Pumunta sa nilalaman

Lalawigan ng Belluno

Mga koordinado: 46°8′27″N 12°12′56″E / 46.14083°N 12.21556°E / 46.14083; 12.21556
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Lalawigan ng Belluno
Cortina d'Ampezzo
Eskudo de armas ng Lalawigan ng Belluno
Eskudo de armas
Mapang nagpapakita ng kinaroroonan ng Lalawigan ng Belluno sa Italya
Mapang nagpapakita ng kinaroroonan ng Lalawigan ng Belluno sa Italya
Mga koordinado: 46°8′27″N 12°12′56″E / 46.14083°N 12.21556°E / 46.14083; 12.21556
Bansa Italya
RehiyonVeneto
KabeseraBelluno
Comune61
Pamahalaan
 • PanguloRoberto Pedrin
Lawak
 • Kabuuan3,610 km2 (1,390 milya kuwadrado)
Populasyon
 (31 Disyembre 2018)
 • Kabuuan202,950
 • Kapal56/km2 (150/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+1 (CET)
 • Tag-init (DST)UTC+2 (CEST)
Postal code
32100
Telephone prefix0437
Plaka ng sasakyanBL
ISTAT025

Ang Lalawigan ng Belluno (Italyano: Provincia di Belluno; Padron:Lang-de-AT; Ladin: Provinzia de Belum) ay isang lalawigan sa rehiyon ng Veneto ng Italya. Ang kabesera nito ay ang lungsod ng Belluno.

Ito ay may lawak na 3,610 square kilometre (1,390 mi kuw) at isang kabuuang populasyon na humigit-kumulang 205,000.

Matatagpuan sa Alpes, ang lalawigan ng Belluno ay halos binubuo ng bulubunduking lupain. Sinasaklaw nito ang natural at makasaysayang mga rehiyon ng Cadore, Feltrino, Alpago, Val di Zoldo, Agordino, Comelico, at Ampezzano. Ang silangang bahagi ng lalawigan ay tahanan ng mga Dolomitas, kabilang ang Tofane, Marmolada, Tre Cime di Lavaredo, at Antelao. Sa karamihan ng kurso nito, ang ilog Piave, ay dumadaloy sa Belluno, gayundin ang mga sapa ng Boite at Cordevole.

Ang katimugang bahagi ay tinatawag na Valbelluna, ang pinakamalawak at pinakamataong lambak ng lalawigan, na nasa hangganan ng Venecianong Prealpes. Ang Pambansang Liwasan ng Belluno Dolomitas ay matatagpuan sa lalawigan.

Isa sa pinakamahalagang salik ng ekonomiya ng Bellunese ay ang turismo. Ang Cortina d'Ampezzo, Alleghe, Arabba, Sappada, at iba pang mga lokasyon ay kilala sa Italya at sa ibang bansa.

pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy