Pumunta sa nilalaman

Pagpapatalastas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang pagpapalatastas o pag-aanunsiyo (Ingles: advertising) ay isang uri o anyo ng komunikasyon o pakikipagtalastasan para sa pagmemerkado o pamimili (marketing) at ginagamit upang mahikayat o mahimok ang mga madla (mga manonood, mga mambabasa, o mga tagapakinig; na kung minsan ay isang tiyak na pangkat) na magpatuloy o gumawa ng ilang bagong kilos. Sa pinaka karaniwan, ang inadhikang resulta ay makuha ang atensiyon at maimpluwensiyahan ang ugali ng tagakonsumo o mamimili alinsunod sa isang alok na pangkalakalan (commercial) o kalakal,[1] bagaman karaniwan din ang pagpapatalastas na pampolitika at pang-ideyolohiya. Sa wikang Latin, ang pariralang ad vertere, na pinaghanguan ng salitang Ingles na advertising, ay may kahulugang "ibaling ang isipan papunta sa [isang bagay]".

Maaaring maging layunin din ng pagpapatalastas ang paasahin ang mga empleyado at mga "kasalo" (mga shareholder) na matatag o matagumpay ang isang kompanya. Ang mga mensaheng pampatalastas ay karaniwang binabayaran ng mga isponsor at nakikita sa pamamagitan ng samu't saring midyang tradisyunal (miyang nakaugalian); kabilang na ang midyang pangmasa na katulad ng pahayagan, magasin, patalastas sa telebisyon, patalastas sa radyo, patalastas na nasa labas ng gusali o panlasangan, o tuwirang pagpapadala sa pamamagitan ng koreo; o kaya sa pamamagitan ng bagong midya na katulad ng mga blog, mga websayt, hatirang pangmadla (social media), o mga mensaheng teksto.

Pagpapatalastas bilang pag-aanunsiyo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ito ay ang pagpapakilala, pagbebenta o tuwirang pag-aalok pa nga ng mga produkto, paglilingkod, tao, lathalain, pelikula atbp. Ito man ay sa pamamagitan ng telebisyon, radyo, magasin, flyer o pampleto, dyaryo, streamer at iba pang modernong mga pamamaraan.

Ang Industriya ng Pagpapatalastas sa Pilipinas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang buong industriya ng pagpapatalastas sa Pilipinas ay binubuo ng mga asosasyon tulad ng:

  • Advertising Suppliers Association of the Philippines (ASAP)
  • Association of Accredited Advertising Agencies-Phils.
  • 4As, Cinema Advertising Association of the Philippines (CAAP)
  • Independent Blocktimers Association of the Philippines (IBA)
  • Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP)
  • Marketing & Opinion Research Society of the Philippines (MORES)
  • Outdoor Advertising Association of the Philippines (OAAP)
  • Philippine Association of National Advertisers (PANA)
  • Print Media Organization (PRIMO).

Advertising bilang uri ng komunikasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang advertising ay isang uri ng pangmadlang komunikasyon. Ang layunin ng advertising ay ang pagpukaw ng atensiyon ng mga tao patungo sa isang bagay o serbisyo na nais iendorso. Ito ay isang bayad na promosyon na tumutukoy sa isang kompanya, ang mga brand at mga produkto nito. Ang mga impormasyong tungkol sa produkto ay maaring ipalaganap sa pamamagitan ng magkakaibang midya tulad ng telebisyon, radyo, print at internet. Ito ay isinasagawa upang maiparating ng kompanya ang tungkol sa produkto sa mga target na konsumer nito.

Gumagamit ang mga advertiser ng iba’t-ibang malikhaing pamamaraan upang makapanghikayat ng mamimili. Nilalagyan ng sari-saring element ang advertisement tulad ng narrative, endorser/s, jingle, animations/illustrations, atbp.

Ang advertising bilang promosyonal na uri ng komunikasyon ay naglalayon na makapagbigay alam at pagtibayin ang umiiral na pagkaunawa sa isang produkto, ipaalala ang mga ipinipangako produkto at ipinipanindigan ng brand, baguhin ang nararamdaman ukol sa produkto, at impluwensiyahan ang pagbili ng mga konsumer.

Higit pa dito, malaki ang tulong na naibibigay ng mga advertisement sa mga gumagawa ng iba’t-ibang nilalaman ng midya sapagkat sila ang nagbibigay ng pondo para maipalabas ang mga ito. Masasabing ang mga advertisement ang bumubuhay sa mga palabas sa telebisyon, radyo, at sine, at sa mga sulatin sa dyaryo man o sa internet.

Dahil sa laki ng kapangyarihan ng advertising, maraming isyu ang nagsisilabas. Kaugnay nito ang pag-eksamina kung papaano naapektuhan ng advertisement ang nilalaman ng midya. Tila naging uso na kasi ang paglalagay ng advertising ng isang produkto sa kahit anong midya. Sa kabilang banda, kinukwestiyon ng iba ang epekto ng mga advertisement sa mga mamamayan, partikular sa kanilang pag-iisip at paggawa.


Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Dyer, Gillian (2009). Advertising as Communication.Taylor & Francis e-Library. p. 2. Hinango noong 25 Enero 2019.
pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy