Papa Juan X
John X | |
---|---|
Nagsimula ang pagka-Papa | March 914 |
Nagtapos ang pagka-Papa | May 928 |
Hinalinhan | Lando |
Kahalili | Leo VI |
Mga detalyeng personal | |
Pangalan sa kapanganakan | Giovanni da Tossignano |
Kapanganakan | ??? Tossignano, Papal States |
Yumao | c. June 928 Rome, Papal States |
Iba pang mga Papa na mayroon ding pangalan na John |
Si Papa Juan X (namatay noong c. Hunyo 928) ang papa ng Simbahang Katoliko Romano mula Marso 914 hanggang Mayo 928. Siya ay isang kandidato ng mga Konde ng Tusculum at kanyang tinangka na pag-isahin ang Italya sa ilalim ng pamumuno ni Berengar ng Friuli at instrumental sa pagkakatalo ng mga Saracen sa Labanan ng Garigliano. Siya ay kalaunang nagkaroon ng alitan kay Marozia na nagpatalsik sa kanya, nagpakulong at sa hli ay pumatay. Ang pagkapapa ni Juan X ay nangyari sa panahong kilala bilang Saeculum obscurum.
Maagang karera
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang kanyang ama ay pinangalan ring Juan. Siya ay ipinanganak sa Tossignano sa kahabaan ng Ilog Santerno.[1] Siya ay ginawang deakono ni Pedro IV na Obispo ng Bologna kung saan ay naakit niya ang atensiyon ni Theodora na asawa ni Theophylact, Konde ng Tusculum na pinamakapangyarihang maharlika sa Roma. Sinabi ni Liutprand ng Cremona na si Juan ay kanyang naging mangingibang habang nasa isang pagdalaw sa Roma.[2] Sa pamamagitan ng impluwensiya ni Theodora na si Juan ay nasa paghahalili kay Pedro bilang obispo ng Bologna na ang posisyon ng Arsoshipo ng Ravenna ay naging bakante.[1][3] Siya ay kinonsagra bilang arsobipo ni Papa Sergius III noong 905 na isang pang kandidato sa kleriko ni mga Konde ng Tusculum. Sa walong taon ng pagkaarsobispo, siya ay masidhing nakipagtrabaho kay Papa Sergius sa isang hindi matagumpay na pagtatangka na koronahan si Berengar I ng Italya bilang Banal na Emperador Romano at patalsikin si Louis ang Bulag. [1] Kanya ring kinailangang ipagtanggol ang kanyang sarili mula sa mang-aagaw na nagtangkang kunin ang kanyang sede gayundin ang pagkukumpirma ng kanyang autoridad sa Nonantola Abbey nang tinangka ng abbot na palayain ito mula sa huridiksiyon ng Arsobispo ng Ravenna. Ravenna.[4] Pagkatapos mamatay ni Papa Lando noong 914, ang isang paksiyon ng maharlikang Romano na pinamunuan ni Theophylact ng Tusculum ay sumamo kay Juan sa Roma upang kunin ang bakanteng upuan ng papa. Bagaman ito ay muling pinakahalugan ni Liutprand na personal na namagitan si Theodora na gawin ang kanyang mangingibig na papa, mas malamang na ang malapit na relasyong paggawa kay Theophylact at ang kanyang oposisyon sa mga ordinasyon ni Papa Formosus ang mga tunay na dahilan sa kanyang paglipat mula sa Ravenna sa Roma. [5] Dahil ang pagpalit ng mga sede ay itinuring na inpraksyon ng batas na kanon gayundin ay pagsalungat ng mga atas ng Konsehong Lateno na nagbabawal sa paglalagay ng isang papa nang walang halalan, ang pagkakahirang kay Juan ay binatikos ng kanyang mga kakontemporaryo.[6]
Reputasyon at legasiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa loob ng mga siglo, ang pagkapapa ni Juan X ay nakita bilang isa sa pinaka-kahiya-hiya nooong kahiya-hiyang panahon ng Saeculum obscurum. Siya ay inilarawan ni Luitprand ng Cremona bilang isang walang konsiyensiyang kleriko na nakipagtalik tungo sa upuan ng papa na naging mangingibig ni Theodora at humawak sa trono ni San Pedro bilang isang puppet ni Theophylact, Konde ng Tusculum hanggang sa siya ay patayin upang magbigay daan sa anak ni Marozia na si Papa Juan XI.[7]
Ayon kay John Foxe, si Juan X ang anak ni Papa Lando at mangingibig ng patutot na Romanong si Theodora na nagtulak kay Juan na patalsikin ang kanyang pinagpapalagay na kanyang ama at ilagay ang kanyang sarili sa lugar nito. [8] Si Juan X ay inilarawan ni Louis Marie DeCormenin bilang:
”Ang anak ng isang madre at isang pari...mas okupado sa kanyang mga libog at mga kahalayan sa halip na sa mga bagay ng sangkaKristiyanuhan...siya ay ambisyoso, sakim, tumalikod, walang kahihiyan, pananampalataya at karangalan at sinakripisyo ang lahat ng bagay sa kanyang mga kalibugan; kanyang hinawakan ang Banal na Sede ng mga labing anim na taon sa kahihiyan ng sangkatauhan.”[9]
Ang ilan ay nakakita siya kanya bilang isang tao na nagtankang tumay laban sa pananaig na aristokratiko ng kapapahan na nagtaguyod ng isang pinag-isang Italya sa ilalim ng isang pinunong imperyal na papatayin lamang para sa kanyang mga pagsisikap.[10]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 Levillain, pg. 838
- ↑ Norwich, John Julius, The Popes: A History (2011), pg. 75; Mann, pg. 151
- ↑ Richard P. McBrien, Lives of the Popes, (HarperCollins, 2000), 152.
- ↑ Mann, pg. 153
- ↑ Levillain, pg. 838; Mann, pg. 153
- ↑ Mann, pg. 153; Levillain, pg. 838
- ↑ Mann, pgs. 151-152
- ↑ John Foxe, George Townsend, Josiah Pratt, The acts and monuments of John Foxe, with a life and defence of the martyrologist, Vol. II (1870), pg. 35
- ↑ DeCormenin, Louis Marie; Gihon, James L., A Complete History of the Popes of Rome, from Saint Peter, the First Bishop to Pius the Ninth (1857), pgs. 285-286
- ↑ Duffy, Eamon, Saints & Sinners: A History of the Popes (1997), pg. 83
Ang lathalaing ito na tungkol sa Katolisismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.