Jane Russell
Jane Russell | |
---|---|
Kapanganakan | Ernestine Jane Geraldine Russell 21 Hunyo 1921 |
Kamatayan | 28 Pebrero 2011 Santa Maria, California, Estados Unidos[1] | (edad 89)
Dahilan | Kabiguang respiratoryo |
Nasyonalidad | Amerikana |
Edukasyon | Hayskul ng Van Nuys |
Trabaho | Aktres, modelo |
Aktibong taon | 1943–1986 |
Asawa | Bob Waterfield (kasal mula 1943 hanggang 1967, nagdiborsiyo) Roger Barrett (kasal mula 1968 hanggang sa namatay) John Calvin Peoples (kasal mula 1974 hanggang 1999, namatay) |
Anak | 1 anak na babae, 2 mga anak na lalaki |
Si Ernestine Jane Geraldine Russell (21 Hunyo 1921 – 28 Pebrero 2011)[2] ay isang Estados Unidos na dating artistang pampelikula at isa sa naging pangunahing simbolo ng seksuwalidad ng Hollywood noong mga dekada ng 1940 at ng 1950.
Lumipat si Russell mula sa gitnang kanluran papunta sa California, kung saan niya nakuha ang kanyang unang gampanin pampelikula noong 1943 sa pelikulang The Outlaw. Noong 1947, pinasok ni Russell ang larangan ng musika bago nagbalik sa larangan ng pelikula. Pagkalipas na maging bituing artista para sa maraming mga pelikula noong dekada ng 1950, muling nagbalik sa Russell sa larangan ng musika habang nagbubuo ng ilan pang ibang mga pelikula noong dekada ng 1960. Naging bida siya mahigit sa 20 mga pelikula sa panahon ng kanyang karera.
Tatlong ulit na nakasal si Russell at umampon ng tatlong mga bata. Noong 1955, itinatag niya ang World Adoption International Fund ("Pondong Internasyunal ng Pag-aampong Pandaigdigan"). Dahil sa kanyang mga nagawa sa pelikula, nakatanggap si Russell ng ilang mga papuri kabilang na ang pagkakalagay upang mapanatiling-buhay ang mga bakas ng kanyang mga kamay at mga paa sa unahan o harapan ng patyo ng Teatrong Intsik ni Grauman at ng isang bituin sa Lakaran ng Katanyagan sa Hollywood. Noong 2011, napangalanan siya bilang isa sa "100 Hottest Women of All-Time" (100 Pinaka Maiinit na mga Babae sa Lahat ng Panahon) ng Men's Health.[3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Gates, Anita (28 Pebrero 2011). "Jane Russell, Star of Westerns, Dies at 89". The New York Times. Nakuha noong 1 Marso 2011.
- ↑ "Gentlemen Prefer Blondes star Jane Russell dies aged 89 | Mail Online". The Mail Online. London. 1 Marso 2011. Nakuha noong 1 Marso 2011.
- ↑ "The 100 Hottest Women of All-Time". Men's Health. 2011. Nakuha noong 1 Abril 2012.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Artista, Pelikula at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.