Pumunta sa nilalaman

Kigali

Mga koordinado: 1°56′38″S 30°3′34″E / 1.94389°S 30.05944°E / -1.94389; 30.05944
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kigali
Litratong malawak na tanawin ng Kigali, kabilang ang mga tore ng CBD sa malayo
Litrato ng simbahan ng Sainte Famille, na pinapakita ang harapan at isa sa mga gilid
Litrato ng mga bahay sa Remera sa dalisdis ng burol, kasama ang istadiyum ng Amahoro na makikita sa ibabaw ng burol
Litrato ng isang eksena sa kalye kabilang ang mga gusali, mga taong naglalakad at mga sasakyan na nasa daan
Pakaliwa mula sa itaas: horisonte ng Kigali, arabal ng Remera at istadiyum ng Amahoro, mga eksena sa kalye ng Kigali CBD, Simbahan ng Sainte-Famille
Kigali is located in Rwanda
Kigali
Kigali
Kigali is located in Aprika
Kigali
Kigali
Mga koordinado: 1°56′38″S 30°3′34″E / 1.94389°S 30.05944°E / -1.94389; 30.05944
Country Rwanda
LalawiganLalawigan ng Kigali
Naitatag1907
Pamahalaan
 • AlkaldePudence Rubingisa
Lawak
 • Kabiserang lungsod730 km2 (280 milya kuwadrado)
Taas
1,567 m (5,141 tal)
Populasyon
 (senso ng 2012)
 • Kabiserang lungsod1,132,686
 • Kapal1,552/km2 (4,020/milya kuwadrado)
 • Urban
859,332
Sona ng orasUTC+2 (CAT)
 • Tag-init (DST)UTC+2 (wala)
Mga distrito[1]
1. Gasabo
2. Kicukiro
3. Nyarugenge
Mapa na pinapakita ang tatlong distrito ng Kigali
HDI (2018)0.632[2]
medium · Una sa 5
Websaytkigalicity.gov.rw

Ang Kigali (IPA[ci.ɡɑ́.ɾi]) ay ang kabisera at ang pinakamalaking lungsod sa Rwanda. Malapit ito sa pangheograpiyang sentro ng isang rehiyon sa gumugulong na mga burol, kasama ang isang serye ng mga lambak at tagaytay na kinakabit ng matatarik na dalisdis. Sentro ang lungsod ng ekonomiya, kalinangan at transportasyon simula pa noong naging kabisera kasunod ng kalayaan nito noong 1962 mula sa Belgang pamumuno.

Sa isang lugar na kinokontrol ng Kaharian ng Rwanda mula ika-17 dantaon at pagkatapos ng Imperyong Aleman, naitatag ang lungsod noong 1907 nang pinili ni Richard Kandt, ang residenteng kolonyal, ang lugar para sa kanyang punong-himpilan, na binabanggit ang gitnang lokasyon nito, tanawin at seguridad. Nagsimula ang mga banyagang mangangalakal na mangalakal sa lungsod noong panahon ng mga Aleman, at binuksan ni Kandt ang ilang paaralan na pinapatakbo ng pamahalaan para sa mga mag-aaral na Tutsi na taga-Rwanda. Kinontrol ng Belhika ang Rwanda at Burundi noong Unang Digmaang Pandaigdig, na binubuo ang mandato ng Ruanda-Urundi. Nanatili ang Kigali bilang luklukan ng kolonyal na pamamahala para sa Rwanda subalit ang kapital ng Ruanda-Urundi ay nasa Usumbura (Bujumbura ngayon) sa Burundi at nanatili ang Kigali na maliit na lungsod na mayroong 6,000 na populasyon lamang noong lumaya sila.

Lumago ang Kigali noong sumunod na mga dekada. Una itong direktang naapektuhan ng Digmaang Sibil ng Rwanda sa pagitan ng mga puwersa ng pamahalaan at ang rebeldeng Makabayang Prente ng Rwanda o Rwandan Patriotic Front (RPF), na nagsimula noong 1990. Bagaman, noong Abril 1994 namatay ang Pangulong Juvénal Habyarimana nang ang kanyang sasakyang-panghimpapawid ay pinatumba malapit sa Kigali. Sinundan ang kanyang kamatayan ng henosidyo ng mga taga-Rwanda, na pinatay ng ektremistang Hutu na tapat sa pansamantalang pamahalaan ang tinatayang 500,000–800,000 na Tutsi at katatamang Hutu sa buong bansa. Ipinagpatuloy ng RPF ang labanan, na tinapos ang tigil-putukan ng higit sa isang taon. Unti-unti nila nakontrol ang karamihan sa bansa at sinakop ang Kigali noong Hulyo 4, 1994. Pagkatapos ng henosidyo, nakaranas ang Kigali ng mabilis na paglago ng populasyon, kasama ang muling pagtayo ng karamihan ng lungsod.

Ang lungsod ng Kigali ay isa sa mga probinsya ng Rwanda, na tinakda ang mga hangganan noong 2006. Nahati ito sa tatlong distrito—Gasabo, Kicukiro, at Nyarugenge—na sa kasaysayan, nagkaroon ng kontrol sa mahahalagang lugar ng lokal na pamamahala. Ang mga reporma noong Enero 2020 ay nagdulot sa paglipat ng karamihan sa kapangyarihan ng distrito sa konseho ng buong lungsod. Narito sa lungsod ang pangunahing residente at tanggapan ng pangulo ng Rwanda at karamihan ng ministeryo ng pamahalaan. Ang pinakamalaking tagapag-ambag sa gross domestic product (kabuuan ng gawang katutubo) ay sektor ng serbisyo, subalit may mahalagang proporsyon ng populasyon ay nagtratrabaho sa agrikultura kabilang ang maliliit na ikinabubuhay ang pagsasaka. Prayoridad ang pag-akit ng mga internasyunal na panauhin ng mga awtoridad ng lungsod, kabilang ang turismo ng paglilibang, pagpupulong at tanghalan.

Nagmula ang pangalang Kigali mula sa unlaping Kinyarwanda na ki- na pinagsama sa pang-uring hulapi na -gali, na nangangahulugang malawak o malapad. Orihinal na nailapat ito sa Bundok Kigali, na malamang dahil ang bundok mismo ay malawak at malapad, na sa kalaunan, ipinangalan ang lungsod sa bundok.[3] Sang-ayon sa pasalitang kasaysayan ng Rwanda, nagmula ang pangalan noong ika-14 na dantaon.[4] Sinulat ng iskolar na taga-Rwanda na si Alexis Kagame, na gumawa ng malawak na pananaliksik sa pasalitang kasaysayan at tradisyon ng bansa,[5] na nagsimula gamitin ang pangalang Kigali pagkatapos makumpleto ni Hari Cyilima I Rugwe ang isang pananakop sa lugar. Sinabi sa alamat na tiningnan ni Rugwe ang teritoryo sa itaas ng burol at sinabing burya iki gihugu ni kigali, na sinasalin bilang "malawak ang bansang ito".[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. REMA 2013, p. 11.
  2. "Global Data Lab: Sub-national HDI" (sa wikang Ingles). Institute for Management Research, Radboud University. Nakuha noong 11 Mayo 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Rwanda". The World Factbook (sa wikang Ingles). Central Intelligence Agency. 5 Pebrero 2021. Nakuha noong 17 Pebrero 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 Mbanda, Gerald (16 Setyembre 2014). "The Legacy of Dr. Richard Kandt (Part I)". The New Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 3 Hunyo 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Vansina 2005, p. 4.
pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy