Pumunta sa nilalaman

Marginal utility

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Sa ekonomika, ang marginal utility (salitang Ingles, literal na salin sa wikang Tagalog: kagamitang nasa gilid) ng isang good o serbisyo ay nakukuha mula sa pagtaas, o pagkawala mula sa pagbaba, sa paggamit ng ganoong good o serbisyo.

Depende kung anong teorya o konsepto ng utility ang gagamitin, ang interpretasyon ng marginal utility ay maaaring maging makabuluhan o hindi makabuluhan sa pagtalakay sa konsepto ng ekonomika. Inilarawan ng mga ekonomista ang utility bilang isang bagay na maaaring masukat at ito ay nakaapekto sa pag-unlad at pagtanggap ng teorya ng marginal utility.

Ang mga makabagong na teorya ng ekonomika ay madalas iniiba ang interpretasyon tungkol sa mga tanong pagdating sa mga metapisikal na konsepto at sila ay may sinusunod na mga alituntunin sa pag sukat ng utility na makukuha sa mga bagay at serbisyo.

Ang Law of Diminishing Marginal Utility ay kapareho sa Law of Diminishing Returns na nagsasaad na kung daragdagan ang isang salik ng produksyon habang ang ibang salik ay hindi nagbabago, ang karagdagang output ay bababa kasabay ang marginal return o utility.

Sa ekonomiks, ang utility ay tumutukoy sa satispaksyon o benepisyong nakukuha mula sa pagkonsumo ng isang produkto. Ang marginal utility ng isang produkto o serbisyo ang nagsasabi kung gaano katindi ang kasiyahan o satispaksyong nakukuha ng isang mamimili bilang resulta ng pagtaas o pagbaba ng pagkonsumo ng isang yunit. Mayroong tatlong uri ng marginal utility. Ito ay ang positibo, negatibo, at sero marginal utility. Halimbawa, mahilig kang kumakain ng pizza, ang ikalawang piraso ng pizza ay magdadala ng higit na satispaksyon kumpara sa pagkain lamang ng isang piraso ng pizza. Ito ay nangangahulugang ang iyong marginal utility mula sa pagbili ng pizza ay positibo. Ngunit, pagkatapos kumain ng ikalawang piraso nakaramdam ka na ng kabusugan, at hindi mo na nararamdaman ang anumang kasiyahan mula sa pagkain ng ikatlong piraso, ito ay nangangahulugang ang iyong marginal utility mula sa pagkain ng pizza ay sero. Bukod diyan, maaaring kang makaramdam ng umay kung kumain ka pa ng higit sa tatlong piraso ng pizza. Sa pagkakataong ito, ang iyong marginal utility ay negatibo. Sa madaling salita, ang negatibong marginal utility ay nagpapahiwatig na ang pagkonsumo ng bawat yunit ng produkto o serbisyo ay mas nakasasama kaysa nakabubuti na kalauna’y hahantong sa pagbaba ng kabuuang antas ng utility habang ang positibong marginal utility ay nagpapahiwatig na ang bawat yunit ng produkto o serbisyong nakonsumo ay nagpapataas ng kabuuang antas ng utility. Sa konteksto ng cardinal utility, ang mga ekonomista ay nagmungkahi ng law of diminishing marginal utility na naglalarawan naman kung paano nagbubunga ng higit na utility ang pagkonsumo sa unang yunit ng partikular na produkto o serbisyo kumpara sa ikalawa at sumunod pang mga yunit, na may patuloy na pagbaba sa mas mahihigit na dami. Samakatuwid, ang pagbaba ng marginal utility habang tumataas ang pagkonsumo ay kilala bilang diminishing marginal utility. Ginagamit ng mga ekonomista ang konseptong ito para matukoy kung gaano karaming produkto o serbisyo ang nais bilhin ng isang mimili.

pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy