Pumunta sa nilalaman

Lawrence Wong

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Lawrence Wong
Si Wong noong 2024
Kapanganakan18 Disyembre 1972
  • ()
MamamayanSingapore
NagtaposPaaralang Harvard Kennedy
Unibersidad ng Wisconsin sa Madison
Unibersidad ng Michigan
Trabahopolitiko
OpisinaPunong Ministro ng Singapore (15 Mayo 2024–)
Pirma

Si Lawrence Wong Shyun Tsai [a] (ipinanganak noong 18 Disyembre 1972) ay isang politikong taga-Singapor, ekonomista at dating lingkod-bayan na nagsisilbi bilang ika-apat na punong ministro ng Singapore mula noong 15 Mayo 2024 at ang ministro para sa pananalapi mula noong 2021. Isang miyembro ng namumunong People's Action Party (lit. na 'Partidong Aksyon ng Bayan'), siya ay naging Kasapi ng Parlamento (MP) na kumakatawan sa dibisyong Limbang ng Marsiling–Yew Tee GRC mula noong 2015, at dati sa dibisyong Boon Lay ng West Coast (o Kanlurang Baybayin GRC sa pagitan ng 2011 at 2015.

Kasamang tagapangulo si Wong sa isang komiteng maramiang-ministeryo na itinatag ng gobyerno noong Enero 2020 para pamahalaan ang pandemya ng COVID-19 sa Singapore.[1] Bilang Ministro ng Pananalapi, pinangasiwaan niya ang unti-unting pagtaas ng Goods and Services Tax (GST, o lit. na 'Buwis sa Produkto at Serbisyo') na itinaguyod ng gobyerno ni Lee Hsien Loong – 8% noong 2023 at 9% noong 2024, mula sa 7% na itinakda mula noong 2007. Noong Abril 2022, napili siya bilang pinuno ng pangkat ng ikaapat na henerasyon ng PAP, na inilagay siya sa linya bilang maliwanag na kahalili ni Lee.[2] Nangako si Wong sa opisina ng Deputadong Punong Ministro ng Singapore noong 13 Hunyo 2022, na naglilingkod kasama ni Heng Swee Keat.[3] Noong 26 Nobyembre 2022, hinirang si Wong sa bagong likhang posisyon ng Deputadong Pangkalahatang Kalihim ng PAP.[4]

  1. Tsinong pinapayak: 黄循财; Tsinong tradisyonal: 黃循財; pinyin: Huáng Xúncái. Sa kanyang pangalang Tsino, ang apelyidong pampamilya ay Wong. Alinsunod sa kustombre, ang istilong-Kanluranin ay Lawrence Wong at ang istilong-Tsino ay Wong Shyun Tsai.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "7 ministries get new ministers in major Cabinet reshuffle". CNA (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 16, 2021. Nakuha noong 23 Abril 2021.
  2. "Finance Minister Lawrence Wong endorsed as leader of 4G team: PM Lee". CNA (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Abril 2022. Nakuha noong 14 Abril 2022.
  3. "Changes to Cabinet and Other Appointments (June 2022)". Prime Minister's Office Singapore (sa wikang Ingles). 6 Hunyo 2022. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Hunyo 2022. Nakuha noong 6 Hunyo 2022.
  4. "Lawrence Wong elected PAP deputy secretary-general in newly created role". Channel NewsAsia (sa wikang Ingles). 26 Nobyembre 2022. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 26, 2022. Nakuha noong 27 Nobyembre 2022.
pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy