Pumunta sa nilalaman

Kalabaw

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Kalabaw
Isang kalabaw sa Pilipinas
Klasipikasyong pang-agham e
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Hati: Mammalia
Orden: Artiodactyla
Pamilya: Bovidae
Subpamilya: Bovinae
Sari: Bubalus
Espesye:
Subespesye:
B. b. carabanesis
Pangalang trinomial
Bubalus bubalis carabanesis
(Linnaeus, 1758)
Tinatawag ding "kalabaw" sa pangkalahatan ang species na Bubalus bubalis.

Ang kalabaw (Bubalus bubalis carabanesis o minsan Bubalus carabanesis) o anuwang[1] ay isang domestikadong uri ng kalabaw na pantubig o water buffalo (Bubalus bubalis) na karaniwang matatagpuan sa Pilipinas, Guam, pati sa ibang bahagi Timog-silangang Asya. Madalas iniuugnay ang kalabaw sa mga magbubukid dahil ito ang kadalasang napiling hayop para sa pag-araro at pagtulak ng kariton na ginagamit ng mga magbubukid upang madala ang kanilang ani sa palengke.

Karaniwang nabubuhay ang mga kalabaw ng 18 hanggang 20 taon at maaring umabot ang timbang nila sa 800 kilo sa kanilang pagtanda. Parehong may sungay ang babae't lalaking kalabaw. Itim naman ang karaniwang kulay ng kanilang balat na nakapalibot sa kabuuan ng kanilang katawan habang mabuhok ang kanilang ulo at ang dulo ng kanilang buntot. Bagamat tahimik, maaring silang mag-ingay kapag nabulabog. Kadalasang makikitang nagpapalamig ang mga kalabaw sa mga putikan, dahil na rin wala sila ng mga tinatawag na sweat glands. Mabuti ito sa kanilang kalusugan dahil hindi lamang sila nagpapalamig kundi nagkakaroon rin sila ng kalasag laban sa mga insekto. Damo at iba pang halamang ligaw ang kinakain ng mga kalabaw at kadalasang tuwing umaga sila kumakain. Sa ibang bahagi ng daigdig, mahalaga ang mga kalabaw dahil sa kanilang gatas at karne.

Likas ang mga kalabaw sa Pilipinas at karaniwan na itong alaga. Pero, kahit papano itinuturing pa rin itong mahalaga. Sa katunayan, noong 1925, nagkakahalaga ng 50 piso ang isang kalabaw na may kamahalan na sa panahong iyon. Tinuturing na pambansang simbolo ng Pilipinas ang kalabaw. Kalabaw din ang mascot ng Philippine Daily Inquirer na nagngangalang Guyito.

Isang kalabaw na ginagamit sa transportasyon noon sa Maynila (1923)

Mula sa Pilipinas ang mga kalabaw ng Guam. Dinala ang mga ito mula pa noong kapanahunan ng mga Kastila.

Tulad ng mga Pilipino, ginagamit din ng mga taga-Guam ang kalabaw sa pagsasaka. Tinuturing rin itong pambansang simbolo. Minsan sa mga kapistahan nagkakaroon sila ng mga karera ng mga kalabaw. Karaniwan rin itong ginagamit ng mga bata na para sakyan tuwing may pista. Kabilang na sa karaniwang kultura ang mga kalabaw doon. Isang halimbawa nito ang pampaskong awit na "Jungle Bells" ("Jingle Bells"), kung saan inihahambing ang pagsakay sa kalabaw sa pagsakay sa kabayo. Minsan ring kinakain ang karne ng kalabaw.

Bagamat malaki ang bilang ng mga kalabaw noong panahong 1900, kakaunti na lamang sila ngayon. Isang katangi-tanging lugar ay ang U.S. Naval Magazine sa barangay ng Santa Rita, kung saan naproprotektahan ang mga kalabaw dahil sa pagkabakod ng Naval Magazine sa lahat ng sulok.

Noong 2003, nagdudulot ng pakakontamina sa tubig ng Fena Resevoir ang paglobo ng bilang ng mga kalabaw kaya't naisipan ng U.S. Navy na lipunin ang kanilang bilang sa pamamagitan ng pangangaso. Ikinagalit naman ito ng mga lokal na Chamorro.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "anuwang - Diksiyonaryo". diksiyonaryo.ph. Nakuha noong 2024-07-13.
pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy