng permanenteng posisyon sa kadahilanang isa lamang siyang "indio".

Lumipat ng Maynila si Padre Zamora kinalaunan.

Nang maganap ang himagsikan sa Cavite noong Enero 1872, siya ay dinakip at ikinulong sa Fort Santiago. Siya ay isa sa pinagbintangang namuno sa pag-aalsa laban sa Kastila, kasama ni Padre Jose Apolonio Burgos at Padre Mariano Gomez. Siya ay kasamang binitay noong Pebrero 17, 1872 sa pamamagitan ng garote. Siya ay isa sa tinaguriang tatlong paring martir na lalong kilala bilang GOMBURZA.

pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy