Kabihasnang Maya
Ang Kabihasnang Maya ay isang Mesoamerikanong kabihasnan o sibilisasyon na kilala sa pagiging tanging nag-aangkin ng buong nilikhang isinulat na wika nito sa bago-Columbian na Amerika gayundin sa sining, arkitektura, matematikal at mga astronomika na mga sistema nito. Ito ay simulang itinatag noong yugtong bago-Klasiko (c. 2000 BK hanggang 250 BK) ayon sa kronolihiyang Mesoamerikano. Marami sa mga siyudad ng Maya ang umabot sa pinakamataas na antas ng pag-unlad sa yugtong Klasiko(c. 250 CE hanggang 900 CE) at nagpatuloy sa kabuuan ng Pagkatapos-na-Klasikong yugtong hanggang sa pagdating ng mga Kastila sa Timog Amerika.
Sa sukdulan nito, ito ang pinakamasinsing populasyon at mga lipunang may kasiglahan ang kultura sa buong mundo.[1]
Namuhay ang mga taong nagsasalita ng Wikang Maya sa Guwatemala at Timog Mehiko sa loob ng may 3,000 mga taon. Dating mga mangangalap ng pagkain, mga maninila, at mga mangingisda ang mga Maya, bago naipakilala sa kanila ang pagsasaka ng kapit-bahay na mga tribo (hindi nalalaman ng mga arkeologo kung kailan talaga naganap ang pagpapakilala sa pagbubukid). Naniniwala silang si Yum Kaax (literal na "panginoon ng mga kagubatan"), ang diyos ng mais. Umunlad ang mga Maya bilang mga magsasaka.[2]
Kaugnay ng wika, nakalikha ang mga Maya ng isang sistema ng hiroglipikong pagsusulat. Lumikha sila ng kalendaryo. Kaugnay ng mga kasangkapan, naging tagagawa sila ng mga pasong gawa sa putik. Nagtayo sila ng mabusising mga libingan, mga templo, at mga kahang yari sa bato.[2]
Ang kalendaryong Maya na batay sa tinatawag na Mesoamerikanong Mahabang Bilang na kalendaryo ay nagsimula sa petsang Agosto 11, 3114 BCE. Ang misinterpretasyon ng Mesoamerikanong Mahabang Bilang na kalendaryo ang basehan ng paniniwalang Bagong Panahon na ang isang kataklismo ay magaganap sa Disyembre 21, 2012. Ang Disyembre 21, 2012 ay simpleng araw na ang kalendaryo ay pupunta sa susunod na b'ak'tun.
Mesoamerika
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Kabihasnang Maya ay nabuo sa loob ng Mesoamerkinong kultural na lugar, na kung alin ay sumasaklaw sa isang rehiyon na umuunat mula sa hilagang Mehiko patimog sa Gitnang Amerika. Ang Mesoamerika ay isa sa anim na kuna ng kabihasnan sa buong mundo. Ang Mesoamerikanong lugar ay nagbigay-taas sa isang serye ng mga kultural na mga pagpapaunlad na tulad ng mga komplikadong mga lipunan, agrikultura, mga lungsod, arkitekturang bantayog, pagsulat at mga sistema ng kalendaryo.
Heograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagokupa ng malawak na teritoryo ang Kabihanang Maya na nagsasama ng timog-silangang Mehiko at hilagang Gitnang Amerika. Ang lugar na ito ay naglalakip sa buong Yucatán na Tangway at ang lahat na mga teritoryo na ngayong nalakip na sa mga modernong bansa ng Guwatamela at Belize, pati na rin ang kanlurang mga bahagi ng Honduras at El Salvador. Ang kalakhan ng tangway ay binubuo ng isang malawak na kapatagan na may ilang mga burol o bundok at isang karaniwang mababa coastline.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang kasaysayan ng Kabihasnang Maya ay nahahati sa tatlong pangunahing mga panahon: ang bago-Klasiko, Klasiko at tapos-Klasikong mga panahon.
Bago-Klasikong panahon (m. 2000 BKP - 250 BK)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Binuo ng Maya ang kanilang unang kabihasnan sa panahong bago-Klasiko. Patuloy ang talakayan ng mga iskolar tungkol sa simula ng panahon ng Kabihasnang Mayang ito. Ang mga pamayanan ay itinatag noong humigit-kumulang 1800 BK sa rehiyon ng Soconusco sa baybaying Pasipiko, at naglilinang na ang Maya ng mga ani ng mais, patani, kalabasa at pamintang sili.
Sa panahon ng Gitnang bago-Klasikong Panahon, ang maliliit na nayon ay nagsimulang lumago upang bumuo ng mga lungsod.
Klasikong Panahon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Klasikong panahon ay kalakhang tinutukoy bilang ang panahon na kung saan ang kapatagang Maya ay nagtayo ng pinetsahang mga bantayog gamit ang Mahabang Pagbilang na Kalendaryo.
Sa panahon ng Maagang Klasiko, ang mga lungsod sa buong Mayang rehiyon ay naiimpluwensyahan ng dakilang punong-lungsod ng Teotihuacan sa nalalapit na Lambak ng Mehiko. Noong MK 378, nagpasya ang Teotihuacan na mangialam sa Tikal at iba pang mga kalapit na lungsod, pinatalsik ang kanilang mga pinuno at nag tayo ng may suporta ng Teotihuacan na dinastiya. Ang pangingialam na ito ay hinantong ni Siyaj K'ak '( "Ipinanganak ng Apoy"), na dumating sa Tikal sa unang bahagi ng 378. Ang hari ng Tikal na si Chak Tok Ich'aak I ay namatay sa parehong araw, na nagmumungkahi na naging marahas ang pagkuha ng kapangyarihan ang nangyari.
Lipunan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mula sa Maagang bago-Klasiko, ang Mayang lipunan ay malinaw na nahahati sa pagitan ng mga piling tao at karaniwang tao. Maaaring nakabuo ang gitnang uri ng mga artisano, mabababang ranggong mga pari at mga opisyal, mga mangangalakal at mga sundalo. Ang mga karaniwang mga tao naman ay naglakip ng mga magsasaka, mga lingkod, mga hornalero at mga alipin.
Ang hari at ang korte
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Klasikong Mayang pamamahala ay nakasentro sa maharlikang kalinangan na makikita sa lahat ng larangan ng Klasikong Mayang sining. Ang hari ay ang kataas-taasang pinuno at humawak ng isang bahagyang banal na katayuan na gumawa sa kanyang tagapamagitan sa pagitan ng mortal na daigdig at noon ng mga diyos. Mula sa sinaunang mga panahon, ang mga hari ay partikular na iniugnay sa batang diyos ng mais, na kung kaninong kaloob ng mais ay ang batayan ng kabihasnang Mesoamerikano.
Digmaan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang digmaan ay karaniwan sa mundo ng Maya. Ang militar na mga kampanya ay inilunsad para sa iba't ibang mga kadahilanan, kabilang dito ang kontrol ng mga ruta ng kalakalan at pagkilala, mga paglusob para kumuha ng mga bihag at pagpapalaki patungo sa kumpletong pagkawasak ng kaaway na estado. Kaunti ang nalalaman tungkol sa Mayang pag-oorganisa ng militar, lohistika o pagsasanay. Ang pakikipagdigmaan ay inilarawan sa Mayang sining mula sa Klasikong panahon, at ang mga digmaan at mga tagumppay ay nababanggit sa hiroglipikong mga inskripsyon. Sa kasamaang palad, ang mga inskripsiyon ay hindi nagbibigay ng impormasyon sa mga sanhi ng digmaan, o ng naging anyo nito. Sa ika-8 hanggang ika-9 siglo, ang intensibong pakikipagdigmaan ay nagresulta sa pagbagsak ng mga kaharian sa rehiyon ng Petexbatún ng kanluraning Petén. Ang mabilis na pag-abanduna ng Aguateca ng kanyang mga naninirahan ay nagbigay ng isang bihirang pagkakataon upang suriin ang mga labi ng Mayang mga sandata sa lugar ng kinaroroonan. Ang Aguateca ay nalusob ng hindi kilalang mga kaaway sa bandang 810 AD, na napagtagumpayan ang matitibay na mga depensa nito at sinunog ang maharlikang palasyo. Ang mga piling taong mga naninirahan sa lungsod ay tumakas o nabihag, at hindi kailanman bumalik upang makolekta ang kanilang inabandunang ari-arian. Madaling sumunod ang mga naninirahan sa paligid pagkatapos. Ito ay isang halimbawa ng intensibong pakikipagdigmaan isinasagawa ng isang kaaway upang ganap na puksain ang isang Mayang estado, sa halip na supilin ito. Nagpapahiwatig ang mga pananaliksik sa Aguateca na ang Klasikong panahong mga mandirigma ay pangunahin na tumutukoy bilang miyembro ng mga piling tao.
Mga sandata
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang atlatl (panghagis ng sibat) ay ipinakilala sa rehiyong Maya ng Teotihuacan sa Maagang Klasiko. Ito ay isang 0.5 metrong (1.6 tp) mahabang patpat na may kutab sa dulo na humawak ng isang suligi o sihang. Ang patpat ay ginamit upang ilunsad ang misil na may higit pang lakas at katumpakan kaysa sa maaaring maganap sa pamamagitan lang ng simpleng pagtapon nito gamit lang ang braso. Katibayan sa anyo ng mga batong mga punto ng talim ay nabawi mula sa Aguateca na nagpapahiwatig na mga suligi at mga sibat ang pangunahing sandata ng Klasikong Mayang mandirigma. Ang karaniwang mga tao ang gumagamit ng mga sumpit sa digmaan, na nagsisilbi rin bilang kanilang pangangasong armas. Ang pana at tunod ay isa pang sandata na ginamit ng mga sinaunang Maya para sa parehong digmaan at pangangaso. Kahit naroroon sa rehiyon Maya sa Klasikong panahon, ang paggamit nito bilang isang sandata ng digmaan ay hindi napaboran; hindi ito naging isang pangkaraniwang armas hanggang sa tapos-Klasiko.
Kalakalan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang kalakalan ay isang mahalagang bahagi ng lipunan ng Maya, at sa pag-unlad ng Kabihasnang Maya.
Ang mga ruta ng kalakalan ay hindi lamang nagbigay ng pisikal na mga kalakal, pinadali nito ang kilusan ng mga tao at mga ideya sa buong Mesoamerika.
Mga mangangalakal
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kakaunti ang nalalaman hinggil sa mga Mayang mangangalakal, bagama't sila ay inilalarawan sa mga Mayang keramika sa masasalimuot na marangal na mga kasuotan. Mula dito, nalalaman na hindi bababa sa ilang mga mangangalakal ay mga miyembro ng mga piling tao.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Painted Metaphors: Pottery and Politics of the Ancient Maya". University of Pennsylvania Almanac. Pamantasan ng Pensilbanya. 4/7/2009. Nakuha noong 2009-06-17.
{{cite web}}
: Check date values in:|date=
(tulong) - ↑ 2.0 2.1 "Maya". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), Indians of North America, pahina 197-198.