Pumunta sa nilalaman

Pahina

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang pahina o dahon ay tumutukoy sa isang papel, parchment, o iba pang bagay na nagsisilbing bahagi ng aklat, magasin, pahayagan, at iba pang koleksyong sulatin na naglalaman ng mga teksto o illustrasyon, maaaring isinulat o inimprenta lang, para makagawa ng isang dokumento. Maaari itong magamit bilang isang sukatan ng pakikipag-ugnayan sa pangkalahatang dami ng impormasyon (Halimbawa: "Ang paksang ito ay sumasaklaw sa labindalawang pahina") o mas tiyak na dami (Halimbawa: "mayroong 535 na salita sa isang karaniwang pahina ng labindalawang puntong uri"). [1]

Nagmula ang salitang "pahina" mula sa katawagang Latin na pagina, na nangangahulugang "isang naisulat na pahina, dahon, pilas,"[2] na siya namang nagmula sa isang naunang kahulugan na may depinisyon na "lumikha ng isang hanay ng mga baging na bubuo ng isang parisukat."[3] Hinango ang salitang Latin na pagina mula sa pandiwang pangere, na nangangahulugang markahan ang mga hangganan kapag nagtatanim sa ubasan.[3]

Rekto at Berso

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga pahina sa isang aklat ay maaaring tawaging rekto, kung ito'y nasa kanang bahagi at berso kung ito'y nasa kaliwang bahagi.[4]

Rekto at berso sa isang kaliwaang-kanang aklat (halimbawa nito ay ang mga aklat sa wikang Tagalog at Ingles)

Mga iba't-ibang Pormat ng Pahina sa isang Aklat[4]

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Title Page (Pamagat) - Sa pahinang ito nakalagay ang titulo, subtitle, at ang awtor ng aklat.
  • Copyright Page (Pahinang Pangkarapatang-ari) - Dito nakalagay ang karapatang-ari ng awtor, publikasyon, at ang panahon ng pagkakalathala
  • Dedication (Dedikasyon) - Ito ay karaniwang nakalagay sa bahaging rekto ng aklat.
  • Foreword o Preface - Karaniwang pahina sa mga di-piksyong mga aklat. Karaniwang nakalagay rin sa bahaging rekto kung posible.
  • Acknowledgments - Nakalagay dito ang pasasalamat ng mga may-akda sa mga taong may naiambag sa pagkakagawa ng aklat.
  • Contents (Talaan ng Nilalaman) - Nakalagay sa pahinang ito ang mga nilalaman ng aklat.
  • Pangunahing teksto - Mga pahinang nakapaloob sa katawan ng aklat. Sa isang piksong aklat tulad ng nobela, nahahati ito sa mga nobela.
  • Panghuling Teksto - Mga pahinang nasa dulo ng aklat, nakapaloob dito ang mga appendix, index, pati na rin ang glossaryo at mga sangguniang ginamit (bibliograpiya).

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "How Many Words in One Page? Answers to your questions". 7 January 2020.
  2. https://en.wiktionary.org/wiki/pagina#Etymology_3
  3. 3.0 3.1 Emmanuel Souchier, "Histoires de pages et pages d'histoire", dans L'Aventure des écritures, Paris, Bibliothèque nationale de France, 1999. ISBN 978-2-717-72072-3 (sa Pranses)
  4. 4.0 4.1 Stack, Marja (2019-04-15). "What is the order of pages in a book?". Medium (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-12-27.
pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy