Pumunta sa nilalaman

Nemesis

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Nemesis.

Sa mitolohiyang Griyego, si Nemesis (Griyego: Νέμεσις) ay isang diyosa ng makatarungang paghihiganti na tumutugis sa mga taong nagkasala o mga gumawa ng hindi mabuting gawain. Siya rin ang diyosa ng retribusyon o pagpaparusa, na nagdadala ng pagganti sa mga may napakaraming kayamanan o may sukdulang pagmamalaki ng sarili. Hinihingi ng sinaunang mga Romano ang kanyang tulong para sa digmaan upang ipakitang nakikipaglaban sila para sa makatarungang kadahilanan o layunin.[1][2] Sa sinaunang wikang Griyego, tinatawag din siyang Rhamnousia, Rhamnusia, o Ramnusia ("ang diyosa ng Rhamnous" o "ang diyosa ng Ramnonte") sa kanyang santuwaryo sa Rhamnous na nasa hilaga ng Marathon, Gresya. Halimbawa ng kanyang kapangyarihan ang pagdurulot kay Narciso na umibig o ibigin ang sariling wangis o anyong makikita sa lawa-lawaan.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "Nemesis; Narcissus". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa titik na N, pahina 430 at 437.
  2. Gaboy, Luciano L. Nemesis - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

MitolohiyaGresya Ang lathalaing ito na tungkol sa Mitolohiya at Gresya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy